chapter one

1.7K 22 1
                                    

itO na poh guyz......Enjoy!!

________________>_<

Heto ako ngayon, nakaupo sa pang-fourth row ng upuan sa classroom namin. Magkaklase nga pala kami ni Duran at nakaupo rin siya sa pang-fourth row pero malayo siya sa'kin. Hiwalay kasi yung mga babae sa lalaki.

Ang tagal naman ni ma'am Raymundo grabe. Lagi nalang siyang late pumasok sa classroom namin. Ano pa kaya ginagawa niya bago pumasok dito?.

Nagkakagulo na ang mga kaklase ko. Puro sigawan, takbuhan, chismisan, kantahan, sulat sa blackboard, asaran dito, asaran doon pero ako heto nakaupo't may nakasalpak na earphone sa tenga. Nakikinig lang ako ng kanta ng paborito kong k-pop group which is EXO. Absent din kasi ngayon bestfriend ko kaya wala akong ka-chismisan.

Ilang sandali pa't lumapit sa'kin si Enrico. Kaklase ko siya. Matalino't may hitsura. Umupo siya sa tabi ko. Nilingon ko siya't nginitian niya naman ako ng nakalolokong ngiti sabay kindat. Alam ko kung ano kailangan ng nilalang na 'to kaya iniwasan ko agad siya ng tingin. Mangaasar na naman pero pag siya inasar mo madaling mapikon.

"Mcar, do you want me to sing for you?" tanong niya sa'kin. Wala lang ako. Kunwari wala akong naririnig tsaka may nakasalpak naman sa tenga ko kaya isa na rin yun sa palusot.

"Pasko na naman o kay tulin ng araw,

Paskong nagdaan tila ba o kailan lang,

Ngayon ay pasko tayo'y magmahalan,

Ngayon ay pasko tayo'y mag-awitan"

Pagkanta niya habang pumapalakpak. Hindi pa naman magpapasko ah. July pa lang kaya. Hindi ko parin siya pinapansin hanggang sa naramdaman ko nalang na may tumabi sa bandang kaliwa ko. Nilingon ko rin siya't si Duran pala.

"Pre manahimik ka nga. Ang ingay mo." sabi niya kay Enrico sa seryosong boses. Medyo namumula rin siya habang sinasaway niya si Enrico. Naku, napaka-obvious naman ng bebe ko.

"Ashus!  Pasko, pasko, pasko, pasko, pasko na naman muli."

Pagpatuloy ni Enrico sa pagkanta habang nakangiti ng wagas at mas lumapit pa talaga siya sa tenga ko.

"Tumigil ka na nga sabi ee!" sigaw naman ni Duran na ikinagulat naming dalawa ni Enrico.

Nagkibit-balikat nalang si Enrico sabay tayo't lakad papalayo sa'min ni Duran. Huu, Lakas naman ni Duran nuh?.

Inalis ko ang earphone na nasa tenga ko at tiningnan si Duran sa mata. Masama ang tingin niya sa'kin. Akala mo dinasour na dambuhala't di nakakain ng matagal. Siguro iniisip niya ngayon na may pinag-uusapan kami ni Enrico. Ni di ko nga pinapansin yung poging_pikonin na yun ee.

Magsasalita na sana ako nang bigla naman siyang tumayo at iniwan ako sa upuan. Sa ngayon nakakunot na ang noo niya at di man lang ngumingiti. Hay naku, lagi nalang bang ganito?

"Tss." sambit niya habang naglalakad papalayo sa'kin.

Pumunta siya sa unang row sa mga lalaki't naupo. Susundan ko sana siya kaso naisip ko na baka mag-away lang kami dahil pakiramdam ko mainit pa yung ulo niya. May hindi kasi siya naintindihan kagabi. Alam niyo ba kung ano yun? Haha.. Nakita niya lang naman akong may kausap na lalaki sa tapat ng bahay namin. Hindi ko rin naman alam  na darating siya kasi hindi niya man lang ako sinabihan o tenext. Nagulat nalang  ako nung may isang malaking mama na dumaan sa gitna namin ng pinsan ko habang nag-uusap sa daan. Sabi ko pa nga sa kanya kagabi na " Echosero nitong nilalang na 'to ah." Kaso nung makilala ko na si Duran pala yun agad ko siyang tinawag. Ang saya pa ng tono ko nun habang tinatawag ko siya kaso imbes na lingonin niya ko, mas binilisan niya pa ang lakad niya. Hindi ko rin naman siya pwedeng habulin nung mga oras na yun dahil nandun si mama na di ako pinapalayo. Ang higpit kaya sa'kin ng mama ko. Tinext ko rin siya kaso di niya naman ako nireplayan. Tapos dagdagan pa ni Enrico..Huu...Ang aking life!

Ang Boyfriend Kong SelosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon