chapter two

1K 7 0
                                    

Ito nA pOh Ulit__________

"Ano meron kay Nivek?" seryosong tanong ni Duran.

"Ah. Wala yun. It's all about me and him. Sige mauna na ko sa inyo. Babye." sagot naman ni Trixie sabay tayo't alis.

Tiningnan ko si Duran at nakangiti lang siya. Ngiti ng 'sang taong di tunay na masaya. Kumbaga ngiting mapakla.

"Bakit?" tanong ko.

"Wala. Bilisan mo na. Uuwi ka na ba?" tanong niya sa'kin ng seryoso.

"Ahm. Oo, bakit?" sagot ko sa kanya habang nakangiti. Ngiting mapangasar. Asarin ko kaya 'to nuh?

"Tss." sambit niya habang napatawa ng bahagya. Drake Palma ikaw ba yan? Tss ka ng Tss ah.

--->Sa Automated Library

"Ano ba Duran, ang big mo kaya. Dun ka nalang umupo sa PC 7 o 8." sabi ko sa kanya habang tinutulak paalis sa upuan ko.

"Uy! Maka-big ka? Bad yan nuh." sabi niya naman habang pilit na umuupo sa upuan ko. Ang liit kaya ng upuan dito tapos gusto niya pa share kaming dalawa.

" Ako nalang mag rereseach nun. Sige na umupo ka na dun." sabi ko sa kanya sa mahinahon na tono. Baka sakaling sumunod.

"Ee? Gusto nga kitang makatabi ngayon." agad niya sagot na pabulong sa tenga ko.

"Array! Ano ba Duran!" inipit kong sigaw sa kanya sabay palo sa kaliwang hita niya. Kainis kasi!

"Aray ko naman. Bakit ba?" tanong niya

"Ee ikaw kasi ee." sagot ko naman habang nakasimangot sa kanya.

"Ano?" tanong niya

"Kinikilig ako." sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang pag-ngiti.

"Ganun ba? Ang pogi ko naman pala." sabi niya sabay ayos-ayos sa buhok niya. Napaka-echosero!

"Uy hindi ah. Kahit boyfriend kita, never akong kini---." Naputol yung sasabihin ko nang bigla niya naman akong kilitiin sa tagiliran.

"Hhahaha....Hoy t-tumigil ka nga! Hehehe...ahahaha..T-Tama na!" sabi ko sa kanya habang hinahabol ko ang paghinga. OMyGad! OMyGad!...

"Anong tama na ah?" sabi niya naman habang patuloy akong kinikiliti. Tumatalon talon na rin yung upuan namin dahil sa ginagawa niya nang biglang...

" Uy! Lumabas nga kayo dito! Kung mag-lalandian lang kayo wag dito! Ang a-ano ng mga batang 'to? Section One pa naman kayo! Sige na lumabas na kayo." sabi ng librarian habang lumalakad papalapit sa'min. Ang a-ano daw namin.

"Ano? Tara na." sabi ni Duran habang ako napatango lang.

"Sorry po ma'am." sabay naming sabi habang naglalakad palabas.

Ayan heto kami ngayon sa uncover Basketball Court. Naka-upo sa gilid. Ang init-init pa naman..Huu. Hinihintay pa namin ang iba pa naming kaklase para manghingi ng sagot sa assignment namin. Kainis kasi nito ee!.

"O kilitiin mo na ko!." sabi ko sa kanya sa medyo galit na tono.

" Ayoko. Kapagod." sabi niya sa medyo tamad na boses. Tingnan mo to. Ayaw na tuloy.

"Ahh ganun ah!" sabi ko sabay lagay ng artificial cockroach sa loob ng kwelyo niya.

"Ayy! Uyy ano yun! Aray Mcar !" sigaw niya nang makita niyang may nilagay akong mukhang ipis sa kanya. Takot pala siya sa ipis.

" O.A !" sabi ko naman sa kanya sabay ngiti ng mapang-asar.

"Tss." sambit niya sabay bukas ng bag niya. Ano kaya gagawin niya? Ashus, kinuha niya lang pala Ipad niya.

"Hindi ako O.A nuh? Tara laro ng Smash hit. Uso naman two player, tara." sabi niya sa'kin pero siya lang naglalaro. Bakit? Ee i-tatap ko palang yung crystal pinindot niya na agad. Tsk! Siya na bata.

" Ayy love you! Huu...grabe ! Checkpoint 9 na ko. Wag kang mag-alala bebe. Matapos ako ikaw." sabi niya hanggang sa nakahingi nalang ako ng sagot sa kaklase namin siya parin ang naglalaro. Hay naku! Uwian na po Duran!

Napansin niyang may hawak akong papel kaya mas lumapit pa siya sa'kin. Tinago ko agad yun sa bag ko sabay belat sa kanya. Kala niya ha.

"Bebe naman, matapos kitang bigyan ng flatops at krimstix ganyan ka na sa'kin. Matapos kitang sabihang maglalaro tayo ng smash hit pinagdadamutan mo na ko ganun? sabi niya habang dahan-dahang tumatayo kaya agad na kong tumakbo papuntang gate. Hhaha...Bahala siya. May nalalaman pa siyang "matapos-matapos" ee siya rin naman pala nakinabang ng lahat ng yun!

--->At Home

Andito ako ngayon sa sala namin. Nakaupo sa sofa habang nasa lap ko naman yung laptop namin. Guys naka-skype kami ni Duran ngayon at ang pogi niya na rin ngayon!. Siguro ginayuma niya na ulit ako. Ahaha...

Duran: Bebe, alam mo na ba na Ako ay simpleng tao lang. Kumbaga bigas, ako ang NFA. Di man kagandahan, pinipilahan naman ng marami.

" Ahahah... Ano daw? Ako naman. Sana birthday candle ka nalang. Bakit? Para habang  pinapatay kita nagpapalakpakan sila. Ahahaha...peace" sabi ko.

Duran: "Grabe ka naman." sagot niya sa kabilang linya

Matapos kung marinig yung sinabi niya bigla namang tumunog yung cp. ko. Kinuha ko yun at 1 unread message. Binuksan ko yun at...

Duran on skype: "O nga pala. Alam ko matagal pa naman yung JS natin pero syempre gusto kong malaman kong sino yung gustong gusto ng bebe ko na makasayaw. Sino ba gusto mo?"

"Si Nivek!" napasigaw ako nang makita ko na galing kay Nivek yung text.

Duran: "Ano? Si Nivek? Mahal mo parin ba siya ha? Niloloko mo ba ako? "

Sabi niya sa kabilang linya na galit na galit. Ako naman medyo matal mag-sink in sa utak ko yung mga nangyayari dahil nagpapanic na siya't di pa ako makapaniwala na nagparamdam sa'kin si Nivek.

"Ha? H-Hindi ah. Ano b-ba sinabi ko?" natataranta kong tanong sa kanya.

" Ewan ko sayo! Bahala ka nga!" sabi niya sabay putol sa linya.

Huu... Ano na naman ba ginawa ko? Ano ba kasi Mcar? Ba't ka ba sumigaw ee. Si Ex lang naman yun.

Sa sobra kong inis, tumayo na ako't pumunta sa kusina namin at dun ko binuhos lahat ng inis ko sa sarili. Kahit anong makita ko sa ref. kinain ko mawala lang inis ko sa sarili ko at kay Duran. Ba't ba kasi ang babaw niya pagdating sa'kin? Di niya man lang ako hinahayaang mag-explain sa t'wing magkakaganito kami. It hurts you know?!.

Bigla nalang tumulo yung luha ko at napaupo sa sahig. Medyo masakit na rin kasi sa tiyan. Busog na busog ako grabe sa kinain ko pero, gutom sa pang-unawa niya.

Parang ang sakit na lagi nalang kaming ganito. Konteng bagay lang pag-aawayan na namin at pagtatampuhan. Lagi nalang bang ganito?. Di naman to ang gusto kong mangyare ah. Ayaw ko nang maulit pa ulit yung pag-iwan sa'kin ni Nivek. Sobrang sakit nun. Ayaw kong iwan ako ulit ng taong mahal ko. Ayaw kong iwan niya ko dahil lang sa mga kuro-kuro niya pero ano yung gagawin ko kung para sa kanya wala akong oras para mag-explain? Kung ganito ng ganito ang nangyayare sa'min, for sure di rin kami magtatagal. Huu. Duran..

Bumalik ulit ako sa sala at itinapon ang sarili sa sofa. Nakatingin lang ako sa kisame. Iniisip ang sandaling saya naming dalawa sa bawat araw na agad namang napapalitan ng tampuhan.  Ganito ba talaga kapag nasa isa kang relasyon? Hm...Mga ilang sandali pa't nakaramdam na rin ako ng antok kaya bigla nalang bumigay yung mata ko.

Pls..keEp on reAding!...be fun and enjoy!....vote pls...ty

Ang Boyfriend Kong SelosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon