"ThiRd Eye5"

411 17 0
                                    

Nagising ako sa isang lugar na puro puti lang ang makikita.

Langit naba to?

"Gising kana pala! Okay kana ba?"
Doon ay naaninag ko ang dalawang taong nakaupo sa sofa.

"Nasaan ako?" Ang unang salitang namutawi sa bibig ko.

"Nasa clinic ka! Nahimatay ka kanina kaya dito ka namin dinala."
Sabi niya kaya napatango nalang ako.Bigla akong tumayo ng may maalala ako.

"Maari ba nating puntahan ang pinangyarihan ng pagkamatay ng inyong ina?"
Tanong ko na ikibigla nila.

Sana pumayag sila.

Kahit naguguluhan ang isip nila ay nagpasya parin silang sumang-ayon at dalhin ako doon.

Hindi pa nakakatawid ang kanilang ina sa kabilang buhay dahil wala pa itong maayos na burol.

"Hindi mo kayang pigilan ang nakatadhana.May natutulungan ka ngang ibang tao pero sa dulo hindi mo matutulungan ang sarili mo"
Ayan na naman ang boses na yun.Papalabas na kami ng magsalita ang matandang nakasalubong namin.Hindi ko lang maintindihan na walang narinig na kung ano ang magkapatid samantalang ako malinaw pa sa patak ng tubig ang narinig ko.Gusto ko pa sanang magtanong sa matandang iyon pero kinaladkad na ako Ni George-ang kapatid nitong bata.

Malayo layo rin ang byahe na tiniis ng pwet ko.Bukod sa maghapong nakaupo ay panay pa ang hikab ko dahil sa antok.

"Nandito na tayo!"
Sabi niya kaya bumaba na kami .Walang duda ito nga ang nakita ko.Gusto ko mang ngitian ang nanay nilang nakaakbay sa kanila ngayon pero diko magawa baka sabihin pa nilang baliw ako't ngumingiti ako ng mag-isa.

"Baba tayo?" Tanong ko pero umiling sila.

"Ano namang gagawin natin sa baba ?" Magandang tanong.

Ano nga ba?

"May ipapakita lang ako sa inyo."

Tipid kong sabi at nagsimula na kong maglakad pababa.

"Parang saulado mo ang lugar na to ah." Gusto kong matawa sa sinabi niya pero tinuon ko na lang sa paglalakad ang aking pansin dahil baka dumulas ako pababa,maputik pa naman.

Di nakatiis ang magkapatid kaya sinundan parin nila ako.

Pagdating namin sa baba, bangin agad ang sumalubong sa amin.

"Horror Stories"Where stories live. Discover now