Luna's POV.
"My Luna! What a presence! What brought you here? Good news na ba to?" sabi ni Maxwell at tumawa ng malademonyo.
"Maxwell, may sasabihin ako" sabi ko.
Lumapit sya sakin.
"It better be good. Medyo wala ako sa mood ngayon"
"Maxwell, I'm quitting. Hindi ko na gagawin ang mission. Ayoko na please. Pakawalan mo na kami ni Perseus. I can ask Cloud to give you another half billion even billion. Please ayoko na" sabi ko.
Pak!
Isang malakas na sampal ang natamo ko kay Maxwell. Galit na galit nya kong tinignan pero hindi ako nagbabawi ng tingin.
Masakit ang sampal nya sakin pero hindi ko ininda. I was raised to be immuned or rather act immuned.
"How dare you! HFC ang kailangan ko at hindi lang ang bilyones ni Cloud"
"Maxwell please, hindi ko na kaya. Let us go"
"No" sabi nya napatingin ako ng senyasan nya si Hailey at lumabas ito.
"You'll regret disobeying me"His words sends fear to my entire body. Bigla akong kinabahan.
"No!" sigaw ko pero nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at mula dito ay pumasok ang mga tauhan ni Maxwell, bitbit ang kapatid ko na puro sugat na.
"Perseus!" sigaw ko at lumapit sa kanya. Hindi ko napigilang mapaiyak. Hinang hina sya.
Pabalagbag syang binitawan sa harap ko kaya napaluhod ako.
"Ate, go" nanghihina nyang sabi.
"Ano ba?" umiiyak kong sabi. Hinawakan ko ang mga sugat nya. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang pawis at dugo sa mukha nya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumayo ako.
I pointed a gun on Maxwell. Galit na galit ako. I want to kill him. Sinaktan nya si Perseus!
"I'm going to fucking kill you Maxwell!" sigaw ko.
Pero imbis na matakot ay tumawa lang sya.
"Are you sure darling?" ngumisi sya at tumingin sa kinalulugaran ni Perseus kaya napalingon ako.
Hailey is pointing a gun on my brother's head and before I knew it ay naagaw na ni Maxwell ang baril sa kamay ko.
Ikinulong nya ko sa mga braso nya. Nakabalot sa leeg ko ang braso nya at nakatutok sa sentido ko ang malamig na baril.
Hindi ako natatakot mamatay, natatakot ako sa kaya nyang gawin sa kapatid ko. He's too young.
"J-just kill me and let Perseus go" mariin kong sabi.
"Ano bang sinasabi mo ate?! No! Dapat ikaw ang umalis dito, ako ang may kasalan kung bakit nasa poder tayo ng demonyong yan!" sigaw ni Perseus sakin.
Umiling ako at pinilit ngumiti sa kapatid ko. If I'm gonna die, gusto kong manatili sa pag iisip ng kapatid ko na matatag ako.
"Perseus listen to me, if they will let you go. Hanapin mo ang Kuya Cloud mo. Tell him, you're my brother. He will help you" sabi ko.
Si Cloud, huling pagkikita na ba namin kanina sa office? Nagpaalam lang ako sa kanya na may kikitain ako this afternoon. If I have known this will be my end, I should have kissed him longer and held him tighter.
"No ate, ako lang naman ang panakot sayo ng hayop na yan, mas okay na mamatay ako para makalaya ka na. Die Maxwell!" sigaw ni Perseus.
Halos mabingi ako ng paputukin ni Maxwell ang baril. Bahagya akong nahilo dahil sa lakas nun.
BINABASA MO ANG
I MARRIED MY KILLER (Under Revision)
Romance(COMPLETED) In order to get my brother back, I am being tasked to get all the wealth he got, and then kill him right after. So I planned to make him fall, and then marry him, and then kill him so that I could get all the money he have even his own c...