"Bagyong Maring"

352 14 0
                                    

KaKatapus lang manalasa ng bagyong Maring ng umuwi ng probinsiya si Marites mabuti nalang nakarating siya ng ligtas doon pero iba ang sitwasyong inabutan niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KaKatapus lang manalasa ng bagyong Maring ng umuwi ng probinsiya si Marites mabuti nalang nakarating siya ng ligtas doon pero iba ang sitwasyong inabutan niya.Wasak wasak na mga bahay at mga putol na tulay ang nakita niya sa bawat daraanan niya.Naisip niyang marahil nasa evacuation center ang mga tao kaya wala ni isa mang siyang nakikita sa paligid ,mukha nga yatang malakas ang naging impak ng bagyo dito sa Kabikolan.Anang isip niya.Pinuntahan niya ang bahay nila na tanging sahig na semento nalang ang natira.
Napansin rin niyang kanina pa may nakamasid sa kanya kaya nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit wala siyang makita.Pero may nahagilap na puting damit ang kanyang mga mata,Itoy gumagalaw at nakatago sa may puno malapit sa kanya.Wala siyang takot na pinuntahan ito at tumambad sa kanya ang isang batang may edad na 9 naa taon.Madungis ito at may kakaunting sugat sa may bandang hita.

Bata! Anong ginagawa mo dito?? Nasan ang mga magulang mo? Anang tanong niya rito pero hindi ito umimik at nakatayo lang sa harapan niya habang pinagmamasdan ang mukha niya.Bigla siyang hinawakan nito ,napapikit pa siya dahil sa lamig ng kamay nito siguro dahil sa babad ito sa ulan,medyo basa rin kasi ang damit nito.Hinigit siya ng bata at nagpatianod nalang siya rito.

Nakarating sila sa isang lugar kung saan naganap ang isang Paguho ng lupa,Tanda niya ang lugar na kinatitirikan ng bundok na ito..Napatakip nalang siya ng bibig ng maalalang ang lugar na ito ay Eskwater ,ibig sabihin maraming bahay ang nandirito pero iba na ngayon.Isang patag na lupa ,walang bahay marahil natabunan nito.May kalambutan pa naman ang lupa kaya kapag umaapak siya lumulubok ang tsinelas niya.Napapasal nalang siya na sanay lahat ng nakatira dito ay ligtas.
Napalingon siya sa bata na ngayon ay malungkot at punong puno ng takot ang mga mata.

Anong Problema bata??
tanong niya ."Yung Laruan po kasing bigay ng tatay ko natabunan..Diyan po mismo"Sa wakas nagsalita na rin siya anang marites.Napatingin din siya sa tinuturo mismo ng bata,malapit sa may inaapakan niya.

"Sige Kukuhanin ko,Teka lang.."
sabi niya at nagsimulang maghukay.May kalaliman na ang nahuhukay niya pero wala siyang makita.Kaya naghukay pa siya ng mas malalim at doon niya nakita ang isang manika ng bata.Kinuha niya ito at bumaling sa bata ngunit wala na ito sa tabi niya.Hindi niya alam kung saan ba ito pumunta .Bitbit niya ang manika ng siyang tumayo pero naagaw ng pansin niya ang isang yero na nakatakip sa maliit na siwang na hinukayan niya at dahil sa curious inalis niya ito..Napasapo pa siya sa ulo at nanghihinang napaupo.Napaiyak pa siya dahilsa nakita niya.Sinong makakapagsabi na kahit sa kamatayan gusto nilang magkakasama.Humagulgol lang siya habang pinagmamasdan ang 3 batang natabunan ng lupa at namumuti na ..Nakayakap sa kanila ang kanilang mga magulang.Nakita niya ang batang nakausap niya kani-kanina lang.Nakangiti ito habang nakayakap sa nanay niya.May sugat siya sa katawan marahil dahil sa yerong nahulog mula sa kanila at mga tipak ng batong nahulog mula ng gumuho ang lupa.
Isang buong pamilyamg piniling sabay sabay na mamatay para magkakasama parin sila sa kabilang buhay.How ironic diba??

(A/N:Bitin hahaha)

@Rhitscine

"Horror Stories"Where stories live. Discover now