Chapter 6

20 2 0
                                    

Dhenize POV

Andito kami sa basement dahil uwian narin at hinihintay ko na lang si bessy para masabi ko sa kanya. Umalis narin naman si Arkin kasi may emergency daw sa bahay nila. Imbes na sa bahay ako umuwi ay pumunta kami sa school dahil kay bessy.

Maya maya dumating narin si bessy kaso lang mukhang galit hindi kasi ako pumasok sa three last classes namin dahil kay Arkin.

" Hoy! Saan saan kita hinahanap! Alam mo bang nag alala ako sayo? Pasalamat ka hinintay parin kita! "
Singhal niya sa akin.

" Ehh.. Sasabihin ko naman sayo yung nagyari pero puwede umuwi muna tayo? " request ko. Nangangalay na kaya ako kakatayo simula nung umalis si Arkin. Ang init pa tuwing alas tres ng hapon baka masunog ako dito eh.

" Che! " tsk. Papayag rin naman. Ang dami pang arte.

Maya maya nakarating na kami sa bahay nadatnan namin si Dana, yung kapatid ko na naggagawa ng homework. Mukhang dito pa ata matutulog ang kapatid ko. Meron  kaming library,office para kay papa baka sakaling pumunta siya rito at guest room para sa mga bisita na pumupunta sa bahay. Dumiretso kami sa kwarto ko baka kasi kapag sa sala kami magusap ni bessie baka marinig ng kapatid ko na may boyfriend na ko magalit pa yun.

Andito na kami sa kwarto ko. Nilock ko yung pinto.

" Oh? Kwento mo na! Bakit ka di pumasok sa three last classes natin nung recess? Parehas kayo ni Arkin? "

" Kilala mo si Arkin? "

" Oo at bakit hindi? Anak siya ng may ari ng school natin. Tsaka di ako tulad mo na hindi updated. "

" Hindii rin naman kasi ako tulad mo na tsismosa "

" Wait nga lang iniiba mo yung topic eh! So ano na? "

Then kinuwento ko na sakanya lahat ng nangyari. Halos nga bumilog yung mata niya nung malaman niya na ginawang girlfriend ako ni Arkin. Siyempre literal na magugulat yun kasi di naman nangligaw sakin si Arkin.

" Weh?  Hindi nga!? " tanong niya na may halong hindi naniniwala.

" Oo nga! " pag-sagot ko sa tanong niya.

" Akala ko wala nang papatol sayo eh! No boyfriend since birth ba naman ba naman. " pang-aasar niya.

" Hoy! May mga admirers kaya ako hindi ko lang pinapansin at sinasabi sayo. " pang-iinggit ko. Akala niya ha!

" Edi ikaw na! " siagw niya.

" hahaha! " tawa ko.

Hanggang sa makauwi siya tawa ako ng tawa. Alam niyo kung bakit? Kasi hanggang sa pagsakay sa kotse niya eh nakasimangot naiinggit daw siya dahil sakin kas naging girlfriend daw ako ni Arkin at ako raw ang pinili kaysa sa kanya. Hahaha! Crush niya pala niya yun.  Eh sa ganda kong to sino ba naman ang hindi mahuhumaling na gawing girlfriend ako?

Pagkaalis na pagkaalis ni bessy sinilip ko muna si Dana at ayun mukhang tapos na maggawa ng assignment at nagrereview na lang.  Tsk. Manang mana talaga sakin kahit di halata. Hahaha!

Bumalik na ako sa kwarto at nakita ang cellphone ko na umiilaw siguro may nagtext.

From: Unknown Number

Babe!! Kita tayo bukas ah? Maaga kang pumasok para maiannounce na natin na tayo na. Love you babe!!~♥~

Si Arkin lang pala teka! Saan niya nakuha number ko? Tsk bahala na nga tsaka hindi ko na rereplyan katamad eh tsaka wala akong load hehe.

Maya maya biglang pumasok si Dana. Tinago ko muna cellphone ko baka hiramin niya malaman niya pa na may boyfriend ako magalit pa sakin. 

" Ate! May itatanong sana ako " ano naman kaya yun? Baka narinig niya pinagusapan namin ni bessie. Teka nga! Sound proof naman tong room ko kaya sigurado akong hindi niya narinig yun.

" Oh! Sige! Ano yun? Yung masasagot ko ah alam kong matalino ako pero huwag mong sulitin baka maubos "

" Oo na! Ikaw na! Ikaw na matalino haha! " tsk. tawanan ba naman ako?

" Ano ba itatanong mo? " na iirota kong tanong.

" ahhmm.. Pwede mo ba ko samahan sa mall? May project kasi ako . Kung pwede ka mamayang 2 pm? "

" Oh sigeh! Ikaw pa ba? Di kita matitiis noh "

" Talaga? salamat ate!! "  pagkasabi niya nun niyakap niya ako.

Maya maya lumabas na siya nagugutom daw kasi siya. Tinatamad nga ako ngayon eh pero minsan lang ako tawagin ng kapatid ko ng ate kaya susulitin ko na.

Makaiglip na lang muna siguro? Kaso hindi naman ako inaantok. Manonood  na lang ako ng k dramas tsaka ng mga bagong MV ng mga bias ko.

~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥

Hi mga wattpaders!! Kung naghahanap kayo ng iba pang babasahin irerecommend ko sa inyo ang mga stories na nabasa ko na.

Title: Hell University / Chasing hell
Author: KnightInBlack

Title: He's into her Season 1-3
Author: Maxinejiji

Title: Four Bad Boys and Me
Author: Tina Lata

Yung ibang stories kasi na nabasa ko na, dinelete ko na sa library tsaka nakalimutan ko na kaya iyang munang tatlo. Sa next chapter na lng yung iba. Kapag na alala ko.

Don't forget to vote and comment pag may suggestion kayo. ( ˘ ³˘)♥












Being His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon