Chapter 7.

34 3 0
                                    


Chapter 7.

Hinayaan ko na lamang ang hudas na pipeng halimaw na iyon at pinag patuloy ko na ang pag eedit. Buti naman at wala nang panggulo. In-off ko na lang din ang wifi para dire diretso ako sa pag eedit ng aking sarili sa litratong nakuha ko. Hindi ko alam kung bakit nasanay ako sa ganito, pwede namang hindi na lang ako kumuha ng litrato para hindi masayang ang oras ko sa pag eedit at lagyan ng akmang filter para sa aking itsura. Pero dahil sa paraan na ito, nagkakaroon ako ng kaibigan kahit papaano. Kahit manlang thru social media ay may nakakausap ako, sa katunayan nga ay marami na ang bumabati sa akin para kaibiganin ako, sapagkat hindi naman nila alam ang tunay ko talaga itsura sa personal. Hay hayaan ko na nga malalayo naman ang lugar ng mga iyan.

May nakilala ako sa twitter si Wendy. Nang dahil sa isang sketch kong long fitted gown na pinost ko ay naging mag kaibigan kami. Isa din siya sa bilang nang hinahangaan si Ms. Reign Emerald Lopez. Isa sa pinakasikat na Fashion designer dito sa Pilipinas. Lalo pa akong humanga sa kaniya dahil sa angkin niyang tiyaga sa buhay. Kaya naman mabilis kaming nagkapalagayan ng loob ni Wendy. Naalala ko pa kung paano niya ako pinuri, dahil mula sa mga mata kong hindi gaano kalakihan at hindi din naman gaanong kasingkitan. Nasa tama lamang ang sukat nito at purong itim. Ang lakas nga daw maka contact lens sabi niya, sinabi kong natural lamang ito. Napansin niya din ang itim at hanggang ilalim ng balikat kong buhok na may manipis na bangs sa harap. Syempre hindi nagpatalo ang pinakamaganda sa akin, ang ilong kong hugis parisukat na sentralado ang tangos nito, at ang labi kong manipis na, mapula pa. Hindi na kelangan lagyan ng kahit anong tint o lipstick.


Sa hindi ko lang inaasahan na gusto mangyare ni Wendy ay ang pakikipag kita sa akin ng Personal. Ilang beses ko na itong tinanggihan dahil natatakot akong husgahan niya ako sa likod ng totoo kong mukha. Maraming dahilan na ang naipalusot ko ngunit siya na rin ang nagsawa na mangulit kung kelan at saan ko gusto makipagkita. Ngunit wala siyang natatanggap na tugon mula sa akin. Matagal ko nang pinagiisipan iyon at hindi ko alam kung paano ko ito pag dedesisyunan gawin.

Ano kayang masasabi niya sa akin kapag nakita niya ako? Maaaring husgahan niya ako ng hindi ko nalalaman ngunit natural lang ito dahil sa hindi ko pagpapaka totoo ko sa sarili ko. Hayaan ko nalang muna ang mahalaga'y wala pang ni isa sa mga naging kaibigan ko sa social media ang nakita na ako ng personal.

Natapos akong mag edit ng akinh mga litrato. Masasabi kong malaki talaga ang pagkakaiba kumpara sa tunay kong itsura. Walang pimples, at ubod ng ganda. Masasabing wala talagang kapintasan. In-open ko na ulit ang wifi sa cellphone ko para iupload ang mga litrato ko. Inuna ko na sa facebook iupload.

Nang saglit itong lumabas ay may nagreact na heart sign at nag iwan ng comment.

Akala ko tapos na siyang manggulo sa araw na ito. Putang ina bakit ayaw niyang manahimik?

'Nasaan ang mga anak mo?' Bahagya akong nag init sa komento niya, ginigigil talaga ako ng lalaking ito.

Sasagot na sana ako ng may mag comment pa sa inupload ko. Sadyang binawi ng tadhana ang pag kainis ko. Napalitan ito nang ngiti sa aking labi ng mabasa ko ang comment ni Jiro.

'hey mela, blooming! I miss you'

hindi matanggal ang ngiti ko sa mga labi ko, sadyang nagliwanag din ang mga mata ko. Hindi ko na rin maipaliwanag kung sasabog na ang aking sarili sa sobrang kilig dulot ng simpleng komento ni Jiro. Bakit? Bakit ka ganyan Jiro? Patagal ng patagal ay nadadagdan ang pag ibig ko sayo. Hindi ko na kayang itago pa ito. Gusto ko nang sabihin sayo, ngunit natatakot pa rin ako. Natatakot akong iwasan mo ako kapag nasabi ko na ito sayo. Natatakot akong mawala ka. Natatakot akong mawalan ng kasama. Natatakot akong wala nang taong may magtanggol sa akin..

'Hindi naman. Anw, i miss so much Jiro.'



-

"Bakit hindi ka pa nag sasaing? Alam mong ikaw lang ang tao dito, hindi mo pa ginawa. Kung ano ano na naman inaatupag mo!!" Bulyaw sa akin ng aking ina. Halos kakagising ko lang dahil sa nakatulog ako. Tanging boses niya lang ang nakapag pagising sa akin. Mukhang inabot ata ako ng gabi sa pagkakatulog.

"Ganyan yan Ma! Puro kalandian ang inaatupag." Pag singiy ni Missy sa usapan. Kung may pagkakataon lang akong lumaban ay ginawa ko na, pero dahil wala naman akong kakampi sa bahay na to, tatanggapin ko na lamang ang mga paratang ibinibigay nila sa akin.

"Hindi kapa nasanay Ma? Puro drawing, social media at kung ano ano pa inaatupag niyan! Dapat jan hindi pinapakain eh." Sabat pa ng magaling na si Mira.

Eh tang ina! Ako nga lang halos gumagawa sa bahay na ito. Pansariling gawain nyo lang ang ginagawa niyo. Nadatnan niyo lang na nakatulog. Kung anu ano na ang mga binibintang nyo. Halos kayo ang dapat sabihan ng tamad! Sabi ko na lamang sa isip ko.

"Sorry mama. Magsasaing na po ako." Sagot ko na lamang. Napairap ako ng hindi nila ito napapansin at saka tumayo sa sofa na hinigaan ko. Napakaganda ng araw ko ngayon. Akala ko lang pala yun.



"Huwag kanang magsaing. Basta huwag ka lang kakain!" Napahinto ako sa isinigaw ni Mama. Aba! Grabe naman, nakatulog lang ako hindi na ako kakaen. Sana sila na lang ang nagsaing.



"Huwag pakainin.. Huwag pakainin.." Protesta pa ng dalawang impakta habang nakatuon sa kani kanilang cellphone.



"Ma naman! Nakatulog lang ako, pwede namang magsaing ngayon. Hindi yong hindi niyo ako pakakainin. Para namang ang sama makatulog." Hindi ko na kinaya ang sarili ko at basta nalang ito lumabas sa bibig ko.




"Aba sasagot ka pang babae ka! Pasalamat ka pinapakaen pa kita! Pinagaaral kita! Dito ka nakatira! Magsasaing ka lang kinatatamaran mo pa! Ikaw din ang kakain niyan!" Dire diretsong sigaw ni Mama habang hila hila na naman niya ang buhok ko. Jusko! Ano ba naman ang ginawa ko. Nag sabi lang ako ito na naman at nananakit ang ulo ko kakasabunot ni Mama. Bakit hindi niya pag saingin yong dalawa. Sadyang ginising pa ko para dito. Napapagod din naman ako, kelangan ko din matulog. Saglit na nakatulog lang ako, ganito na agad ang nangyare.



"Mama tama na po! Nasasaktan na po ako."



"Wala akong pakealam! Maganda yong matuto ka! Para alam mo yong ginagawa ko sayo! Huwag kang pasarap! Lumalamon ka tatlong beses sa isang araw! Huwag mong ikatwirang nakatulog ka! Dahil binilinan kita kanina!" Tuloy tuloy pa rin ang paghila ng buhok ni mama sakin habang pilit niya akong pinapaharap sa kanya. Nasasaktan na ako, konti nalang ay bibigay na ako.



"Mama tama napo. Susundin ko napo! Magsasaing na po ako! Hindi na ako makakatulog mama sorry!"


"Sa susunod na gawin mo pa ito! Hindi na ako magdadalawang isip na palayasin ka dito Melanie!" Sigaw niya sa harap ko matapos niya akong maiharap sakanya. At dinuduro duro niya ako gamit ang kanyang daliri.


"Sana matagal mo nang pinalayas ang babaeng yan mama!"



Bakit kung makapag salita sila ay parang hindi nila ako anak? Bakit parang makapagsalita sila ay parang hindi nila ako kadugo? Sobrang sama na ba ng ginawa ko? Tang ina ayoko na!

-

Shangdara

Beautiful Flower (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon