UNEXPECTED 5- Overtake

28 3 2
                                    

DENICE'S POV

"Uyyy Kyami ang galing mo talaga!" Ani Sashni.

"Oo nga naman Kyami gehe pwede pa share ng katalinuhan?" Buro ko naman.

"Nako ha wag ganyan baka lumaki ulo ko hehe. Anyways, thank you"

"Oh tara na sa canteen" yaya ni Sashni.

Pagkaupo na min sa napakalawak na canteen eh si Sashni na ang nagprisintang mag oorder.

"Ano sa inyo? Ako na oorder."

"Umh. Spaghetti with pizza nalang sa akin, samahan mo nadin ng strawberry shake." Sabi ni Kyami.

"Sakin naman Spaghetti with chicken sandwich and water nalang." Sabi ko naman kay Sashni.

"Psh! Ano ba kayo. Lunch break nga diba? Hindi Break lang." Angal ni Sashni sa inorder namin ni Kyami.

"Eh pang Launch break din naman yun eh." Sagot naman ni Kyami.

"Ahh basta oorder ako ng set D para sa atin. Kelangan niyong magpakabusog hindi pwede yung ganyan. Order nalang ako ng tatlong strawberry shake and water. Dont worry hehe my treat." Ani Sashni. Ngumiti nalang kami sakanya senyales na sumasang-ayon kami. Ganyan talaga si Sashni, isa sa mga na miss ko sakanya yan yung pagiging maalaga niya saamin. Bawal yung nagpapalipas ng gutom. Bawal yun sakanya sigurado mapapagalitan kami ni Kyami.

"Umh Denice? Yung Thyrone na yun yung ex mo?" Tanong ni Sashni.

"A-ah Oo."

"Hays. Lintek nayun! Pinakulo niya yung dugo ko kanina ng sobra. D-Denice sorry."

"Bakit naman Kyami?"

"Kase a-alam ko na d-di kapa talaga fully n-naka move on tapos inaway ko pa---------"

"Sshhh. Ano kaba wala sakin yung no. Actually sumaya pako sa ginawa mo kase parang karma na niya yun sa ginawa niya saakin. Pagkatapos kase niyang umamin nagtransfer na siya sa ibang school which is dito nga. Di manlang ako nakatikim ng ganti kahit isang sapak lang. Plus yung pinagsasabi niya sayo mas lalo tuloy nakapagbigay ng tulong sakin para makapag move-on. Naku! Tsaka di ko kayo ipagpapalit no. Magkamatayan na!" Mahabang pagpapaliwanag ko.

"Hhmmpp dito nga!" Lumapit sya at niyakap ako.

"D-Denice I saw you a-and Thyrone, staring each other"

"Di ko kase sinasadya na mahagip siya ng mata ko." Parang nagFlash black yung nangyari kanina.

*FLASHBACK*

"Who discovered Love?"

Tanong ni sir kina Thyrone and Kyami. Whhooo sana masagot niya. Habang tinitignan ko siya ay nagtama ang paningin namin ni Thyrone. Parang sa isang tingin na yun, nagbalik ang lahat ng sakit at hinanakit ko sakanya. Di ko tuloy mapigilan ang traydor kong luha. Agad ko naman itong pinunasan habang di inaalis ang tingin ko sakanya. Binigyan ko siya ng Akala-ko-ikaw-na-look ang weird dahil parang naintindihan niya at binigyan ako ng hindi-mo-dapat-ako-pinangunahan-look na agad kong na gets. Then simula na namang lumuha ang mga traydor kong iniiwasan kong hindi humikbi. Buti nalang eh serious sila sa Tagisan ng Talino nina Kyami. Binigyan ko lang siya ng ako-ba-ang-may-kasalanan-look nakakatawang naintindihan niya yon. Kaya nung sinabi niyang "Ako Sir" nagulat ako at napatingin kay sir. Nahagip ng mata ko si Kyami na nakatingin na pala saakin. Agad kong pinunasan ang luha ko at ngumiti sa kanya para sabihing okay lang ako.

THE UNEXPECTED LOVEWhere stories live. Discover now