Dhenize POV
Andito parin ako sa bahay at nakahiga parin. Tulad ng sinabi ko kagahapon , hindi ako papasok ngayon. Tinext ko narin si bessy na hindi ako papasok para hindi siya mag alala.
Alam niyo bang malapit ng sumabog cellphone ko sa kakavibrate kasi text ng text at tawag ng tawag si Arkin? Tsk. Ni hindi ko nga magawang patayin cellphone ko eh baka kasi pag hinawaka. ko sumabog pa sa pinakamamahal kong mukha. Tsk.
Ginawa ko na yung morning routine ko. Tsaka bumaba. Nakita ko yung kapatid ko na kumakain at mukhang patapos na. Maya maya nagpaalam na sakin na papasok na siya.
" Ate! Papasok na ko! Sasabay na lang ako kay Max pag uwi kasi mukhang hindi ka papasok eh. Sige ate! Bye! " pagpapaalam niya.
" Oh sigeh! Ingat! " tugon ko dito.
Pagkaalis ng kapatid ko tumungo ako sa kusina para kumuha ng pagkain at umakyat na sa kwarto ko.
Nang makarating ako sa kwarto ko, nilock ko yung pinto. Binuksan ko yung tv namin at nanood ng cartoons.
Maya maya napansin kong hindi na nagbavibrate cellphone ko kaya kinuha ko ito.
145 missed calls
203 textsGrabe noh? puro lahat yan kay Arkin. Tsk. Bahala siya diyan.
Habang nanonood ako, naramdaman kong nagvibrate cellphone ko kaya tinignan ko kung sino.
From: Arkin <3
Andito ako sa labas ng bahay niyo! Buksan mo ang pinto.
Wait! Ano daw? Nasa labas siya ng bahay namin?
Tumakbo ako sa may bintana at sinilip kung nandun siya at nandun nga. Nakasandal siya sa sasakyan niya habang tinititigan ang cellphone niya.
Omg!! Anong gagawin ko?
Arkin's POV
Andito ako sa labas ng bahay nila Dhenize. Habang nakatitig sa cellphone ko, baka kasi magreply.
Alam ko na kung bakit hindi siya pumasok. Sabi kasi ng kaibigan nia may sakit daw siya. Eh siyempre ako itong boyfriend kailangang alagaan si girlfriend. Hayyssttt ang hirap magbago para lang makaiwas sa arrange marriage. Oo! Aaminin ko cassanova ako pero kaya ko paring magbago para sa kanya dahil kailangan. Kahit hindi ko siya mahal, wala naman akong magagawa eh. Baka kasi biglang mag-iba siya ng desisyon kapag hindi ako nagpakabait. Kaya eto ako ngayon. Hindi na ako pumasok, gusto ko kasing alagaan si Dhenize nakita ko rin kasi kapatid niya sa school kaya sigurado akong mag isa lang siya dito.
Bakit ang tagal niya? Baka tulog?
Makapasok na nga nangangalay na ako eh.Lumapit ako sa gate kaso mukhang lock. Kaso nung sumandal ako, natumba naman ako buti na lang nakapagbalance ako kundi ako pa ang aalagaan.
Pagtingin ko sa likod andito si Dhenize sa may pintuan ng bahay nila at nakakunot ang noo. Maya maya lumapit siya sakin este sa sahig na natumbahan ko.
" Alam mo bang alaga namin itong sahig na ito? Tapos hihigaan mo? Pati ba naman sahig papatulan mo?" tanong niya. Grabe naman kung makapagsabi ng patol. Langhiya! Yung sahig papatulan ko? Ni mas mahal pa ata ang sapatos ko kesa sa sahig na yan eh.
" Ahhh... Sabi ng kaibigan mo may sakit ka daw? " tanong ko na may halong pagaalala.
" O-Oo b-bakit? " why is she stuttering? Because I'm handsome?
" Uh.. Pwede papasukin mo muna ako nangangalay na kasi ako. "suggestion ko, kaganina pa kasi ako dito.
" Uh.. S-sige pasok! " sabi niya.
Sabay kaming pumasok sa bahay nila.
Mukhang wala yung mga magulang nila dito sa bahay kasi tahimik at dito rin ata nakatira yung bestfriend niya na si Shane. Malaki ang bahay nila at kung tawagin mansyon. Maliit lang ng konti sa bahay namin.
" Uhm... Bakit ka nandito? " tanong niya na may halong pagtataka.
" Kasi nga may sakit ka " sabi ko.
" Ehh.. Wala naman akong sakit eh. Ayoko ko lang talaga pumasok kasi tinatamad ako. Tsaka umuwi kana dun ka nalang sa babaeng kaakbay mo kahapon sa mall " sabi niya. Yieee. Nagseselos siya.
" Nagseselos ka ba? " tanong ko nang naka ngisi.
" ahh... Hindi ah! " pagatnggi niya pero buking na naman siya.
" Buking ka na eh! Haha! Wag ka na magselos. Pinsan ko yun. Nakasalubong kasi namin siya sa mall. Tsaka inakbayan ko siya kasi baka kung anong gawin ng mga kaibigan ko sa kanya. Kaya wag ka na magselos "
" ahh. Ganon ba? Sorry!! " sabi niya habang tumatakbo sakin. At niyakap ako.
Maasar nga. Tignan lang natin baka umamin ito eh.
" Teka! Chansing ka eh. May gusto ka ba sa akin!? Yieee... Crush niya ako! Hahah! " pang-aasar ko.
Pero parang may kuryenteng dumaloy sa dugo ko nung niyakap niya ako parang may mga dagang naghahabulan sa puso ko sa sobrang lakas ng tibok.
Ganito ata ang epekto niya sakin. At siya lang nagpatibok ng puso ko.
Mukhang nagkakagusto na siya sakin kasi nagseselos siya. Tsk. Kahit hindi na niya sabihin alam ko na. Ramdam ko na.
Dhenize's POV
Magkayakap kami hanggang sa nakaramdam ako ng gutom. Hindi ko na pinansin ang pang-aasar niya at baka kung saan pa umabot. Kaya niyaya ko na lang siyang kumain. Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa buhay namin. Hanggang sa naisipan na niyang umuwi.
Bakit ganun!? Ano bang nangyayari!? Nagakkagusto na ba ako sa kanya!? Hayystt..
Tumingin ako sa wall clock alas kwatro na pala. Mamaya uuwi na si Dana. Hayysstt.. Kapagod ng araw nato.
Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako dahil sa pagod. Siguro ay gigisingin naman ako ni Dana at ni Bessy para magluto kapag nagutom na sila.
^o^o^o^o^o^o^o^o^o^o^o^o^o^o^o^o
So guyss!! Sa tingin niyo? Nagkakaroon na ba ng feelings si Dhenize para kay Arkin? Kung gusto niyong malaman ang mangyayari subaybayan niyo po ito hanggang sa huli. Don't forget to vote!!
BINABASA MO ANG
Being His Girlfriend
Teen FictionBeing his girlfriend is like hell. Yung naging boyfriend mo siya agad agad na hindi mo pa kilala ng sobra, ni pangalan lang alam mo? Tapos nung naging kayo para kang may kasamang demonyo? Hayyssst ... Anong gagawin ko sa lalaking ito? Kaya ko bang...