DHENIZE'S POV
Nagsialisan na yung mga kaibigan ko at pati narin sila Arkin.
Wala namang nangyari eh. Mga torpe kasi Hahaha! Siguro kung hindi torpe yung mga yun sigurado akong naging sila na dati pa kahit walang forever!!
ABRAHAM'S POV
Alam kong hindi niyo ako kilala Hahahah! Ako nga lang naman si Abraham Valerio na pinsan lang naman ni Christian Ocampo na tropa din ni Arkin.
Bali-balita ko eh kaagaw ko raw yung kaibigan ni Christian kay Shane. Si Joshua ba yun?
Siyempre hindi ako papayag na maging sila. Akin lang si Shane!. Simula bata pa lang siya na ang gusto ko. Dati kasi kapit bahay ko sila kaya ganun ang nangyari. Ahm... Sabihin na nating na love at first sight ako sa kanya. Hindi naman maipagkakaila na simula pagkabata ni Shane eh maganda na siya. Hindi lang naman kagandahan nagustuhan ko sa kanya pati rin naman ugali eh. Tsaka ang mga magagandang katangian niya.
Basta handa akong ipaglaban si Shane. At pag naging kami hindi lang asin ang lalanggamin pati tuyo.
Hazel's POV
Hey.. Alam ko namang kilala niyo na ko kasi napakilala na ako sa inyo ni Shane. Ok! Kung gusto niyong magpakilala ako edi magpapakilala.
I'm the sexiest among the group, Campus sweet heart at cute.
Hindi ko na lalahatin ah. Baka mainggit kayo eh ahhaha.
Alam niyo bang may gusto ako kay Jacob? Yung isang kaibigan ni Arkin. Yung lagi kong binabara? Yung laging pagkain ang hanap? Yun!
May gusto ako sa kanya. Alam niyo bang kilig na kilig ako nung malaman kong may gusto rin sakin si Jacob. Kaso bali-balita palang yun. Ibig sabihin hindi sure. Kaya pagkaumamin na siya sakin dun lang rin ako aamin. Baka kasi biro lang o gawa gawa lang yung balita na nasagap ko.
Kahit matagal pa bago siya umamin. Kaya kong maghintay. Para sa kanya naman yun eh at sa future.
Gustong gusto ko na maging kami. Kaso mukhang natuturn off siya sakin tuwing nagsusungit ako sa kanya.
Tsaka mga man hater kami sa grupo namin nila Dhenize. Baka magalit sila pag may natipuhan ako. Pingakakatiwalaan ko naman sila na kahit anong mangyari mag away man o hindi walang iwanan kahit may kanya kanyang pamilya na kami sa future wlang magbabago kasi promise namin yun sa isa't isa.
Andito ako ngayon sa may roof top.
Gusto ko kasi ng sariwang hangin. Gusto ko ring makapag isa. Kaso lang malakas pakiramdam ko na hindi lang ako ang nandito, na hindi lang ako ang gustong makapag isa.Nilibot ko ng paningin ang buong paligid at hindi nga ako nagkakamali. Andito lang naman si Jacob ang taong nagparamdam sakin ng malakas na pagtibok ng puso tuwing siya'y lalapit,titingin at iba pa. Sa kanya lang naman ako na love at first sight.
Bakit kaya nauso sa grupo namin ang love at first sight? Dati kasi nung nagkukuwentuhan kami eh nagkatopic kami tungkol doon ay nalaman ko na lahat kami nalove at first sight pero never been kissed and touch. Proud to ba Man-hater kaya ako. Hindi lang pala ako buong grupo namin haha.
Alam niyo bang ang sarap titigan ni Jacob pagtulog?? Mukha kasi siyang anghel haha. Sana lahat na lang sila ganyan para may poreber na hahaha.
************************************
Ano kayang mangyayari sa next chapter? May magkakatuluyan na ba o wala pa?
Dont forget to vote and comment.
BINABASA MO ANG
Being His Girlfriend
Teen FictionBeing his girlfriend is like hell. Yung naging boyfriend mo siya agad agad na hindi mo pa kilala ng sobra, ni pangalan lang alam mo? Tapos nung naging kayo para kang may kasamang demonyo? Hayyssst ... Anong gagawin ko sa lalaking ito? Kaya ko bang...