UNEXPECTED 6- Girl's FIGHT

32 3 4
                                    

PHILLHEXZ'S POV

Masyadong beast-mode ang lalaking katabi ko ngayon. Sana lang di ako ang pagbuntungan ng galit niya. Nandito kami ngayon sa Tsukiza Garden, ito yung pangalan ng Garden dito sa school. Japanese name yung Tsukiza. Yung nagisip ng name ay ang mama pa ng lola ko. Cool diba? Hehe. Kaya tignan niyo ang kinalabasan.

Wala ni isa samin ni Lei ang nagtangkang magsalita. Bakit? Kayo kaya pumalit sa puwesto namin? Kunot na kunot yung mukha ni Thyrone. Umuusok pa nga yung ilong eh.

"FVCK!" Ani Thyrone.

"Oh Alam mo Thyrone, hayaan mo na. Tapos na eh. Mag-eexam na tayo." ani Lei.


"No Dre, hindi yun dahil dun kaya nagkakaganito ako! Like the fvck!? First time kong natalo sa buong buhay ko! Ni minsan di pa ko natalo lalong lalo na pagdating sa academics!"


"Well, tapos na nga Thyrone. Di mo na mababago ang lahat ng yun. Talo ka na Dre. Wag mong pilitin ang kahit na anong bagay na kahit kailan ay di mo na mababago. Wala eh Dre talo na tayo." ani ko.


"Woaw dre kailan kapa nagsimulang humugot?" Ani Lei.


"Shut up. Be serious Lei."



"I'm serious Phill."


"May magagawa pa ko eh. Kailangan kong mabawi ang pagkakapanalo niya. Di pwede na sa isang transferee lang ako matatalo! Kadungisan yon sa pangalan ko no! Ako ang pinaka-MATALINO, MAGALING, MALAKAS AT PINAKA-GWAPO." ani Thyrone.


"Wait Phill? Naramdaman mo yung hangin? Pakiramdam ko may ipo-ipo sa tabi ko." Hay nako kailan ba seseryoso ang isang toh? .


"Meron? Sige, now tell us." Paghahamon ko kay Thyrone.

"I will list her. Papatikman ko sakanya ang 3 strikes na batas ko." Nagulat kami ng sinabi yon ni Thyrone.


"Ano? Ililista mo siya sa Junk's List?!" Tanong ni Lei.



"Narinig niyo naman diba? Psh. "



"But, that's too much dre, ibubully siya ng lahat dito. Last time na nag lista ka sa Junk's list muntik-muntikan ng mamatay yung tao nayon! For Pete's Sake Dre. Alam mo ba na pinagalitan ako ng lola ko dahil sa nangyare na yun. Kahit na hindi siya lagi dito, minomonitor niya ang mga estudyante. So please dre wag yon." Angal ko. Totoo naman kase eh, palaging wala yung Principal which is yung lola ko. Lagi kase siya may business at meetings sa ibang bansa. Well, ang totoo niyan ay di talaga laging nagmomonitor si lola, pinalabas ko lang yon para wag niyang gawen yung nasa isip niya. Last year nung nangyare yun eh nalaman lang ng lola ko yon sa Secretary niya na itinalaga niya bilang pansamantalang pamalit sa pwesto niya kaso wala eh, kinailangan din siya sa business ni lola. Ang alam ni lola ay kasalanan nung nailista sa Junk's list kaya siya nagkaganon. Nagdahilan ako na nag-nakaw siya ng importanteng gamit. Pero sa huli, shempre pinagalitan ako ng matindi.






"Tama si Phill, Thyrone babae pa din siya. That's too much. Iba nalang okay? Oh kaya hayaan mo na. Mag review nalang tayo." wika ni Lei.





"Hindi niyo ako naiintindihan. Ni minsan di pako natalo. Di ko matanggap na isang transferee lang ang nakatalo. Kailangan may gawen ako..." Kinuha niya yung phone niya tapos may tinawagan. "Hello?... This is Venom ... I need five female from the Violet Vipers... Yeah, right now. Bye!"


"Wait! What are you going to do?" Tanong ko.



"Well, di kayo sang-ayon sa 3 strikes? Violet Vipers will be the one to help me from that stupid girl."



THE UNEXPECTED LOVEWhere stories live. Discover now