Dhenize's POV
Andito kami nila Shane sa mall para magshopping. Halos lahat kami. Nag aalinlangan nga ako kung ililibre ko ba sila o hindi kasi sigurado akong madami silang ipapalibre. Hayyssttt... Huwag naman sanang maubos huhuhu.. Malalagot ako pag nangyari yun.
" Dhenize!! Wala nang atrasan ha?? Marami akong nakitang bagong style ng damit eh kaya kailangan kong mabili yun " ayan na naman siya, bakit ba kasi laging may bagong style na damit at araw araw pa nagbabago. Huhuhu!! Maghihirap ako nito!!
" Oo nga!! " sang-ayon naman ng iba. Hayysstt... Mukhang maghihirap nga talaga ako. Ba't ko pa kasi ililibre itong mga ito?. Bakit hindi ako natandaan na naubusan ako ng pera noong nilibre ko sila? Ni halos pati yung ipon ko naubos!! Langya!! Huhuhu!! Wala pa naman itong atrasan. Pag umatras naman ako baka pagsasabunutan nila ako lahat!! Huhuhu.. Bahala na.. Sasabihin ko na lang kaila mama na nilibre ko sila Shane kapag nagtanong sila tungkol sa pera.
Andito kami sa National Bookstore para bumili ng mga wattpad books. Mahilig din naman kasi kaming magbasa. Wala eh nagkahawaan na kami nung nagsimulang bumili ng libro si haezl. Maganda rin naman kasi tsaka mayroon namang makukuhang aral.
Pagkatapos naming bumili ng libro ay dumiretso na kami agad sa beauty parlor. Nagparebond kaming lahat. Nagpapedicure at manicure na rin. Nagpaganda na rin. Nang lumabas kami ay pinagtitinginan kami ng lahat nang dumadaan. Ibang klase talaga ang ganda namin.
Pumunta na kami agad sa isang mamahaling resto. Nagugutom na kasi kami dahil ang tagal naming lahat sa loob ng parlor.
Tinawag ko ang waiter upang kunin ang orders namin.
" Waiter! " pumunta ito sa aming table nang nakangiti.
" Can I have your orders beautiful ladies? " tanong niya na nagpangiti sa amin.
Sinabu na namin kaagad ang mga orders namin dahil hapon na at baka gabihin kami. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa dumating na ang orders namin.
Habang kumakain kami ay may pumasok na magkasintahan sa resto. Muntik na akong mabilaukan nung nakita ko siya.
Alam niyo kung sino?
Edi yung Ex ko lang naman.
Na may kasamang babae. Pumasok sila sa resto habang magkaholding hands.
Bakit ngayon pa? Kung kailan wala si Arkin?
" ahm.. Excuse me magsi-cr lang ako." pagpapaalam ko sa kanila.
Pumunta na ako agad sa cr. Ni-lock ko ang isang cubicle na nauna kong napuntahan. Doon ko binuhos lahat ng hinanakit. Bakit ganun? Bakit hanggang ngayon siya pa rin?
Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa lumabas na ako nang kumalma ako. Pinuntahan ko agad ang mga kaibigan, niyaya ko silang umuwi na. Bigla naman silang nagtaka pero hindi ko na ito pinansin.
Nang makasakay kami ay doon lang nagbalak magtanong ang mga kaibigan ko na walang ekspresyon ang mukha.
" Siya parin ba? " tanong ni bessy na ikinabigla ko. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya dahil naguguluhan parin ako sa aking sarili.
" Siya parin ba? Ano!? Sumagot ka! Hindi pwedeng lagi ka na lang umiiyak tuwing nakikita mo siya lalo na kapag may kasama siyang babae. Kung alam mo lang nadadamay rin kami. Hindi pwedeng ipakita mo sa kanya na mahina ka. Nasasaktan rin kami katulad mo. Alam mo kung bakit? Dahil nasasakatan rin kaming makita kang umiiyak. Hindi naman pwedeng iwasan mo siya palagi. Andiyan na naman si Arkin eh. Bakit siya parin? " pagtatanong at pagsasad niya ng hinanakit.
" Hindi ko rin alam. Naguguluhan ako. Pati ako hindi ko alam kung bakit nangyayari parin sa akin. Alam kong mahal ko na si Arkin pero bakit siya parin ang nasa puso ko? " umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa makarating kami sa bahay.
Agad akong bumaba sa sasakyan at sinundan naman agad ako ni bessy.
Umalis na yung sasakyan kung saan nakasakay rin ang mga iba pa naming kaibigan nang pumasok kami sa bahay. Wala ng tao sa sala kaya siguradong tulog na sila. Agad akong pumunta sa kwarto ko upang hindi ako makita nila mama at papa na maga ang mata baka problemahin pa nila ako bago sila umalis ng bahay. Baka lalo pa silang tumagal.
Humiga ako agad sa aking kama upang matulog ngunit bumukas ang pinto at iniluwa nito si bessy. Hayysssttt... Eto na naman.
BINABASA MO ANG
Being His Girlfriend
Teen FictionBeing his girlfriend is like hell. Yung naging boyfriend mo siya agad agad na hindi mo pa kilala ng sobra, ni pangalan lang alam mo? Tapos nung naging kayo para kang may kasamang demonyo? Hayyssst ... Anong gagawin ko sa lalaking ito? Kaya ko bang...