Chapter Eight ( The Ending)

672 8 1
                                    

Ito na po ulit.... Sana po mAgustuhan niyo.

"Mcar?"

"Hoy Mcar!!"

"Ayy! Kaldero!!" gulat kong sabi nang may biglang sumigaw sa likuran ko sabay hawak sa balikat ko. Paglingon ko si Enrico pala.

" Ano ba kailangan mo?!" sabi ko.

"Hahaha... Bakit kasi mag-isa kalang dito? Nakaupo na parang tanga. Kung pumunta ka doon at sumali samin sa paglalaro ng volley ball di sana enjoy mo 'tong YMCA Outing." sabi niya habang nakaturo sa sea shore. Ewan ko ba? Bigla nalang din tumulo yung mga epal kong luha.

"Hay naku Mcar. Tama na iyak. Pabreak break ka tapos gaganyan ganyan ka." sabi niya sabay hila sa'kin papalapit sa kanya. Paki niya ba?

"O ayan, pwede mo kong iyakan at handa akong icomfort ka ngayon." sabi niya. Tiningnan ko siya at nakangiti lang naman siya sa'kin.

Yumakap nalang ako sa kanya para maibuhos ko lahat ng galit ko sa sarili ko. Isang araw palang kasi ang nakalipas matapos mangyare ang break up namin tapos, heto ako ngayon umatend atend ng Makati High-YMCA. Ang tanga ko talaga!. Di ko talaga naisip na siya nga pala ang elected president nito at pwede kaming magkita. Ano kaya pwede kong gawin kapagmagkita kami?. Kainis lang!

O? Ayos ka na?" tanong ni Enrico habang ako naman napatango lang. Kahit pala, pala asar 'to at pikon may puso parin pala.

"O di tara na!" sabi niya sabay tayo't hila sa'kin patayo.

"Ha? Saan tayo pupunta?" tanong ko habang siya naman patuloy akong hinihila. Arayrayray! Baka masakit!

"Maglalaro tayo ng volley ball para naman ma-enjoy mo to." sabi niya sabay ngiti sa'kin. Binilisan ko na rin ang lakad ko para di niya narin ako hilain. Ang sakit lang din kasi. Na fo-force niya ko.

&&Matapos Maglaro ng Volley Ball&&

"Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Enrico habang oops! Tinatanggal niya yung sando niya. Ahm, ok may abs siya. Parang bato. Batong bato. Oops! Mcar wag malandi!.

"Hoy! Ano tinitingnan tingnan mo dyan ha?!

"Ha? Ahm.. Wala..Ma ano kasi ee... Ahm ma ano...Hihi" yan nalang nasagot ko sakanya. Pasaway kasi siya ee. Dapat di siya naggaganyan sa harap ko nuh. Lalo na kapag mach* siya.

"O sige tara na. 6:48 pm narin pala?. Tara, dahil mga ilang oras nalang din at mag-uumpisa na yung program." sabi niya. Napatango nalang ako sa kanya sabay bigay ng isang towalya. Inabot ko sa kanya yun pero ngumiti lang siya. Masyado kasi akong na aatract buti kung si Dura lang yang ayos lang sa'kin. Haha...Wala naman kasing abs, puro BELLY Crawford.

"Ano kaba? Kawawa naman mga admirer ko at stalker kung di ko sila pagbigyan ngayon. Hayaan mo sila na halayin nila ako sa paningin." sabi niya sabay tawa. Kinurot ko nalang siya sa tagiliran niya. Haha..yabang! Oops! Nahawakan ko. Ahaha.

Hay sa wakas at malapit narin kami ni Enrico sa stage. Marami narin palang tao pero teka, ako binibigyan nila ng daan?. Wow ah, ang ganda ko naman. Para akong prinsesa sa mga oras na 'to. Bawat taong malalapitan ko binibigyan ako ng daan in short, gumigilid sila at may mga R-O-S-A-S?

Tumingin ako sa likod ko, baka may kasunod akong babae. Baka nagfefeeling feelingan lang ako ngayon dito na para sa'kin 'to kahit di naman pala.

Bulaga! Hm? Wala namang tao, ako lang talaga pero wait, asan si Enrico? Nasa tabi ko lang yun kanina ah. Baka naiwan ko naman dun. Babalik na sana ako ng harangan naman ako ng mga tao. Di pamilyar ang mga mukha. Siguro galing sa ibang school.

"Ate, dumeretso ka nalang po." sabi ng isang babae sabay abot ng red rose sa'kin.

"P-para s-sa'kin 'to?" tanong ko sabay turo sa sarili ko. Sa tingin niyo tibo ba siya? Crush niya ba ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Boyfriend Kong SelosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon