"ThiRd Eye4"

473 15 0
                                    


Walang pasok ngayon kaya naisipan kong lumabas kesa naman lagi akong magmukmok sa bahay.

Ang boring kaya!

Habang naglalakad ako ay may nakita akong isang babae na may bitbit na mga kakanin.
Pinagmamasdan ko lang siya hanggang sa may lumapit sa aking bata.

"Nay mano po." Sabi ng bata habang inaabot ang kamay ng kanyang ina.Namiss ko tuloy si inay kasi ganito rin ako tuwing umuuwi ako sa bahay.
"Tulungan na po kita nay."
Ang bait naman ng bata,kinuha niya ang basket sa kanyang ina at binitbit ito.

"Kung nandito lang sana ang ate mo edi sana may katulong tayo sa pagtitinda.Magaling pa naman iyon." Nakangiting sabi ng babae pero tuloy tuloy lang ang patak ng luha niya mula sa kanyang dalawang mata.Nakaramdam ako ng lungkot para sa kanila.

"Nay,ayan kana naman .Diba sabi ni ate ahya ayaw ka niyang nakikitang umiyak.Tahan na po nay."Yinakap siya ng bata para icomfort.

"Tulungan ko na po kayo?"
Sabi ko at kinuha ko ang basket mula sa bata.Nakatingin lang sila sakin at wala silang kibo kaya nginitian ko nalang sila.

"Bili-bili na po kayo mga kakanin.May suman,maruya,kalingking,
Minani,Minatamis,Sinukmani.Masarap na po mura pa!"
Sigaw lang ako ng sigaw sa bawat lugar na madadaanan namin.Infairness ang benta ng tinda ni manang.

"Salamat iha ah? Kung hindi dahil sayo malamang wala pa kaming benta ngayon at pasensiya na di pala sa abala."

"Naku,okay lang po.Enjoy nga eh"

Depensa ko sa kanila kasi okay lang talaga yun sakin tsaka gusto ko lang din talaga makatulong .

"Siguro kung nandito si ate ahya magkakasundo po kayo:)"
Sabi nung bata habang inaabutan ako ng tubig..

"Horror Stories"Where stories live. Discover now