Dedicated to: My beautiful and loving sister beamax20
Ps. Masyado syang madugas para gamitin ang pagiging magkapatid namin para pilitin akong i post agad tong epilogue. But I still love her.Cloud's POV.
Dahan-dahan akong lumuhod sa harapan ng puntod nya. Inilapag ko ang bulaklak dito.
"Kamusta?" I tried to laugh.
Nandito ako ngayon sa sementeryo kung saan sya nakahimlay.
6 months na ang nakalipas simula nung mangyari yung bangungot na yun. Maxwell died with some of his men, nakulong naman yung iba.
I'm here to visit her.
Luna
Luna's parents.
"Ako nga po pala si Cloud, pasensya na kayo ngayon lang po ako naka bisita, yung anak nyo po kasi napaka pasaway, pero okay na po sya ngayon. Fully recovered na" sabi ko.
Alam kong mukha akong tanga ngayon dahil kumakausap ako ng patay.
Anim na buwan na ang lumipas.
Akala ko talaga nun, mawawala na sakin si Luna.Pero she held on.
Naidala pa namin sya sa ospital.
Although naging critical ang lagay nya at 2 days syang na coma. She survived it. My amazona girl is really amazing."Nandito po ako ngayon para hingin sana ang permiso nyo, although hindi naman po talaga kailangan kasi kasal na kami. Pero I wanna take it the right way, sana po pumayag kayo na pakasalan ko si Luna. Mahal na mahal ko po yung anak nyo kahit na malakas akong ginagamitan ng pagka black belter nya. Kahit na madalas na sunog ang luto nya, I can't live without her, she's my life" sabi ko.
"Sa tingin ko, oo ang sagot ni mama at papa" napatingin ako sa nagsalita. It's Perseus.
Natawa ako.
"Sa tingin mo?" tanong ko.
"Oo naman kuya!" sabi nito.
Pinabalik ko sa pag aaral si Perseus although advance sya masyado. We're close.
"Okay, let's stop the drama and why don't we go now" napatingin kami sa nagsalita. Naka cross arms si Kuya Thunder.
"Ikaw talaga kuya, panira ka ng moment. Napaka sungit mo, pano ka kaya natatagalan ni Akira" sabi ko dito.
"Because I'm handsome" bored nitong sagot.
Napapalatak ako.
"Ayan Perseus wag kang gagaya sa kapatid ko, masyadong hambog" sabi ko.
"Damn you" sabi ni kuya kaya nagtawanan kami.
"Tara ba kuya" Perseus.
"Tara na talaga, naka ilang tawag na sa akin si Akira pinapatanong daw ni Luna kung nasa simbahan ka na, baka gusto mo na namang ma flying kick" sabi ni kuya kaya natawa na lang ako at iiling iling na sumakay sa kotse.
Yes today is our wedding.
Church wedding.
Hindi ko mapigilang ma tense ng magsimula ng mag martsa ang mga bisita papasok ng simbahan. Kasalukuyan akong nasa altar.
BINABASA MO ANG
I MARRIED MY KILLER (Under Revision)
Romance(COMPLETED) In order to get my brother back, I am being tasked to get all the wealth he got, and then kill him right after. So I planned to make him fall, and then marry him, and then kill him so that I could get all the money he have even his own c...