"ThiRd Eye1"

1.2K 25 0
                                    

(MIYUKI ARANDIA)

Anim (6) na taong gulang ako ng malaman kong kakaiba ako sa lahat.Ako yung batang laging si patago hindi dahil mahiyain ako kundi dahil sa mga nakikita ko.

Mambabarang!

Mangkukulam!

Salot!

Aswang!

Ilan lamang yan sa mga ibinabato nila sakin.Kung aswang man ako dapat matagal ko na silang pinatay o ginawang hapunan.
Kung mangkukulam man ako dapat tinanggalan ko na sila ng dila.Kung salot man ako dapat matagal ko na silang rinegaluhan ng tumpok na bubuyog o mga palakang nangangain ng laman.Kung mambabarang ako ,edi sana ora-mismo nalagot na ang kanilang hininga.Pero hindi dahil tingnan mo naman buhay na buhay pa sila at ang galing nilang mangutya.Yung sarili kaya nila bat di nila magawang pintasan?

Perpekto ba sila?Sa pag-kakaalam ko hindi naman.

"Tara na Yuki,samahan mo kong mamalengke."
Ayan na naman si inay alam naman niyang ayokong maglalabas ng bahay.Tumigil na rin ako sa pag-aaral mula ng tumuntong ako ng ika unang taon sa sekondarya diko kinaya.Araw-araw kasi akong nasa clinic dahil sa mga bully kong kaklase at yung mga teacher ko natatakot din sakin.
Tanda ko pa yung grade ko nun halos lahat 90 pataas.Hindi naman ako nagrerecite ,hindi nag-aaral pero ganun yung grade ko.Nakikipagparticipate naman ako sa klase ,yun nga lang hindi naman ako pinagtutuunan ng pansin kasi nga takot sila sakin.

"Susmaryosep na bata ka!Desi-sais kana takot ka parin? Magkukulong kana lang ba habang buhay dito sa bahay? Tingnan mo ang balat mo angputla na kasi hindi ka nasisinagan ng araw."
Ayan na naman ang panenermon ni inay.Sa loob ba naman ng limang taon na hindi ako lumalabas talagang puputi ako,maputla nga lang.

"Oo na inay sige na nga po!"
Pumayag lang naman akong sumama kasi gusto kong bumili ng sampalok.Favorite ko kasi yun lalo na yung hindi pa gaanong hinog at idinidikdik sa asin.

Muli kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin ,nagsuot kasi ako ng balabal at salamin para hindi ako makilala.Ayos na to baka kasi batuhin na naman nila ako ng kung ano-ano.

Pagdating nami ng palengke,Sobrang siksikan at ang ingay ng buong paligid.Ano pa nga bang aasahan mo palengke? .

Bukod sa maingay  hindi rin kagandahan ang amoy.

Puno na rin naman ang basket ni inay kaya nagpaalam muna akong bibili muna ako ng sampalok.

Binigyan niya ko ng 100 pesos at lumarga na ko.

"Isang kilo nga pong sampalok!"
Magiliw na sabi ko sa tindera, alam kong tinitingnan niya ako pero wala akong pakialam.
Inabot ko sa kanya ang bayad ,may sukli pa dapat ako ng 70 pesos pero hindi ko na ito nakuha dahil napatakbo na ko.

Nakita ko kasi si inay na tatawid sa kalsada.Sobrang bilis ng mga sasakyan sa unahan at konti nalang mabubunggo na siya.

Inay! 

Inay!

Sigaw ko habang tumatakbo pero nang malapit na ko sa lugar  bigla siyang naglaho.

Peeppp....Peeppp

Napatingin ako sa kotseng nasa harapan ko ngayon at panay ang busina sakin.

"Ano papakamatay kaba ha!"Inis nitong sabi.

Sa mga oras na yun hindi na ako makagalaw at talagang tinatambol ang puso ko.Nagsimula na ring mahulog ang mga luha ko.Hindi ko siya pinansin kaya siya na ang kusang umalis.Napatingin ako sa gitna ng kalsada kung saan nandoon ang duguang katawan ni inay.


Bakit wala man lang sumasaklolo at tumulong kay inay?..

Nasa may gilid lang ako ng kalsada habang nakatingin sa kanya..

"Inayyyyyy!"

Muli kong sigaw at nagtatakbo doon kahit alam kong laganap ang karera ng mga sasakyan.

"Anak waggggg!

 Tila nabingi ako.

Tama ang rinig ko,bose's iyon ng aking ina.Paglingon ko hindi ko na nakita ang mga nangyari.

"Booogggggssshhhh!"

Nakadapa lang ako ngayon dahil may dalawang kamay na tumulak sakin .Hindi ko na dinamdam ang sugat na natamo ko sa braso.Tumingin ako sa likod kung saan ko nakita ang katawan ni inay na duguan pero nanigas ako ng wala akong makita..

May nabundol!

May nabundol!

Tumingin ako sa harap kung saan may isang taong pinagkakaguluhan.Siya kasi yung tumulak sakin.
Guni_guni ko lang ba yung nakita kong duguan si inay sa gitna ng kalsada?

Dahan-dahan akong naglakad kahit paika-ika ako.Hinawi ko ang mga tao at gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa babaeng nakahimlay ngayon sa lupa at wala ng buhay..

Si inay.

Siya ang tumawag sakin kanina.Ibig bang sabihin nito isa iyong pangitain?

Bat diko agad iyon nalaman?

Umiyak lang ako ng umiyak habang yakap ang katawan ni inay.Malas nga talaga ako.

Wala akong kwenta!

Tama nga sila salot talaga ako!

Si inay nalang ang meron ako bakit kinuha niyo pa?

Gusto kitang saktan kasi binawi mo agad si inay.Pero sino nga ba ako? Isang putik na binigyan ng buhay .
Sana naging normal nalang ako hindi yung ako tong naghihirap dahil dito sa pangatlong mata na ipinagkaloob niyo.

Himutok ako ng himutok alam ko namang wala akong magagawa.
Hindi ko kayang ibalik ang buhay Ni inay .

To be Continued:

(Hindi siya nakakatakot promise!Nakakaiyak siyaHahahahaXD)

Abangan ang mga susunod na kabanata baka magtago ka sa palda ng nanay mo sa mababasa mo^°^ lol.Joke lang!

@rhitscine

"Horror Stories"Where stories live. Discover now