Chapter five

492 9 0
                                    

Ito na po____gUyz sAglit Lna dw siA...Ahaha..pAgbigyAn!

Durans POV

Saglit lang, para malaman niyo naman kung ano yung nasa side ko. Oo madali lang 'to kaya pag-bigyan niyo ko.

Oo mataba ako, moreno, matangkad, at laging suot yung reading glasses ko.  Eh ano ngayon?!

Magaling din daw akong mag-edit kaya naman heto ako't laging haggard. Pero okay lang atleast nasanay ako kaya nai-edit ko ng maayos yung picture ni Mcar. Hhaha..Bakit ko nga pala inedit yun ganung maganda naman siya't di na kailangan pa? Simple lang, dahil gustong magpapansin. Hhaha... Matagal ko na rin siyang gusto. Since grade 8 na nagkaklase kami siya na laman ng isip ko't di na napalitan pa ng iba. Wala lang, malaya akong mahalin siya kahit alam kong di niya kayang masuklian ang pagmamahal ko sa kanya. Alam ko naman kasi na oink! oink! ako ee. Kasalanan ko ba kung pinabayaan ako ni mama sa kusina!. Huu..Pero isang araw napasailalim din siya sa'king charisma!

Heto ako ngayon nakaupo. Saan? Sa upuan malamang. Nage-edit ng mga video at pictures na ipinapagawa ni ma'am Abrenica. Para lang naman 'to sa Filipino Project namin pero kapagod mga brad. Huu....

Ang tagal naman ni ma'am bumalik. Sabi niya may kukunin lang daw siya sa Filipino faculty at di magtatagal pero hanggang ngayon wala parin siya.

Napapagod na'ko sa pag-aayos sa mga mukha ng mga babaetah kong classmates. Asan na ba kasi siya para sabihin ko na sa bahay ko nalang to gawin. Total di rin naman ako makapag-focus. Ang iingay kaya  ng mga bibig ng mga classmates ko!.

"Okay class, manahimik muna kayo't may ipapakilala ako sa inyo ngayon." Rinig kong sabi ni ma'am na nasa harap.

Nandito na pala siya?. Nagcocomplain pa nga lang ako ee. Hay naku, ni di ko man lang namalayan ang pagpasok niya.

Tiningnan ko si ma'am Abrenica baka sakali na makasingit ako sa pagsabi sa kanya na sa bahay ko nalang 'to tatapusin pero...Huu, wala palang time kasi magsasalita na naman siya. Ibinalik ko nalang ulit yung tingin ko sa ipad ko at sinimulan muling mag-edit.

"Duran, Duran sige mamaya nalang yan. Hinto mo muna." Rinig kong sabi ulit ni ma'am.

Humarap naman ako sa kanya pero ewan ko ba? Parang ang bad mood ko sa araw na 'to. Parang gusto kong magsimangot sa araw na 'to! Parang naiinis parin ako kay Mcar.Harrrr! Kainis!

"Ok class, I want all of you to meet Nivek Woo." rinig kong sabi ni ma'am pero sandali! Sino daw? Si Nivek Woo?! Yung lalaking walang hiya? Kapal niya ha.

Matapos sabihin ni ma'am yun agad namang nagsilingon ang mga kaklase ko sa pinto at naghiyawan. Huu... Siya na gawapo, gwapong kwago. Sarap niyang i-torture sa hawla!

Tumingin ako kay Mcar. Ni di rin siya tumitingin. Para siyang estatwa na di makagalaw sa kinauupuan niya. Kunwari pa siya, ee gusto niya rin naman 'to diba? Baka nga matapos niya akong kausapin sa skype nag-usap din sila. Huu... Sila na, sila na bagay sa isa't-isa. Haha...Nakakainis! Bakit ba kasi di nalang ako biniyayaan ng magandang mukha tulad ng nilalang na yan!. Para di na ko makakarinig pa ng salitang unffair sa t'wing magkasama kami ni Mcar. Ang sakit kaya nun lalo pa pag-alam mong totoo.

Ngayon heto na sa harapan namin yung gwapong kwago. Magpapakilala pa yata siya sa'min. Hitsura nga naman o.

"Ahm. Hi, I'm Nivek Woo from New York. I decided to transfer here for the great reason in my life. I'm not just here in the Philippines to say sorry for the most important girl that I hurt but also to be with her once again. I hope that...Blaaah..blaaahh...Blaaah. Ano daw? For the most important girl in my life? Wow tapos ipinagpalit. Ikaw na!

May sinasabi pa siya pero di ko na pinakinggan pa. Ang sakit lang kasi sa tenga!. Boses niya parang inipit na daga. Ewan ko basta ang panget!

Mga ilang sandali pa matapos ang kanyang mga tagubilin ayun nagsipalakpakan naman mga kaklase ko. Naku guys! Kung alam niyo lang kung anong klaseng tao yan, hindi dapat yan pinapalakpakan kundi sinasapak. Eh wala yang puso!.

Ang Boyfriend Kong SelosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon