Nandito ako sa school kung saan kami nag aaral ni bessie. Isa sa mga sikat na school dito sa Cavite.
Maaga kasi akong nagising kaya hindi ko na hinintay na dumating si bessie.
Habang naglalakad ako bigla tumunog yung bell. Shit! Late nako! Huhuhu!
Habang tumatakbo ako may nakasalubong akong grupo ng mga lalaki. Huhuhu! Mukha pa namang mga adik at kung makatingin eh grabe. Alam kong maganda ako pero huwag naman sana ako bastusin ng mga nito. Maya nagsalita yung nasa gitna actually lima kasi sila.
" Hi babe " sabi niya. Babe babe siya diyan ewww! yung mukhang yan gagawin kong boyfriend!? Pero impyernes gwapo siya mukha nga lang f*ckboy. Ito ata yung cassanovang sikat dito sa school. Siya rin ata yung anak ng may ari ng school na ito.
" Che! 'Wag mo ako tawaging babe. Dahil kahit kailan man hindi naging tayo!! At hinding hindi ako papatol sayo. Tsupi!!!! Magsi-alis kayo sa dadaanan ko baka masapak ko kayo." sabi ko at nagbigay rin naman sila ng daan buti nalang tumalab charms ko kundi patay na ako.
Dumaan na ako kaso lng hinarang nung lalaking tumawag sakin ng babe yung paa niya kaya natisod ako at nasubsob sa sahig. Tumingin ako sa kanila. Wait lng! Nakalimutan ko maikli pala ung palda namin huta!! T*ngina naman. Huhuhu nasilipan pa ata ako eh.
" Witwiw! Sexy mo naman pla! Mamaya punta ka sa dorm namin ah room 143. Papasayahin ka lang namin buong gabi nang hindi ka na sumimangot diyan. " aba! Gago to ah! Langhiya.
" Walanghiya kang lalaki ka mga manyak kayo Pervert!!!"
Pagkasabi ko niyan pinagsasapak ko na sila. Mga walanghiya kasi.
" Abay! Maswerte ka pa eh. Ikaw na nga nilapitan at niyaya choosy kapa! " sabi niya. Huta !!! Malas nga ako eh nalate ako dahil sa kanya.
" Hoy! 'Wag mo akong gayahin sa mga babae mo at hindi lahat ng babae katulad ng inaakala mo! G*go! "
Sigaw ko at may medyo diniinan narin para dama." Tsk! Sa susunod naming makita ka magtago tago kana." pananakot niya as in namang matakot ako. Baka sabihin kong man hater ako at madami na akong nasapak na lalaki.
" As in namang maniwala ako sayong kaya mo akong saktan at galawin? Hoy! Kung sabihin ko sayo anak ako ni satanas at ako ang reyna ng mga man hater F*ck you! " sabi ko. Matapos kong sabihin yun tumakbo nako dahil nakita kong nagsisitayuan na sila baka gumanti eh.
Nung dumating ako sa room pangalawang subject na namin. Buti na lang wala kaming teacher ngayon. Pumasok na ako sa room at tumabi kay bessie.
Nang biglang bumukas yung pinto ng pagkalakas lakas at dumating ung mga ugok. Nakalimutan ko sinabi pala samin kahapon na magiging classmate namin ang anak ng may ari ng school.
Kung minamalas ka nga naman! At nung tinignan ko mga nakangisi at nung makalapit sila sa upuan ko pinaalis nila yung nakaupo sa likod namin ni bessie at umupo don. Lagot ako nito!!!! Nakita kong gulat si bessie dahil sa nangyayari at hindi lang yun dahil nakaupo sa mismong likod niya yung crush niya yung ugok na kaaway ko. Huta!!! Mukhang wala akong kakampi ngayon ah! Huhuhuhu!
≧∇≦≧∇≦≧∇≦≧∇≦≧∇≦≧∇≦≧∇≦≧∇≦≧∇≦≧∇≦≧
Hi! Sa inyo!! Subaybayan hanggang sa huli!!
BINABASA MO ANG
Being His Girlfriend
Ficção AdolescenteBeing his girlfriend is like hell. Yung naging boyfriend mo siya agad agad na hindi mo pa kilala ng sobra, ni pangalan lang alam mo? Tapos nung naging kayo para kang may kasamang demonyo? Hayyssst ... Anong gagawin ko sa lalaking ito? Kaya ko bang...