"Santelmo"

347 12 0
                                    

Si Alfred De Guzman ay isang laking tambay sapagkat maaga siyang nawalan ng interes sa pag-aaral.Umuuwi lang siya ng kanilang bahay kapag kakain ,kapag maliligo o kapag may importanteng kukunin.Yan ang kinaugalian ng mga batugan,palibhasa'y natiktikan ng mga tambay niyang kabarkada.Kaya ayan nagpabaya sa buhay.Mahirap na nga sila lalo pang humirap dahil binata na siya ay wala pa siyang maimbag sa kanyang mga magulang.

Gabi na nang magkayayaan silang magbabarkada na mag-inuman.

"Alam mo ba pare kaya nagkasakit si Pedring ay dahil sa takot sa Santelmo.haha"pilyong sabi ni nikanor -isa sa mga sigang tambay sa kanilang lugar.

"Pucha pre! Yung itlog napunta sa batok dahil sa takot hahaha."Tawa naman ni Morte habang pumapalakpak pa.Hindi pa naman sila nakakarami ay mga lupaypay na ito at medyo may tama na.

"Oh pareng alfred! Parang buong mundo ay buhat mo.Yang nguso mo sasayad na sa lupa."pagbibirong sabi naman ni Inteng.Kung tutuusin hindi naman siya nakikinig sa usapan ng kanyang kabarkada dahil iniisip pa rin niya ang nangyari kanina.Napagalitan kasi siya ng kanyang ina dahil umuwi na naman siya para lang manghingi ng pera at umalis naman agad siya.Minsan nga ay nakukonsensya na siya pero sadyang ugali na niya iyon kaya hindi niya maalis.

"Wala ito pare.Kamusta na nga pala si pareng Pedring?"pag-iiba niya ng usapan.

"Ayun baka nagkukulong pa ng kuwarto habang nakatalukbong sa kumot.hahaha"Tawanan lang sila ng tawanan na sinabayan nalang niya.

"Siguro'y natrauma dahil sa pulang apo'y na humabol sa kanya kagabi."Dugtong ni nikanor na walang tigil sa paghagalpak ng tawa habang hawak ang tiyan niya.Napaisip si alfred sa sinabi ni katabi dahil kahit siya ay walang alam sa Santelmo.

"Pulang apoy?? Anu yun???"naiintrigang tanong ni alfred.

"Pffttt"

"Pfft..hahaha"

"Saang lupalop ka ng bundok ipinanganak at hindi mo alam angg tungkol doon? hahaha Patawa ka pare!"
Singit naman ni morte habang umiiling iling.

"Seryoso ako pare ! Ano iyon?"seryosong sabi ni alfred kaya ang tawanan kanina'y biglang tumahimik.

"Sinasabing ang Santelmo ay isang bolang apoy na nagpapakita lang sa taong nakursunadahan nito."
------(Nikanor)

"Sabi ng iba swerte daw ito dahil kapag nakuha mo ito magkakaroon ka ng anting-anting"
---------(Inteng)

"Pero ang sabi naman ng iba nakakamatay raw ito lalo na pag nadikit sa katawan mo .Para itong si kamatayan na susunugin ang katawan mo at nanakawin ang kaluluwa mo."
---------(Morte)

"Tanga mo naman Pareng Morte ang pangit ng depinasyon mo .Mas kapani-paniwala pa yung sa amin ni nikanor."Pasaring ni enting kaya parang nabigyan na rin ng kasagutan ang tanong ni alfred.

"Edi kung tutuusin swerte pala si pedring??"tanong ni alfred na tinawanan lang ng tatlong kainuman.

"Hahaha Anong swerte sa isang yun? Eh halos atakihin na ata yun sa takot.Malas niya kasi siya ang hinabol.Takot kasi ang gago.Anting-anting yun eh pinakawalan pa.Swerte sana naging hangin pa."natatawang sabi ni morte .

"Anong ibig mong sabihin pare? Kailangan bang ikaw ang humabol??"
-------(Alfred)

"Malamang pare!Hindi yun kusang lalapit sayo para magpahuli.Lalapit yun sayo para takutin ka.hahaha"Tawang pang-aasar ni nikanor kaya napailing nalang ang binata.Mukhang lasing na kasi ang tatlong ito.

"Horror Stories"Where stories live. Discover now