Chapter Four

477 11 0
                                    

ito na po ulit_____ sorry kung natagalan.^_^

Nandito ako ngayon sa canteen sa B Building habang kasama si Lyka, bestfriend ko. Schedule nga pala ng row namin na mag-linis sa classroom pero masyadong ma_ere  kaya tumakas na kami.

Pumipili kami ng pagkain ngayon. Trip kong kumain ng kanin kaya tatlong cup ang binili ko pares ang fried siomai,  dinuguan at fried chicken. Wala galit ako ee!.

Umupo na kami ni Lyka sa dining table. Magkaharap kami syempre. Inorder  niya is siomai lang at  1 cup ng kanin. Di rin siya gulat kong bakit ganito kadami ang pagkain na inorder ko dahil alam niya naman ang tungkol sa'min ni Nivek at kilala niya rin ako. Bestfriend nga diba?

Sa gitna nang kainan namin bigla namang sumulpot si Nivek. Nagulat ako kung bakit siya nakatayo sa bandang tagilirin namin ni Lyka habang may dala-dalang rosas. Isang boquet yun at lahat red. Hindi ko siya pinansin at mas lalo ko pang binilisan ang pag-nguya sa bawat subo ko sa pagkain para, makaalis na rin sa canteen. Ganun din si Lyka, ni di tumitingin kay Nivek. Kain lang din siya ng kain habang nakayuko nang biglang....

"Boog! Pak! Bogsh!"

"DURAN ANO BA GINAGAWA MO? DURAN!" sigaw ko sa kanya nang bigla niya na lang pinagsusuntok si Nivek. Nagkalat din ng konte yung pagkain ko sa mesa dahil sa gulat ko sa ginawa niya.

Tumayo na ako nun at papalapit na sa kanya nang bigla naman siyang gantihan ng suntok sa mukha at tiyan ni Nivek.

"Duran tama na!" sabi nina Jester at Josh na mga kaibigan niya habang pinipigilan siyang sumulong ulit kay Nivek.

"Bitiwan niyo nga ako! Ano ba?" pagpupumiglas ni Duran kina Jester at Josh.

May dumating na isang guard at hinawakan si Nivek dahil susulong na naman ito kay Duran habang ako naman heto't nakatayo sa pagitan nila. Hindi ko alam kung ano ba pwede kong gawin sa mga oras na 'to. Sabayan pa ng pagsisigaw ni Lyka na akala mo kinakatay na baboy.

Tiningnan ko si Duran at galit na galit habang may tumutulong luha sa mga mata. May dugo na rin sa bandang baba ng labi niya. Lalapitan ko na sana siya nang bigla namang magsalita si Nivek. Napahinto  ulit ako sa paglalakad at nilingon siya dahil dun.

"Pare ano ba problema mo ah? Sino ka ba?" tanong niya habang pilit na inaalis ang pagkakahawak sa kanya ng guard. Binitawan narin siya ng guard at pinahiran niya naman ang may dugo niyang labi. Oo parehas silang may sugat sa labi ni Duran.

"Ha. Ano problema ko? Sino ba ako? Haha... Nice question brad.  Ang problema ko ay ikaw. Bakit? Kasi nandito ka ngayon para guluhin ang isip ng babaeng niloko mo. Ni hindi ka pa nga nakontento diba? Kaya nandito ka ngayon. At ako lang din naman ang BOYFRIEND ng babaeng sinaktan mo, iniwan mo at pinatayan mo ng puso dahil sa malanding kaluluwa na ipinalit mo sa kanya! Tapos nandito ka ngayon para balikan siya. Bakit brad? Sawa ka narin ba sa isa mo ha?" pasigaw niyang sagot kay Nivek.

Parang ang sakit namang pakinggan ng mga salitang "Niloko, sinaktan, iniwan, at pinagpalit." Oo masakit parin dahil naaalala ko kung gaano ako muntik nang mabaliw dahil sa kanya. Bakit? Dahil maganda naman ako ah, mabait , matalino, malambing, mahaba ang pasensya at lahat ginawa ko rin mapasaya ko lang siya pero ano sinukli ng kutong lupang to? Sugat sa puso ko. Makatarungan ba yun?

Binitawan na rin siya nina Jester at Josh at humakbang nang isang beses papalapit kay Nivek.

"Brad ito tatandaan mo. Pag-lumapit ka pa ulit sa girlfriend ko, paniguradong may mangyayareng masama sayo." sabi niya sa seryosong boses habang tinuturo sa mukha si Nivek. Nakangiti lang naman si Nivek habang pinapakinggan ang bawat salita na lumalabas kay Duran.

Matapos niyang sabihin yun, lumingon siya sa'kin. Masama ang tingin niya. Nagkakasalubong yung dalawa niyang kilay pero may mga luhang tumutulo parin sa gilid ng mga mata niya. Kitang-kita ko yun dahil hindi niya suot yung reading glasses niya sa ngayon.

Magsasalita na sana ako para tanungin kung ayos lang ba siya pero bigla nalang siyang naglakad papalayo. Walang salitang lumabas sa bibig niya habang nakatitig siya sa'kin kanina hanggang sa maglakad siya paalis.

Ngayon heto kami nina Lyka, Nivek, at nung guard. Alam ko walang magawa si kuya guard dahil kanina pa diya saway ng saway ni wala man lang sumunod.

Sumunod din sina Jester at Josh kay Duran. Nakatingin lang ako kina Jester habang hinahabol nila ang pagtakbo ni Duran papalabas ng building B hanggang sa maglakad papalapit sa'kin si Nivek.

"Hhaha. May boyfriend ka na pala. Ano yun? Rebounder mo dahil sa'kin?" sabi niya habang nakangiti ng pang-evil. Mabilis na kumulo ang dugo ko kaya di ko na napigilan pa ang sarili ko na...

"Pak!" sampalin siya.

"Ah." sambit niya matapos kong magawa yun habang hinahawakan ng kanyang kanang kamay ang kanan niyang pisngi.

Medyo napalakasan ko yun dahil sa sobrang galit ko sa kanya. May sasabihin pa sana siya pero agad kaming umalis ni Lyka matapos ko siyang masampal. Para saan pa kung papakinggan ko yung gusto niyang sabihin? Magpapasalamat ba siya dahil sinampal ko siya ng todo? Hm. Asa pa siya, dahil kahit thank you niya sa pagsampal ko sa kanya, di ko tatanggapin. Wala na kami at dapat di na ako naapektuhan pa sa kanya. Kumbaga sa panaginip, siya yung bangungot ko na dapat ko nang kalimutan. Oo kahit pa dapat akong magpasalamat dahil nakatulog ako ng ilang oras. Pero yun din naman ang sanhi nang muntikan kong di na pag-dilat  kaya dapat lang na kalimutan ko na. Dapat lang talaga.

Nang makalabas na kami ni Lyka ng gate habang hingal dahil sa pagtakbo maabutan lang namin si Duran pero tsaka ko naman nakitang umandar na ang tricycle na sinakyan niya. Sinubukan kong tumakbo't sumigaw pero di huminto yung tricycle. Parang sa movie lang pero ang panget naman kasi ako yung naghahabol sa ngayon.

" Duran! Duran! Duran saglit lang!" sigaw ko habang tumatakbo.

Di na rin nagtagal at kusang sumuko ang mga paa ko sa pagtakbo. Tumulo ulit ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit pero dahil na rin siguro na iniisip ko kung ano ang nararamdaman niya sa ngayon. Agad naman akong niyakap ni Lyka habang nakatayo sa tapat ng isang tindahan. Dito kasi umabot ang paa ko sa pagtakbo.

Pinatahan niya naman ako sa mga oras na yun.

"Mcar, gusto mo ng Coke sakto?" tanong niya sa'kin habang ako naman ay nakayakap sa kanya.

"L-Libre m-mo ko bess?" nauutal kong tanong sa kanya sabay higop ng shiphon ko sa ilong. Walang pamunas ee.

"Uy! Hindi ah. KKB tao syempre nuh. Hindi nga ako binigyan ni mama ng allowance ngayon ee. Next week nalang daw." pagkatapos niyang sabihin yun kumalas na rin ako sa pagkakayakap sa kanya at nagsimula ng maglakad papauwi. Akala ko pa naman manlilibre siya ngayon. Lagi nalang kaya akong nanlilibre dyan pero siya, huu kailan?!

"Uy Mcar! Hintayin mo ko my dear!" rinig kong sigaw niya habang tumatakbo papalapit sa'kin..

#paEpal ni writer...

OMyGad! OMyGad!....Comment naman kayo o....Pwede rin kayong mAgvote!...Ahaha....Enjoy! w8 4 d nxt chApter gUyz!

Ang Boyfriend Kong SelosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon