An: Listen to the youtube video for additional feeling. Wag kang maiiyak bes! 😭😭😭
Cloud's POV.
"Ano ba talagang nangyayari?" tanong ni mama. Halos mag hysterical na ito.
"Ma, wag ka ng mag alala baka mapano ka pa nyan" sagot ko.
"Aba paanong hindi ako mag aalala?! Nakidnap si Akira, you have a gunshot. Nasaan ba si Luna?" mama.
I sighed. Sumasama na naman ang loob ko kahit mabanggit pa lang ang pangalan nya.
Nasasaktan ako, masakit na nagawa nya talaga akong saktan at lokohin. I thought my love would change her but I failed. I am not enough.
At mas tumindi pa ang galit ko ng malaman kong kinidnap si Akira. I am thinking na kasabwat si Luna dito. Why would she take Aki? Wala naman tong ginagawang masama ka nyan.
Walang wala ang tama ng bala sa balikat ko sa sakit na nararamdaman ko.
"Wala pa rin ba? Hindi nyo pa din ba nati trace?! Ang kukupad nyo! Kapag may nangyari sa asawa ko, ako mismo ang papatay sa inyo!" galit na sabi ni kuya bago binaba ang tawag.
Lumabas si kuya kaya sumunod ako.
"You better pray, I don't get a hold of your wife Cloud, baka mapatay ko sya. How dare she do this to Akira!"
"Sorry kuya, hindi ko alam"
Nasa labas kami ng mansyon nila mama at natigil ang pag uusap namin ng may tumigil na taxi sa harapan namin.
Mula dito ay may bumabang lalaki na medyo iika ika pa. He's younger than me, I think nasa 18 pa lang sya.
"Kuya Cloud" nagulat ako ng tawagin ako nito.
"How did you know me?" tanong ko.
Nakatingin lang samin si kuya.
"Ako si Perseus kapatid ako ni Ate Luna" sabi nya.
"Don't bring up your sister, wala akong oras. I despise her!" sabi ko.
"Pakisabi sa ate mo, ibalik nya si Akira yung asawa ko before I take her my own way" galit na sabi ni kuya.
Galit ako kay Luna. Sobrang panloloko at pananakit ang ginawa nya sakin pero hindi ko maitatanggi sa sarili kong mahal na mahal ko sya.
Fck I love her even more than I used to love Akira. She became my world pero she destroyed me.
I sighed tatalikuran ko na sana sya ng
"Kuya, makinig ka hindi masamang tao si ate. Tulungan mo ko, we need to save her please, malamang hawak na sya ni Maxwell at nung Akira na sinasabi nyo" Perseus.
"Who's Maxwell?" tanong ko.
"Sya ang nag utos kay ate na patayin ka kapalit ng kaligtasan ko. Maniwala ka kuya, my sister loves you, I know how painful it is for her, hindi ka nga nya nagawang patayin diba? Gusto nya lang akong iligtas. Wala syang option"
I was stunned.
Parang nanuyo ang lalamunan ko."Totoo?" tanong ko.
Tumango si Perseus parang gusto kong maiyak. I judged her.
"Wala tayong oras para mag drama baka anong gawin nung Maxwell na yun sa asawa ko at asawa mo, we need to go" sabi ni kuya.
I'm sorry Luna. I'm really sorry wife.
Luna's POV.
Pinikit ko ang mata ko and then I heard a loud bang, a gunshot.
Pero napadilat ako ng hindi lang isang putok ng baril, sunod sunod. Maraming putok ng baril.
BINABASA MO ANG
I MARRIED MY KILLER (Under Revision)
Romance(COMPLETED) In order to get my brother back, I am being tasked to get all the wealth he got, and then kill him right after. So I planned to make him fall, and then marry him, and then kill him so that I could get all the money he have even his own c...