16. Short Story

6.5K 88 3
                                    

Sa park handa ng sabihin ni Dairelle sa kanyang Boyfriend na COOL OFF muna sila.. Alam niyang walang dahilan para gawin ito.
Kung sa TIWALA at PAGMAMAHAL ay THE BEST ang kanyang Boyfriend na si Aldrin.

TRIP TRIP lang at susubukan niya kung gaano siya kamahal nito.

Umiyak si Aldrin sa sinabi ni Dairelle at tinanong niya ito?

Ano ba ang nagawa kong mali?
Ano ba ang kasalanan ko?
Bakit mo ako ginaganito?

Sumagot si Dairelle at sinabi ang.

Gusto ko muna ng SPACE.
Gusto kong maging MALAYA at bigyan ng panahon ang aking sarili.
Maybe some other day pagnakita tayo ulit ay may pagbabago na sa atin sana maunawaan mo ako.

Umalis si Dairelle at iniwang lumuluha si Aldrin.

After two weeks

Di na matiis ni Dairelle ang lahat .
Kayat tinawagan niya si Aldrin.
Pero.the Cellphone your caling is off pls. Try again later.
Halos paulit ulit na lang ito.
At nagplano siyang dalawin si Aldrin sa kanyang boarding haus.
Nakalipat na pala si Aldrin, wala na siya dun.

Ngayon ay nagsisisi na siya at paulit ulit hinahanap si Aldrin.
Mahal niya si Aldrin at handang gawin ang lahat maibalik lang ang dating pagmamahalan nila.

After two months

Isang sulat ang natanggap ni Dairelle.

Galing kay Aldrin. Dalidali niya itong binasa.

Dear Dairelle,
Patawad kung nagawa kitang sulatan. Di lang talaga kita matiis.
Ang pagmamahal ko sayo ay di nagbabago. Ikaw pa din ang laman ng puso't isip ko.

Handa kong patunayan sayo na ikaw lang ang tanging mahal.
Magkita tayo sa dating tagpuan BAGO MAHULI ang lahat.
Feb. 14 , 7:00 ng gabi.

Nagmamahal Aldrin,

Dumating si Dairelle sa takdang oras ng kanilang tagpuan..

Di nagtagal.
Isang babae ang lumapit at nagpakilala.

Ako ang kapatid ni Aldrin
Pinagbilin ka niya sa akin.
Sabay IYAK at kuha sa isang bagay.

Di pa nakakapagsalita si Dairelle ay inabot sa kanya ng kapatid ni aldrin ang isang kahon.

Tahimik si Dairelle at walang kibo.
Nagisip at kinabahan.

Binuksan niya ang kahon.
Isang kahon na may lamang GARAPON..

Isang GARAPON na may lamang ABO..

Tumulo ang luha ni Dairelle at sabay takbong papalayo dala ang GARAPON.

Sa bahay ni Dairelle

Patuloy ang kanyang pagiyak.
Iniisip niya ang maliligayang araw nila ni Aldrin. At ang kanyang pagkakamali..
Gusto niyang humingi ng tawad kay Aldrin . Pero paano. Huli na ang lahat.

Tumunog ang kanyang cellphone at nakita nyang lumabas ang number ni Aldrin.

Kinilabutan siya at natakot.

Di alam ang gagawin..

Sinagot niya ito at pinakinggan ang isang VOICE MAIL.

Tumayo ang kanyang mga balahibo sa kanyang nadinig.
Boses ni Aldrin.

Hello, Dairelle
Si Aldrin ito.
Natanggap mo ba ang GIFT kong PULBURON..

Favorite mo yan diba.
Hapi valentine's. Sorry late ako sa ating date kaya pinapunta ko muna ang kapatid ko.

Stranded kami dito sa AIRPORT. Kita na lang tayo bukas.

Quotes and AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon