Chapter three

659 14 0
                                    

Ito na poh____

Heto ako ngayon sa class room, kaharap ang mga bessy ko. Puro EXO pinag-uusapan nila pero di ako makapag-focus tungkol dun. Nakatingin lang ako kay Duran habang siya naman abalang mag-edit ng mga picture ng buong section namin para sa Filipino. Oo siya yung pinagpapa-edit ng class pres. namin at ni ma'am Abrenica kasi nga bihasa siyang gamitin yung ipad niya na puno ng Editors app.

"Mcar? Ayos ka lang ba?" sabi ni Trixie.

"Ha? Ahm..Oo n-naman.." sagot ko matapos kung marinig yung boses niya.

"LQ na naman kayo ng panget mong boyfriend." sabi ni Trixie sa malungkot na tono. Agad naman siyang tinapik ni Lyka na bestfriend ko rin.

"Ee bakit totoo namam ah. Di na nga ka-gwapuhan seloso pa. Ano ba kasi nakita mo sa nilalang na yan ha? ".sabi ni Trixie habang ako naman pilit na pinipigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa mga pinagsasasabi niya. Ewan ko ba? Parang ang emotional sensitive ko sa araw na 'to.

"O. Ano dika makasagot gagun? Hay naku... Di ka ba nagsasawa ha? Lagi nalang kayong ganyan. Konteng di pagkaka-unawaan lang yan ang mangyayare sa'yo. Iiyak-iyak, tulala kung minsan, wala sa sarili. Di ka ba napapagod?" pahabol niya ulit. Ramdam kong inis na si Trixie sa ngayon. Dati palang kasi di niya na gusto si Duran para sa'kin.

"A-ano k-kasi ee...Ahm"  nauutal kong sagot. Naputol din yung sasabihin ko nang bigla na naman siyang umextra.

"Kasi mahal mo?! Ano bang pagmamahal yan! Di na yan normal" sabi niya. Mas lumakas pa boses niya kaya tinapik ko siya. Inirapan niya lang ako sabay talikod sa'kin.

"Bahala ka nga." rinig kong sabi niya nung makatalikod na siya.

"Ayos lang yun. Wag mo nalang pakinggan 'tong babaeng 'to!." sabi naman ni Lyka.

"Hay naku! Kasi ako yung nahihirapan para sa'yo Mcar!" pahabol ulit ni Trixie sa medyo malakas na boses. Buti di naririnig ng buong klase yung mga pinagsasasabi niya. Buti nalang at maingay ngayon sa room namin.

"Tumalikod ka na diba?" Agad namang sagot ni Lyka.

"Hm." sabi ni Trixie sabay kunot sa noo niya.

Alam ko naman lahat ng yun ah? Ba't ba kailangan pang ipamukha ng mga kaibigan ko sa'kin kung gaano ako katangang nagtitiis sa taong mahal ko. Alam ko naman yun ee. Hindi ako bobo nuh? Ni minsan di ako nagkaroon 85 pababa na grade sa school. So ano ibig sabihin nito? Mahina ako sa skills ganun?

"Ok class, manahimik muna kayo't may ipapakilala ako sa inyo ngayon." sabi ni ma'am Abrenica habang nakatayo sa likod ng teacher table sa harap namin. Nandito na pala siya. Ni di ko manlang napansin na pumasok siya sa pinto.

"Duran, Duran sige mamaya  nalang yan. Hinto mo muna." pahabol ni ma'am. Sumunod naman sa kanya si Duran pero syempre may LQ kami ngayon kaya nakasimangot siyang humarap kay ma'am.

"Ok class, I want all of you to meet Nivek Woo." sabi ni ma'am habang nakangiti.

Si N-Nivek W-Woo? N-Nandito ngayon? Sino bang Nivek Woo sinasabi ni ma'am?! Parang nabibingi ako sa sinabi niya ah.  Hindi pwede na mangyari to! Hindi pa ako handa na makita siya ngayon!.

Nagsimula na rin akong manginig. Di ko alam kung bakit? Parang may kung ano rin  dito sa puso ko na kumikirot-kirot simula ng marinig ko pangalan niya. Lumakas din tibok ng puso ko. Ganito ba ka-O.A puso ko. Ano ba meron?!

Akala ko ba, na-accomplished ko na yung 11 Ways to forget your Ex-boyfriend pero ano 'to? Ba't parang di ko pa siya kayang harapin ulit.

Nagsimula nang magsigawan ang mga kaklase ko at lahat sila nakaharap sa pinto pwera lang sa'ming dalawa ni Duran na nasa blackboard lang ang tingin.

" Ang pogi naman ni Nivek!" sigaw ni Ellaine na kaklase ko habang tatalon-talon sa inu-upuan niya.

"Oo nga at ang hot niya pang tingnan! Grabe! It's yummy-yummy!!!" gigil naman na sabi ni Trixie.

"Uy! Bad expression yang yummy-yummy!" sagot naman ni Lyka.

"Ikaw kontrabida ka talaga!" sabi naman ni Trixie ng masaya kay Lyka sabay palo at sambunot.. Wala ee, masaya siya ngayon.

"Aray ko! Bahala ka nga dyan!" sabi ni Lyka sabay tayo't alis sa tabi ni Trixie.

" Ayy! OMyGad! OMyGad! Hi Nivek." Rinig kong sabi ni Trixie nang maramdaman kong nasa row na namin siya naglalakad. Landi naman ng bessy ko.

Di parin ako tumitingin sa kanya kahit nagdadalawang isip pa ko kung siya ba yan o hindi. Bakit? Para ano pa? Para paasahin lang ulit yung sarili ko? Para paiyakin niya ulit? Ganun ba yun? Bitter na kung bitter! Basta bahala siya!

Hanggang sa nakapunta na siya sa harap. Oo siya nga. Si Nivek nga at mas naging maayos pa ang hitsura niya sa ngayon kumpara sa dati.

Magpapakilala pa yata siya sa'ming lahat?. Ano ba kasi ginagawa niya dito? Mag-iindurce ba siya ng sarili niya sa mga babae na magaling siyang mang-iwan, mang-loko, magpa-iyak at madaling makahanap ng iba? Yun ba gusto niya?!

" Ahm. Hi, I'm Nivek Woo from  New York. I decided to transfer here for the great reason in my life. I'm not just here in the Philippines to say sorry for the most important girl that I hurt but also to be with her once again. I hope that I will be a good new classmate also  of each of you. That's all. Thank you" sabi niya. Bigla nalang tumulo yung mga luha ko. Di ko alam kung bakit pero ang  grabe niya!. Lakas ng loob niyang magpakita pa sa'kin. Sana di para sa'kin yung mga pinagsasasabi niya! Sana sa ibang kaklase ko. Sana, sana nga.

Akala ko pa naman na kaya ko na siyang harapin ng walang sakit na mararamdam pero ano to? Ang sakit. Ang sakit sobra na babalik siya sa'kin ngayon kung kailan may mahal na kong iba. Sana nandito siya para sa iba at di sa'kin!. Sana nga.

Oo, may nararamdaman  parin ako para sa kanya.  Pero di ako tanga para tanggapin ang 'sang taong basta-basta nalang akong pinagpalit sa iba matapos kong gawin ang lahat para tumagal lang kaming dalawa sa isa't-isa.

Nagpalakpakan naman lahat ng tao sa classroom pati yata si ma'am pwera lang sa'ming dalawa ni Duran. Sinimulan ko naring pahiran nang marahan  yung mga luha kong O.A. na pumapatak sa pisngi ko. Napatingin ako kay Duran habang nagpapahid ng luha. Medyo nakasimangot siya habang titig na titig sa'kin.

Ano na naman ba? Magagalit ka na naman ba sa'kin dahil iniiyakan ko siya ngayon? Nagseselos ka na naman ba ha? Kung ganun please wag! Dahil walang gabing di ako umiiyak nang dahil sa'yo!.

_paEpal ni writEr....

_gUyz panget ba tlgA gAwa q kaya di mAn Lng kau nAgVovote o nAgco2mEnt? Pwede niyo namang gAwin yUn ah, As long na di niyo q mUrahin. Chos! Ahaha..joke! Kasi kau ee..Vote niyo naman mga my dear tsaka sabihin niyo mga saloobin niyo... Kung pAnget o O.A...Ayos lng sA'kin bstah wAlang bAd word...Sige na pls.. Ahaha..illegal bng mAmilit? Ahaha...sige..keEp on reAding gUyz and Enjoy!!!!! Ayaw niyo tlga ah?

Ang Boyfriend Kong SelosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon