"White Lady "

634 16 3
                                    

(Christine Nero Bayola)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Christine Nero Bayola)

Eto ang mahirap bilang college student,yung uuwi ka ng gabi dahil sa panget na schedule na napatapat sayo.At wala kapang kasama pag-uwe.Laging ganito ang routine ko nakakainis at sobrang nakakapagod.

Ako nga pala si Christine Nero Bayola ,19 years old at kasalukuyang Third year college na ngayong taon .

"Tin una na kami!"

Tinanguan ko nalang si Rej at pinagmasdan habang papalabas ng pintuan.Tumingin pa ko sa labas, madilim na rin pala.

"Dika pa ba uuwi? Gabi na eh"
Rinig kong sabi ni kyle habang
nag-aayos na rin ng gamit.

"Naku ,Maya-maya nalang tatapusin ko lang tong tinatype ko."
Sabi ko habang panay lang ang tipa ko sa computer.

"Ikaw bahala ,ingat ka may multo dito.hahaha"
Nainis ako sa Biro niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.Sa totoo lang,nanlamig ako ng banggitin niya ang kinakatakutan ko.shit.Di tuloy ako makapagfucos sa ginagawa ko.

Ibinaling ko nalang ang takot ko sa pagtitipa kaya bahagya ko itong nakalimutan.
Nang matapos ako agad akong nag-ayos ng mga gamit ko.

Hik..Hukk.Hikk....

May narinig akong parang umiiyak kaya lalo akong kinilabutan.Nagsitayuan na rin ang mga balahibo ko na ani moy may humamplos sa katawan ko,marahil gawa ito ng matindi kong kaba.

Muli akong umiling at binuhat na ang bag ko .
Habang naglalakad ako pababa tanging lagapak lang ng black shoes ko na may takong ang pumapaibabaw sa loob ng B.A building.

Ugh.Hik..Hik..Hukk..

Gusto ko ng tumakbo ng mga oras na yun dahil sa papalakas na hikbi na naririnig ko.Idagdag mo pa ang mga yabag na papunta sa akin.
Sa takot ko ay hindi ko man lang magawang lumingon pero nang dumampi sa balat ko ang malamig na hangin ay napatingin ako sa direksyon na yun.

Halos mawalan ako ng ulirat dahil sa nakita ko.
Isang babaeng nakasuot ng telang puti,maitim ang itaas at ibabang mata,madugo ang mukha,at higit sa lahat nakakatakot tumingin.
Gusto ko nalang mahimatay ng mga oras na yun dahil sa matinding takot.

Hindi ko na nga maigalaw ang dalawang paa ko na akala mo'y naipako ako sa simento Hindi ko rin kayang igalaw ang katawan ko.Shitt! Para akong pinako sa sahig .

Nagulat pa ko ng mawala siya sa di kalayuan kaya napahinga ako ng maluwag.
Pero ng mapatingin ako sa baba kung saan mismo ako nakaapak may nakita akong paa ng babae.

Pagtingala ko ,gayon na lamang ang pagkagimbal ko.

Nasa harapan ko siya at face to face pa ang tema namin.
Gusto kong sumigaw pero wala man lang bose's na lumalabas sa bibig ko.Para akong napipi sa oras na toat bigla nalang naglaho ang linawag na nakikita ko hanggang sa mapuno ito ng dilim.

"Inengg....

Ineng...

Hindi ko alam pero napamulat nalang ako dahil may yumuyugyog sa akin.

" aAaahhhhhhhh......"

Napasigaw ako ng di oras dahil sa matandang nasa harapan ko.
Kumalma lang ako ng makita kong nagkamot siya ng ulo.
Nahimatay ba ako?

Agad-agad akong tumakbo papalabas at sinalubong ang sinag ng malaking buwan na nakasilip sa itaas.
Nakita ko doon ang aking kaibigan na prenteng nakaupo sa motor at pawang inip na inip dahil sa kakahintay sakin.

Wala akong imik na sinalubong siya at tulalang umuwi ng bahay.

"Totoo nga ang usap_usapan
May white lady ngang gumagala sa aming building."

(Gabi to ng isulat ko. Naku pati ako kinikilabutan.haha -author)

@Rhitscine

"Horror Stories"Where stories live. Discover now