"Panaginip"

330 17 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





Si Jessica Sanchez ay halos ginugol na ang kanyang lakas sa pagtatrabaho para lang matustusan ang pangangailangan ng kanyang mga kapatid at magulang.Bagamat siya ang panganay kaya siya lang ang inaasahan ng kanyang ina .

Araw ng lunes napaaga ang gising niya dahil sa ingay na nagmumula sa labas.Hindi niya alam kung anong okasyon sa mga oras na yun.Bumaba siya at nakasalubong niya ang kanyang Ina'y pero ang hindi niya maintindihan ay nakatungo lamang ito habang diretsong naglalakad paakyat.Ni hindi man lang siya napansin nitong nakatayo lang sa gilid kaya nagkibit balikat nalang siya.Muli siyang naglakad papunta sa kinatatayuan ng kanyang mga kapatid.Meron siyang 3 kapatid.Bale dalawa silang babae at isang lalaki.

"Anong nangyayari??"tanong niya kay fernan -ang kanyang kapatid na lalaki.Pero hindi man lang ito nagsalita dahil abala ito sa pag-aayos ng kandila.Napatanga nalang siya dahil iniisip niyang aanhin ang mga kandilang iyon.

"Anong gagawin natin sa kandila?Bakit andami? Ano to lamay?"Ni pag iling ay wala siyang natanggap mula rito.Kinabahan na siya dahil hindi niya maintindihan kung anong nangyayari.

Lumipat siya sa gawi ni Teresa -ang kanyang kapatid na babae.Katulad ni fernan abala rin ito sa ginagawa.Pero maraming bulaklak naman ang hawak nito.

"Teresa ! Para saan ang mga bulaklak na yan?"
Tanong niya at buti nalang napatingin ito sa kanya,pero ang ipinagtataka niya ay ang lungkot sa mga mata nito .Kapansin-pansin rin dito na parang lampasan at hindi para sa kanya ang mga tingin niyon kaya iwinagayway niya sa harapan ang kanyang kamay.

"Teresa!Yuhooo!!"Ganun nalang ang gulat niya ng talikuran aiya nito.So totoo nga? Na nasa ibayong lugar ang tingin nito at hindi sa kanya.Doon lang siya pinangangatugan ng tuhod dahil para siyang invincible sa paningin ng lahat.

Nakita niya ang kanyang ama . Nasa may pintuan ito at nakatanaw sa malayo.Linapitan niya ito at nakita niyang naluluha ito.Ramdam niya ang lungkot sa kanilang buong bahay pero hindi niya alam kung bakit.

"Maaga pa para lisanin ang mundo anak.Siguro kung naging masipag lang ang tatay siguro nandito kapa."sabi ng kanyang ama kaya napaatras siya.Sino ang lumisan??Sino ang namatay??

Napalingon siya sa dumating na sasakyan.Lulan nito ang isang violet na kabaong.Bagamat favorite color niya ito kaya lahat ng tanong na nasa isip niya ay parang nagkakaroon ng kasagutan sa kanyang utak.

"Nakikiramay ho kami !"sabi ng drayber ng sasakyan at nakita kong binigyan niya si itay ng pera .Siguro ay abuloy.Agad itong umibis kaya lalo siyang naintriga.Inayos nila ang kabaong at inilagay sa loob ng bahay pero iniwang bukas ang pintuan.Hindi siya mapalagay hanggat hindi niya nakikita ang taong nasa loob nun.

Lumapit siya doon ,Gusto niyang yakapin ang kanyang ina na walang tigil sa paghagulgol pero hindi niya maigalaw ang kanyang paa.Para siyang naestatwa at parang pinako ang kanyang katawan sa isang matigas na bagay.

Para siyang dinudurog dahil sa lungkot na makikita sa mukha ng kanyang mga kapatid at kanyang mga magulang.Kapwa silang luhaan kaya wala siyang nagawa kundi ang makipagsabayan.

Nang unti-unting mabuksan ang kabaong ay pigil rin ang hininga niya .Pero iba parin ang pakiramdam ng mabuksan iyon.Para siyang nabuwal dahil sa nakita.Kaya ba hindi siya makita at hindi makausap dahil patay na siya?Ang mga tanong niya ay biglang nasagot ng isang masakit na katotohanan.Pero hindi niya maalala kung paano siya namatay.

Naisip niya rin siguro na isa lang itong panaginip .At dahil pagod siya at stress kaya siguro sinumpong siya ng tinatawag na Bangungot o kaya Sleep Paralysis.Kailangan niyang magising kung ayaw niyang matuluyan.Yan ang bulong ng kanyang isip na agad naman niyang sinunod.

"Ahhhhhhhhh!!!!!!!"malakas na hiyaw niya .Unang tumambad sa kanya ay ang puting kisame kasabay ng pag-dungaw ng kanyang magulang at mga kapatid.Umiyak siya ng umiyak dahil akala niya patay na siya.

"Anak! Bakit ka sumisigaw? May masakit b sayo??"alalang alala na tanong ng kanyang ina habang inaalo siya.Umiling lang siya habang yakap ang kanyang ina.Napabitiw lang siya ng makitang kulang sila.Wala ang kanyang tatay.

"Ma! Asan si papa??"tanong niya rito na agad namang nasagot ng pumasok ang kanyang ama habang may dalangga prutas.

"Pa!!!!!!"sigaw ni jessica habang umiiyak kaya agad siyang yinakap ng kanyang tatay

"Akala ko mawawala kana anak.Pangako ni tatay hindi kana mahihirapan.May trabaho na si tatay."Naluluhang sabi ng kanyang ama.Biglang nanumbalik sa isipan niya ang kanyang kahindik-hindik na panaginip.Yung sana ng kanyang ama ay biglang natupad at nagkatotoo.Masuwerte parin siya dahil hindi siya pinabayaan ng diyos.

Naalala na niya na muntik na siyang magasaha ng kanyang amo.Pero biglang dunating ang isa sa mga boy kaya nasaklolohan siya pero dahil nga may problema ang isip nito ay naglabas ito ng baril at sa hindi inaasahan ay nagpaputok ito at sinadya pang sa may dibdib niya ito pinatama buti nalang malayo-layo sa kanyang puso.Matapos nuon ay wala na siyang maalala dahil hinimatay na siya.

Lahat ng tao kapag nasa bingit ng kamatayan inuunahan ng pangitain o panaginip .Yun kasi ang paraan ng Diyos para ilayo tayo o balaan sa nalalapit na panganib.

Minsan naman swerte ang hatid ng pananigip pero minsan ay kamalasan.

At dahil sa takot sa masasamang panaginip nakakalimot tayong may diyos na nakahandang tumulong sa atin.At dahil nakalimot tayo sinusukuan rin tayo ng ating Espiritu .
Marahil BANGUNGOT ang mas kilalang tawag rito."

"Kaya sana'y huwag nating kakalimutan ang ating panginoon.Manampalataya tayo dahil siya lang ang nagiisang tagapag-ligtas natin."

@Rhitscine

"Horror Stories"Where stories live. Discover now