Pagkatapos kong kumain lumabas na ako. Hinanap ko si bessy at ayun nandoon pa rin.
Nang papunta na ako kay bessie nakaramdam nanaman ako ng may sumusunod sakin pagtingin ko sa likod ko. Akala ko umalis na yung mukhang gangster hindi pa pala.
Kaya naisipan kong tumawag dun kay unknown baka sakaling siya.
Tinawagan ko na siya. Narinig ko yung cp nung mukhang gangster hahahah siya nga. Di pala. Kasi nung tinignan ko yung cp ko nagriring palang. Siya naman sinagot na niya. Hindi pala siya sayang mukhang pogi pa naman. Hayyssst! Ano ba tong iniisip ko? Mas mabuting hilahin ko na lang si bessie pauwi dahil nabobored na ako.
Nang makauwi na kami agad akong dumiretso sa kusina at uminom ng tubig si bessy naman, ayun feeling at home aba! Kung makapatong ng paa sa maliit na table namin sa sala at kung makabukas ng TV parang siya ang nagbabayad ng kuryente eh! bwisit!
Pagkatapos kong uminom tumabi ako sa kanya. Mukhang nabitin kaganina sa pakikipaglandi dun sa kasama niya.
Kaya naisipan kong ipakuwento sa kanya kung paano niya nakilala yung lalaking kalandian niya." Huy! Bessy ikuwento mo naman kung paano mo nakausap at nalandi agad yung lalaking kasama mo kaganina? " sabi ko.
" Sigeh! Ganto kasi yun, hindi talaga ako ang unang nagpapansin o should I say kumausap. Sabi niya wala raw siyang kasama kaya kung pwede daw magkwentuhan kami muna saglit habang tulala ka. Eh mapilit eh anong magagawa ko tsaka pogi naman eh hihi. Tapos dun na kami nagusap na parang walang katapusan buti nga lang eh hinila mo ako." sus! Halos parang nagsisinungaling ka lang eh mukhang bitin ka pa nga tsk. Sarap batukan. Pero siyempre hindi ko gagawin yun kasi baka suntok ang iganti nito.
" Edi ikaw na! " sabi ko. Medyo may pagka tampo unti pero siyempre acting lang yung tampo malay niyo puriin ako. Haha
" Oy! Huwag kang ganyan! Mas maganda ka sakin sadyang pakipot ka lang kaya wala kapang nagiging boyfriend eh. Kung gayahin mo kaya ako. " sabi niya sabay turo sa sarili. Siya gagayahin ko? Ha!! Wag na. Ikamatay ko pa.
" Huwag na baka lokohin lang ako katulad ng 63 na ex mo at pang 64 mo ngayon " sabi ko.
" At sino naman yung pang 64 aber!? " tanong niya.
" Siyempre sino paba edi yung lalaki kaganinang kausap mo! Siguradong magkachat kayo mamaya at bukas pagkagising ko nakaupo na siya rito sa sofang inuupuan natin." sabi ko. Ganun naman kasi talaga nangyayari eh kaya alam ko na. Lahat nga ng naging boyfriend niyan mga nakilala niya lang sa mall eh. Oh diba ang harot.
" Oo na alam mo na naman pala eh. Sigeh tulog ka na" sabi niya kaya umakyat na ako papuntang kwarto.
Pagkadating ko sa kwarto ko agad akong humiga at hindi na nag-abalang magbihis pa dahil pagod na ako.
Nagiisip ako ng paraan kung paano kukumbinsihin na makipagkita doon kay unknown malay niyo, siya ang makatuluyan ko.
Hindi ko namalayan nakatulog na ko.
>_<>_<>_<>_<>_<>_<>_<>_<>_<>_<>_<>
Thanks nga pala reader kung sino kamang nagbabasa maraming salamat sayo.
Mahal ko kayo!! Saranghae!!≧∇≦~\(≧▽≦)/~
⁄(⁄ ⁄•⁄ω⁄•⁄ ⁄)⁄ ◌⑅●♡⋆♡LOVE♡⋆♡●⑅◌
BINABASA MO ANG
Being His Girlfriend
JugendliteraturBeing his girlfriend is like hell. Yung naging boyfriend mo siya agad agad na hindi mo pa kilala ng sobra, ni pangalan lang alam mo? Tapos nung naging kayo para kang may kasamang demonyo? Hayyssst ... Anong gagawin ko sa lalaking ito? Kaya ko bang...