Chapter 10

9 2 0
                                    

Dhenize's POV

Andito kaming lahat ng friends ko lalong lalo na si Shane pati Dana andito rin siyempre pati si Max.Nasa sala kami, hinihintay kasi namin si Arkin. Yun kasi ung nakalagay sa text ni Arkin. Anong kayang trip nun? Kasama niya ba friends niya!? Mukhang exciting ito ah.

Habang nanonood kami biglang may kumalabog. Lahat kami napatingin sa direksyon kung saan nanggaling iyon.
Nagulat kaming lahat. Alam niyo kung bakit? At sino yun? Si Arkin lang naman at yung tropa niya. Bakit hindi niya sinabi na hindi siya nagbibiro nung sinabi niyang kasama niya yung mga kapwa niya pugo?

Mukhang may napapansin ako ah. Halos lahat ay may kapartner ngayon. Ay! Himdi pala haha!

Alam niyo rin bang bitter at man-hater kaming lahat? Kasi lahat kami nakaexperience nang masaktan. Kaya nga takot kami magmahal at nagiging pihikan kami.

" Hey girls! Bakit ang gaganda niyo ngayon? " sabi ni Christian.

" Tsk. " lahat kaming mga babae sabay sabay na umirap. Feeling close kahit kailan.

" May pagkain ba? " sabi ni Jacob. Isa sa mga katropa ni Arkin. Mukhang pagkain naman ito.

" Sa tingin mo? " pagbabara sa kanya ni Hazel isa sa mga kaibigan namin ni Shane.

Hahahah! Mukhang kawawa lahat ng mga lalaki dito ah! Mga under kahit hindi nila girlfriend. Ibang klase talaga kapag inlove. Bali-balita ko nga eh, itong mga katropa ni Arkin eh may gusto sa mga kaibigan ko lalong lalo na kay Shane, dalawa ba naman ang nag-aagawan sa kanya. Ibang klase talaga mga friends ko. Haba ng hair. Pero di ko alam kung mapapansin itong mga pugo na ito. Mga man-hater nga kami diba? Hahah!

" Diretso na lang kayo sa kusina, may ginawa akong cookies " pagkasabi ko nun hinila ko si Arkin sa may labas para makapagusap kami kasi naguguluhan ako kung bakit niya pinapapunta friends ko.

" Bakit mo ba pinapunta ung mga friends ko dito? At kasama mo pa yung mga tropa mo? " pagtatanong ko sa kanay dahil nagtataka ako.

" Pinapunta ko sila dito pati tropa ko para magkakilala silang lahat. Alam mo naman yung mga kaibigan ko mga inlove ahhahaha! " pag-sagot niya sa tanong ko.

" Ahh.. Basta siguraduhin mong hindi lolokohin ng mga tropa mo yung mga friends ko kundi ikaw malilintikan sakin lalo na kapag si Shane at Dana ang sinaktan nila, magtago kana. "

" Ano kaba! Ngayon lang na inlove ng ganito yung mga tropa ko kaya sigurado akong hindi nila lolokohin mga friends mo lalo na kapatid mo."

" Sabi mo yan ha? " paninigurado ko.

Bumalik na kami sa sala. Lahat sila nanonood. Dalawa kasi sofa namin. Sa kanan yung mga babae tapos yun lalaki sa kaliwa. Nung tignan ko ung mga lalaki busing busy sa panonood. Alam niyo kung saan? Hindi sa television kundi sa mga kaibigan ko. Tama nga si Arkin mga inlove nga ang mga pugo.

Hayssttt... Ngayon lang ako maniniwala na may forever Hahah. Kahit wala naman talaga.

At mukhang totoo ang sinabi ni Arkin. Napapansin ko kasi, hindi ko na nakikita kung saan saan sila kasama ang mga babaeng higad. Nagbabago talaga sila. Walang magagawa kung ang puso mo ang nahulog. Tsk tsk tsk. Hayysstt....

Nung tignan ko naman mga friends ko, mga nakasulyap lang sa mga lalaki yung palingon lingon kunyari pero natingin din tapos yung iba pasimpleng lilingon. Hahaha ibang klase. Mukhang may pag-asang dadami ang langgam sa paligid ngayon pa nga lang eh kinakagat na ako Hahaha. Siguro ung asin namin nilalanggam narin dahil sa kanila. Kakakilig ba naman. Hahaha . Support ko loveteam nila.

Pano kaya yung samin ni Arkin? Hindi naman pwedeng siya lang ang nagmamahal saming dalawa.

Pero ngayon aaminin ko nagkakagusto na ako sa kanya. Hindi ko nga alam kung paano  nangyari dahil kakakilala lang namin pero alam ko na gusto ko siya at hindi magtatagal maiinlove din ako kaso takot akong magmahal. Ayoko kasing masaktan ulit at may masaktan. Ayoko ring dahil sa pagmamahal may magsasacrifice. Oo alam ko na kapag mahal mo ang isang tao kaya mong magsacrifice kahit buhay pa ang itaya mo. Pero ano naman ang mangyayari kung ang isa ay nawala. Kundi masasaktan pa rin kahit ang ginagawa mo ay para maiwasan na masaktan sila.


Hayyssttt.bahala na....sana walang mangyaring masama...

Teka nga! Siguro curious kayo kung bakit ko kilala ang mga kaibigan ni Arkin ano? Ganito kasi yan. Nung bago ako hinatid pauwi ni Akin ay ipinakilala niya ako sa mga kaibigan niya. Andoon kasi sila nung nasa bahay ako ni Arkin.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Ano kayang mangyayari kapag nahulog na si Dhenize kay Arkin? At pati ang mga kaibigan nila ay magkainlaban rin?

Subaybayan!!

Don't forget to vote ang comment!!!

Being His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon