UNEXPECTED 11- Slave for 3 weeks

25 1 2
                                    

KYAMI'S POV

Sinundan ko lang si Thyrone, akalain mo yun? Napakiusapan ko. Ngayon, pababa na kami sa 1st floor ng detention room. Meron palang secret door dito? Ngayon ko lang nalaman ah, Talagang kahit na ilang araw na akong nag-aaral dito marami pa din akong hindi alam. Inalis ni Thyrone yung carpet tapos may maliit na pinto dun. Nung binuksan niya yon, may hagdang pababa.

"T-teka? Saan naman tayo dadalhin ng hagdan na yan?" Wika ko.

"Just follow." Wala naman akong nagawa kung hindi ang sundin siya. Parang nag-iba ang awra neto ah, naging cold. Pero infairness may natatago padin palang kabaitan to.

::>_<::

-_-!

Nakakapagod! Ke habahaba pala nung hagdan nayon, psh napagod pa ako. Parang may dinaanan pa kaming tunnel eh. Ayun! Huhu butu nalang makakalabas na kami. Pagbukas ng pinto, nagulat ako. Nasa library kami ng isang hospital.

"H-hoy? Na saan tayo?"

"Akala ko ba kailangan ka ng lola mo?"

Natigilan ako, so ibig nasa CIAH kame.

"T-thyrone, pano mo nalaman t-to?"

"Ang pamilya ko ang isa sa mga pinakamayamang stockholders ng school na CIA, ang hospital na ito ay pagmamay-ari namin."

NGA NGA! Literal na napanganga ako dun, sila ang may ari? Huhuhu ang tanga tanga mo, obvious na nga sa pangalan diba?

"W-wait lang, umhh. P-pwede mo ba akong samahan sa room ng lola ko? H-hindi ko kase alam ang mga pasikotsikot dito eh." Lungyuh! Kakapalan ko na ang mukha ko dito!

Bumuntong-hininga siya.

"Okay, fine come on."

Lumabas kami sa Library pagkatapos ay tinulungan niya ako. Agad naman naming nakita si Tita Fei, pagkatapos ay nagmamadali siyang pumasok sa loob ng room. Mugto ang mga mata ni tita. Ano bang nangyare kay lola?


THYRONE'S POV

Pagkakita ni Kyami dun sa babaeng nasa harap ng pintuan ay dali-dali silang pumunta sa loob. Nakalimutan na nilang isara ang pinto sa sobrang pagmamadali. Because of curiousity, I'm here infront of the room listening.

"Dederetsuhin ko nakayo, kelangan ng maoperahan ang lola niyo. Inaatake siya palagi ng stroke ng dahil sa tumor niya. Kapag tumagal pato ay pwedeng.... Ikamatay pa niya." Wika ng doctor.

"A-ahh doc? Magkano po ba yung kakailanganin namin?" ani Kyami.

"145,000 plus ang mga gamot na kailangan niya which costs 25,000. All over is 170,000 pesos."

Natigilan naman si na Kyami. Natulala, di alam ang gagawin kung saan ba makakakuha ng ganong halaga. Agad akong kumuha ng tseke sa bag ko. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa basta ang alam ko, gusto ko itong gawin.

"A-ah, salamat Doc." Wika ng sinasabi niyang Tita.

"D-doc, please gawen niyo po ang lahat para gumaling si lola... Operahan niyo na po siya Please doc." Wika ni Kyami na ikinagulat ng tita niya.

"Hmmm, oo sige iha. Mauna na ako-------"

"D-doc pwede ko po ba kayong makausap sa labas?"

"Pwede naman iha, tara sa labas."

Unang lumabas ang Doctor, agad nan siyang nagulat ng makita ako.

THE UNEXPECTED LOVEWhere stories live. Discover now