Ang Boyfriend Kong Seloso

2.8K 43 9
                                    

Tagay tayo mga kumare at mga parekoy ko. Huu. Alam niyo ba yung feeling na hirap na hirap ka ng makahinga mula sa pagkakatali  ng boyfriend mo sa leeg mo? Ako kasi oo. Alam ko ang pakiramdam. Medyo nakakapikon, nakakainis at nakakaiyak. Bakit? Kasi lahat nalang ng bagay sa mundo ko gusto niya na alam niya. Lahat ng lugar na pupuntahan ko dapat ipapaalam ko sa kanya kahit family ko na kasama ko kailangan parin. Mga lalaking kakausapin ko dapat i-inform ko muna sa kanya kung pwede. Oras ng pag-pasok at pag-uwi ko sa school kailangan alam niya o di kaya naman siya ang aking hatid-sundo. Pag di ko naman ginawa lahat ng yun, lamz na! Away lang ang hatid. Minsan naiisip ko na dapat ko na ba siyang hiwalayan o ano? Ang hirap na kasi ee. Gusto niya pa na oras-oras lagi kaming magkasama. Dapat nasa tabi niya lang daw ako lagi. Para ano? Para di lumandi sa iba? Di naman ako lalandi sa iba ah. Wala ba siyang tiwala sa'kin na siya lang ang mahal ko?. Mahal ko siya oo kahit pa ginaganito niya na ko, oo mahal ko parin siya pero hanggang saan? Kung ayaw na ng isip ko na mahalin pa siya.

Hindi naman siya ganyan sa'kin dati nung bago palang kami pero, kung bakit kailan mag-iisang buwan nalang at 1st anniversary na namin tsaka pa siya nagkakaganyan. Huu. Ang lungkot isipin kong kaya ko pa bang magpatali sa kanya o hindi na. Teka mga kumare at parekoy ko. Kanina pa ako daldal ng daldal eh di niyo pa nga pala ako kilala. Ako nga pala si Mcar. "M-car" ang basa sa name ko at di "Mac-car". Mahaba kasi masyado real name ko ee kaya wag na tsaka famous na rin naman daw ako sa fb sabi ni Author kaya di na kailangan. 4th Year High School na ko ngayon sa Makita High pati Ang Boyfriend Kong Seloso na si Duran. Oo Duran talaga pangalan niya. Pinaglihi daw kasi siya ng mama niya sa Durian kaya minsan pag pinag-papawisan, lamz na ang amoy pero, syempre love nga kasi ee.Tsaka imune na rin ako kahit singhot singhotin ko pa kilikili niya ee wala ee, mahal talaga.

Naalala ko tuloy na naging kami dahil sa maganda ang pagkaka edit niya ng picture ko. Di halatadong maraming effects kaya naman ginawa kong DP yun. Maraming nag-likes at lahat ng yun ay di galing sa Auto Like kundi sa mga taong like ang aking pislak!. Nagpasalamat ako sa kanya at yun na ang simula ng aming commitment. Ganda ko kaya, para akong si Bella ng Twilight at kung inaasahan yung si Duran ay kamukha ni Edward? Wag na po!.. Bakit? Kasi mas hot siya kay Edward para sa'kin kaya siya si Jacob. Si Jacob kapag nagtransform into wolf. Ahahaha joke lang.

Gusto niyo na bang simulan ko na ang story namin ng bebe ko? Kung gusto niyo na dapat umabot muna 'to kahit 50 reads lang... Oo 50 reads lang masaya na kami ni Author kaya gowgowgow!

Ang Boyfriend Kong SelosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon