Chapter 9

21 3 4
                                    

SHANE'S POV

Hayysstt.. Kamusta na kaya si bessie sana magaling na siya. 

Meron ring kaming ibang friends ni bessie. Kami lang talaga ang close na close. 

Ipapakilala ko sa inyo yung mga iba pa naming friends :

Andrea Alenio
      Class President, Top notcher, mabait, maganda, medyo boyish at crush ng bayan.

Hazel Gulfo
      Sexiest among the group, tahimik, mabait, Campus Sweetheart, and cute.

Ella Fernandez
      Palaban, mabait, malibog ng konti, youngest among the group at dyosa.

  Sila lang naman yung close friends namin ni bessie. Minsan na lang kami magkasama sama kasi busy sa pag aaral. Gusto ko nga silang yayayain ngayong magrecess kaya pinuntahan ko sila sa room.

Nandito ako sa Room #28 Lahat ng kaibigan namin ni bessie andito.

Kaso mukhang nakalabas na sila kaya bumalik na lang ako sa room kasi may baon naman akong pagkain.

Alam niyo bang may napapansin ako tuwing nakikita ko si Max? May nakikita kasi akong sumusunod sa kanya. Minsan nga nung pumunta siyang library eh nakita ko dun yung lalaki na lagi kong nakikita. Pasimple yung lalaking tumingin yung bang kunwari nagbabasa pero maya maya titingin kay Max. Medyo curious ako, siyempre half cousin ko siya  kaya mag aalala ako at magtataka.

Siguro may gusto yun kay Max, medyo namumukhaan ko nga yung lalaki eh yun ata yung pinakabata sa grupo nila Arkin. Maganda naman kasi si Max tsaka charming kaya imposibleng walang magkagusto sa kanya. Hayyssttt... Sa sobrang curious nga hindi na ako nakakakain at makatulog ng maayos.

CHRISTIAN'S POV

Andito ako ngayon sa canteen, sinusundan ko kasi si Max kahit saan para sure akong ligtas siya tsaka siyempre papakasalan ko pa yan eh kaya pinagiingatan. 

Andito ako sa katapat ng table ni Max. Kasama niya yung bestfriend niya yung kapatid ni Dhenize yung si Dana ba yun?

Naririnig ko nga yung pinaguusapan nila eh hahaha.

" Uy! Siguro Max baka may gusto ka kay Christian kasi bukambibig mo lagi eh ayieeee!!! " pang aasar ni Dana kay Max.

" Uy! D-di ah! " alam niyo bang napangito ako sa nung sinabi ni Dana  yan? Hahaha.

" Hahahaamin amin rin pag may time Hahaha " yun nagsimula nang mag asaran.

Sana nga talaga totoong may gusto sa akin si Max matagal ko nang hinihintay na maging akin siya.

JOSHUA'S POV

Alam niyo bang may gusto ako kay Shane? Kaso bali-balita ko ay yung pinsan ni Christian ay may gusto din kay Shane. Tsk. Di naman kasing imposible na maraming magkagusto sa kanya. Ganda kasi eh mabait pa. Yung mga type ni Dhenize, Max, Dana at iba pa nilang friends, sila yung mga ideal girlfriend ng mga lalaki kaya siguradong marami akong kaagaw kay Shane. Basta sakin ipaglalaban ko si Shane magkamatayan man ganyan ko siya kamahal.

ARKIN'S POV

Kamusta na kaya si Dhenize? Kung bisitahin kaya namin si Dhenize isasama ko na lang tropa ko then itetext ko nalang si Dhenize na papuntahin yung mga kaibigan niya. Balita ko kasi ang iba sa mga kaibigan ko eh nagkakagusto na sa ibang kaibigan nila Dhenize. Siguradong matatagalan bago kami umuwi Hahah. Ang talino ko talaga Hahah.

GWAPO NA MATALINO PA! SAN KA PA?

DHENIZE'S POV

Tinext ko na yung mga kaibigan namin ni Shane para pumunta sa bahay. Yun kasi sabi sakin ni Arkin. Kaya ngayon andito ako sa kusina at nagluluto ng makakain nila. Nakakahiya kasi eh.

v_v_v_v_v_v_v_v_v_v_v_v_v_v_v_v_v

Nag eenjoy ba kayo? Hahah alam kong hindi. Tsk. nagtanong pa ako.

Being His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon