"ThiRd Eye6"

393 16 1
                                    

"Nakikita ko nayon ang isang babaeng naliligo sa bathtub. Gayonpaman,hindi ko makita ang mismong mukha nito.
Hindi ko alam kung bakit ako nandirito sa lugar na ito .
Pinagmasdan ko lang siya habang nakalublob.Maya-maya pa'y kumakawag kawag na ang kanyang paa.Marahil ay naglalaro lang siya.Pero ng marinig ko ang Bose's niya ginapangan ako ng takot..

" TULONGGGG!AC-K TULONGG."

Patuloy lang siya sa pagkawag.Gusto ko man siyang lapitan pero katulad ng dati hindi na naman ako makagalaw.

Narito ako ngayon at nasasaksihan ko ang pagkalunod niya.
Iyak ako ng iyak dahil wala akong nagawa para sagipin siya..

KRINGGGG...GGGG!

Panaginip na naman.Hayyzz!
Bumangon na ko at lumabas pero wala parin akong danayah na naabutan.Nakasalubong ko si ateng taga linis ng bahay.Tinanong ko siya kung nakita niya si danayah pero kita kong nagulat siya.Takot ba siya sakin?

Umiling lang siya at tinuloy ang kanyang pagwawalis.

Pagkapasok ko sa trabaho agad kong tinanong si Trixie-isa sa mga katrabaho namin.

"Trix nakita mo ba si danayah?"
Liningon naman niya ako ng may pagtataka.May mali ba kong nasabi? Umiling lang siya at nagpatuloy na sa paghuhugas ng plato.
Dumiretso na ko sa office ni manager para magtanong..

"Sir,alam niyo po ba kung nasaan si danayah?Dalawang araw na po kasi siyang di umuuwi." sabi ko pero nagulat naman siya.

" Sinong Danayah?" Gusto Kong batukan si Sir .Empleyado niya di niya kilala.Tss!

"Danayah Ocampo po."
Sabi ko kaya, Napakunot siya ng noo at bahagyang nag-isip .Pero talagang nagulat ako sa reaksyon nya.

"Hindi bat matagal na iyong patay.Si Danayah Ocampo ang dating manager rito."
Sabi niya kaya kinilabutan ako ng sobra.Shit ano yun? Multo yung nakakasama ko at naging kaibigan ko?

"Horror Stories"Where stories live. Discover now