Dhenize's POV
Pumasok ako ng maaga para maipasa ko kaagad yung project na pinapagawa samin.
Andito ako ngayon sa AVR ng teachers sa English. Dito ko raw kasi ipapasa kay Ma'am sabi niya sakin.
Kumatok muna ako. Mukhang walang tao. Binuksan ko ang pinto para masilip ko kung may tao ba o wala. Ngunit wala pang tao. Napaaga ako ng sobra. Mukhang maghihintay pa ako ng matagal.
Pero malakas pakiramdam ko na may iba pang tao ang nandito. Medyo madilim dito sa loob kasi hindi pa masyadong binubuksan ng guard yun mga ilaw dito sa school.
Sinubukan ko umatras. Pero laking gulat ko na hindi pader iyon. Kundi isang katawan. Di kaya.... May multo dito!!?!!?
" Kyaahhhh!!!! " nagsisisigaw ako kasi baka kung ano na ang nasa likod ko. Naku!! Mahal ko buhay ko!! Ayaw ko pang mamatay!!
" Aray!! Ang sakit sa tainga!! Pwede ba tumahimik ka nga. At tsaka hindi ako multo para sigawan mo. Sa gwapo kong to? Teka miss!! Pwede lumayo ka muna saglit. Chansing kana sa katawan ko eh. Parehas lang tayong nandito kaya alam ko kukunin mo na ang chance. " teka may multo bang mayabang? At nagsasalita?
" Aba! Ang yabang mo rin eh no? "
Sagot ko dahil sa pagkainis. Sinong di maiinis sa mayabang?" Anong mayabang? Hoy! Nagsasabi ako ng totoo no!. " aba!
" Hahaha edi wow! Hayssttt... Sana dumating na si mam. Nang makaalis na ako dito!! "
" Siguro walang nagkakagusto sayo! Siguro pangit ka! " talaga lang ha! Baka pag nalaman niya na boyfriend ko si Arkin ay bigla na lang siyang lumuhod.
" At paano mo nasabi!?? " tanong ko. Judgemental kasi niya. Porket lang madaladal eh. Tsk. Ni hindi pa nga niya nakikita ang mukha ko.
" Ang ingay mo eh " haysstt. Lalaki nga naman.
" Che!! Bwisit!!! " sigaw ko. Kainis.
Pag dumating na ang mga teachers at nabuksan na lahat ng ilaw. Tignan natin kung may masasabi pa siya sa mukha ko. Tsk. Mukha kaya akong anghel kahit hindi halata tapos sasabihan niya ako ng madaldal? Sapakin ko siya eh. Porket madaldal ako wala nang nagkakagusto sakin? Tsk. Bakit meron bang nagugustuhan ang isang taong tahimik lang at di iimik kapag kinakausap. Ano iyon robot?? Bwisitt!! Isumbong ko siya kay Arkin eh kahit fake lang kami. Hmp!.
Maya maya dumating na din sa wakas ang mga teachers. Bumukas na rin lahat ng ilaw. Humarap ako sa lalaking gulat na gulat sa kagandahan ko.
" Oh anong nangyari sayo? Tsk. Makapanghusga kasi. " siya nga itong mukhang chaka eh. Sapakin ko siya eh sabihin ba namang gwapo siya? Like eww.. Kahit aso ata hindi maniniwala sa kanya eh.
Tumalikod ako sa kanya nung bumukas ang pinto at nakita ko ang teacher namin sa english at agad na pinasa ang project ko. Ayaw ko kasing makita pa yung pagmumukha ng lalaking yun. Baka hindi ako makapagpigil at masapak ko siya sa mukha niyang mukhang nginudngod. Tsk.
Naglalakad ako sa hallway ng may napansin akong kakaibang ingay.
Hindi naman daga, pusa, aso o langaw ang naririnig ko kundi umuungol at mukhang tao pa ata.
Sinundan ko ang tunog. Hanggang sa nakarating akong library. Walang librarian. Sinilip ko ang buong library. At nakita ko si Arkin nakikipag make out. Agad akong umalis sa pwesto ko pero may nasagi akong libro kaya nakagawa ako ng ingay. Hindi na ko lumingon sa likod kasi alam kong nakita na niya ako. I mean nila ako. Tumakbo nako.
" Dhenize!!!!! " rinig ko pang sigaw ni Arkin. Pero hindi ko na pinag abalahan siyang tignan. Tumakbo ako nang tumakbo. Wala akong pake kung pinagtitinginan na nila ako. Basta ang gusto ko makauwi ako nang bahay.
Ang sakit parin pala. Pag nakita mo yung taong mahal mo na nakikipag make out sa ibang tao. Kahit na may experience nako.
Bakit ba kasi ito nangyayari? Siguro kung hindi ako pumayag sa kanya eh hindi mangyayari ito! .
************************************
Bakit kasi may ganun pang tao? Yung mga manloloko?
Ano kayang mangyayari? Hiwalayan na kaya?
BINABASA MO ANG
Being His Girlfriend
Teen FictionBeing his girlfriend is like hell. Yung naging boyfriend mo siya agad agad na hindi mo pa kilala ng sobra, ni pangalan lang alam mo? Tapos nung naging kayo para kang may kasamang demonyo? Hayyssst ... Anong gagawin ko sa lalaking ito? Kaya ko bang...