"ThiRd Eye3"

541 21 0
                                    


"Ate, Ito na po ang order niyo."

Sabi ko sa aking customer habang inilalapag sa kanilang lamesa ang mga menu na pinili niya kanina lamang.

Kasalukuyan kasi akong nagtatatrabaho ngayon rito sa may kalakihang karenderya ni Manang Susan bilang waitress.

Kahit papano kumikita ako ng sapat na halaga para sa pagkain at sa bahay na inuupahan ko.
Siguro masayang  masaya si inay na makita akong ganito.Hindi nagtatago, walang balabal sa mukha at salamin sa mata.

"Uwi na tayo Bess?"

Siya si Danayah.

Kahit papano nagkaroon rin naman ako ng mga kaibigan pero siya lang ang nakasama ko ng matagal tagal kasi nga magkatrabaho rin naman kami at magkasama pa kami sa inuupahan naming bahay.

"Sige Bess." Sabi ko sa kanya habang inaayos ang gamit ko.

"Boogssh! Klack."

Nahulog ang salamin ko sa sahig at nabasag ito.Nang mahawakan ko ito nagulat ako kaya yung bubog ang nahawakan ko.

Siya na naman! Ano bang kailangan niya sakin?

Tuloy-tuloy lang ang patak ng dugo ko sa sahig at wala rin akong maramdaman na sakit.
Napahawak ako sa mukha ko dahil may dugo ritong lumalabas.

"Bess.Bess..Huyy!"

"Huh-h?"

Nabalik ako sa katinuan ng yugyugin ako ni danayah.

"Anong nangyari sayo? Nakatulala kalang kanina tapos hinawak mo pa yang kamay mo  sa mukha mo ayan tuloy puro na dugo yang mukha mo.Yakks kadiri ka Bess."
Sabi niya at parang nandidiri pero kita kong nag-aalala siya.

"C.r muna ko." Paalam ko.Hindi ko na siya hinintay sumagot at tumakbo na ko.

Naghugas muna ako ng kamay at dun ko lang naramdaman ang hapdi dahil pinasok ng tubig ang mismong hiwa ng sugat ko.
Sunod naman ay ang mukha ko.Ang dulas at ang lansa ko hayyzz!

Napahawak  ako sa washing area at inayos ko ang sarili ko .Habang nakatingin ako sa salamin lumitaw na naman ang kinakatakutan ko.Hindi ko siya pinansin kahit nangangatal na ang tuhod ko .

Siya yung babaeng nakasabay ko sa track,pati ba naman dito susundan niya ko?
Kanina lang ay yung babaeng masama ang tingin sakin ang nakita ko sa salamin ngayon siya naman.Ano bang kailangan nila sakin?

"Tulungan mo ko please!"
Napakalalim ng bose's niya kaya lalong nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan.
Paano ko siya tutulungan kung punong-puno ako ng takot?

"Horror Stories"Where stories live. Discover now