Chapter 8.
Araw ng lunes ngayon sa buong linggo ko kahapon ay masasabi kong pinarusahan talaga ako ng aking ina. Pinahirapan din ako ng mga kapatid ko. Para hindi na humaba ang usapan, as usual sunod lang ako ng sunod kung ano ang ipagawa nila sa akin. Bakit kapag dating dito hindi ko maipagtanggol ang sarili ko? Feeling ko may naguudyok sa aking lumaban hindi ko lang magawa dahil magulang ko pa rin ang kinakalaban ko, kadugo ko pa rin ang kakalabanin ko.
Nasa harapan na ako ng Unibersidad na pinapasukan. Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Mangyayari na naman kaya ang nangyare noong nakaraan? May binabalak na naman kaya ang mga halimaw kong kaklase. Hinihiling ko na sana ay wala dahil hindi ko na siguro sisikmuraing pumasok pa dito kapag naulit iyon.
"Hi mela." Natigilan ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses niya. Long time no see. Bahagyang nagtatambol ang puso ko kapag naririnig ko ang malambing niyang boses. Ito na naman ako at hindi makali. Namiss ko din ang presensya niya, simula nang ipagtanggol niya ako at nag comment sya sa picture ko ay hindi na muling nagparamdam ang isang to. Siguro ay busy siya sa kanyang girlfriend. Hindi ko maiwasang hindi magselos kapag naiisip kong may pinopormahan na siya.
"Hi Jiro.. Kamusta?" Lakas loob kong bati sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas ng loob para harapin siya ng ganito na parang walang kaba na dinadaing.
"Ikaw dapat ang tinatanong niyan. Are you okay? Namumutla ka. Kumain kaba?" Ambang hahawakan niya ang pisngi ko ng ihawi ko ang kamay niya. Ayokong malaman niya na nagkakaganito ako dahil sa presensya niya.
"No. Ah i mean yes okay ako. Sige una na ako." Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nasa harapan ko siya. Siguro ay ito na nga ang sinasabi nilang kapag nasa harap mo ang taong minamahal mo ay kakabahan ka nalang ng todo todo at hindi makali kung paano kikilos. My god! Ayoko nang ganito. Palalim ng palalim ang nararamdaman ko kay Jiro. Alam ko namang hindi niya ako gusto, bakit ganito? Wala lang naman ang mga pinapakita at ginagawa niya sa akin, bakit ba ako nageexpect.
Ang sarap umasa na hindi. Umaasa ka dahil baka sa kabila ng ginagawa niya ay mahal niya din ako, gumagamit lang siya ng iba para umamin na ako sa kaniya. Hindi naman dahil mayroon siyang pinupormahan, wala akong kasiguraduhan kung anong instrumento ang babaeng kasama niya madalas ngayon. Its either an option or real one.Nang makatalikod ako. Narinig ko na lamang siyang bumulong.
"Weird.." Atsaka ako nagpatuloy lumakad palayo sa kaniya. Hindi ko na inalam pa kung ano ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"Hi be- este Melanie!" Bungad sa akin ng Team halimaw na si Diego. Ano na naman kaya ang mga balak nito? Pansin ko ang pagiging tahimik ng dalawang kasamahan nila. Anong nangyare? Wala atang duty para bullyhin ako. Good thing!
Nilagpasan ko na lamang si Diego sa pinto at pagpasok ko talagang nakakapanibago ang nakikita ko ngayon. Hindi ko akalaing makikita ko silang ganito ngayon katahimik. Anong nangyare? Kasalukuyan lamang silang nag bubuklat ng mga notes sa kani kanilang mga notebook. Anong nakaen ng mga halimaw na ito? Sa pinakadulo na upuan na katabi ko lamang ang naiiba ang ginagawa. Bahagya siyang nakatungo sa desk at halatang tulog na tulog. Bigla ko na lamang naalala na ginigil ako ng ilang araw nang lalaking yan.
Paglapit ko sa kinauupuan ko, marahas kong binagsak ang mga dala kong makakapal na libro, dahilan para umangat ang ulo ng isang halimaw na tulog. Siguro ay party goer sa gabi to kaya ganyan siya kaantok ngayon. Inirapan ko siya ng humarap siya sa akin.
"Ay sorry may tulog pala.." Sarkatisko kong sabi na may sarkatisko ding ngiti sa labi sa kanya. Bahala ka jan! Gaganti lang ako.
"Tss. Istorbo." Pakinig kong bulong nya saka siya bumalik sa pagkakayuko. Mukhang party goer to sa gabi. Hindi ka na sana magising pipe ka!
Mauupo na sana ako ng bumagsak ang bakal na upuan ng kaharap ko. Kawawa naman siya bumigay na ang kanyang upuan. Kasya pero hindi na kinaya. Hindi ko maiwasang hindi matawa sa itsura ng katabi ko.
"Fuck!" Pakinig kong mura ng isang antukin na pipeng halimaw. Palihim akong tumawa. Halatang nang gigigil na siya dahil hindi siya makatulog. He look so pissed, i like that. *evil smile*
"Hindi naman kasi silid tulugan to, bakit dito natutulog" pag paparinig ko habang nililingon ko siya sa gilid ng mata ko.
"Tss.." Yumuko na ulit ang antukin na pipe na halimaw. Kung tusukin ko kaya ng ballpen tong antukin na pipe na to? Back to normal? Hindi na ulit makapagsalita ng mahaba? Wala nang baterya? Hindi napaikot yong stick sa likod? Kaya maiksi nalang ang sinasabi.
Ilang saglit pa ay may nahulog na naman. malaking bulletin board sa may bandang likod niya sobrang lakas ng pagkakabagsak nito dahilan para umangat ulit ang ulo niya. Napahinto din sa pagbabasa basahan ang iba kong kaklase at napalingon din sa likod. Kita ko ang kunot ng noo ng antuking pipe. Hindi ko maiwasang hindi matawa para bang nananadya ang kapalaran. Ayaw siya patulugin. Kakampi ko ang kapalaran ngayon. Halatang halata na sakanya na sobrang inis na, tipong isang babagsak na bagay na lang ay maghahasik na siya ng lagim o di kaya naman bubuga na siya ng apoy sa galit.
"Omg! Sorry may hinahanap kasi akong libro dito sa likod. Sorry sa istorbo guys!" Pakinig kong sigaw ng isa naming kaklaseng babae. Okay lang yan Tracy!
"Fuck! Pwede bang magpatulog kayo? Damn. Wala pa akong tulog. Ang iingay niyo! Laglagan ng laglagan!" Ayan bumuga na ng apoy ang Antuking pipe na halimaw. Dire diretsong mura niya. Natatawa ako sa nangyayare sa kanya. Halatang antok na antok ang pipe na to. Ano naman kaya ang ginawa nito kagabi?
"Inuulit ko lang, hindi kasi talaga silid tulugan ito.." Pagpaparinig ko na may halong demonyang ngiti habang nagkukunwaring nagaayos ng gamit sa ibabaw ng desk ko. Napansin kong nakatitig sya sa akin. Ayokong humarap baka makita ko ang parang nilukot niyang mukha sa galit. Mukhang bawi na ako sayo Pipe ka.
"Late night cramming." Narinig kong bulong niya. What the fuck? Siya nagaral kagabi? Pinapatawa niya ba ako? My god! Ayoko ng sinungaling. Natatawa ako.
"I hate liar." Parinig kong muli. Pansin kong sa akin pa rin siya nakatitig. Titig ba talaga o nanlilisik na mata niya sakin sa galit?
"Then you hating yourself?" Aba! Gago to ah? Hindi kona napigilan at ako na ang humarap sa kanya.
"Hindi ako sinungaling! Ikaw ang sinungaling. Ikaw? Mag aaral? What the fuck, pinapatawa mo ba talaga akong pipe ka? Hahahahaha. Baka nag aral ka sa bar kagabi." Dire diretso kong sagot sa kanya na para na ding baliw sa may halong tawa kong pananalita. Masyado niya akong pinapatawa ngayong umaga.
"Let us see. May quiz pa naman ngayon." Paghahamon niya. Nako! Buti na lang at nakapag basa pa ako kagabi.
"Deal." Sagot ko.
"What's the condition after?" Tanong niya. Bahagya akong napaisip pero wala ni isang dumaan sa isipan ko. Nablanko ako.
"Ikaw na bahala. Alam ko namang ako ang mananalo. Kasi sinungaling ka. May pa cramming ka pang nalalaman jan." Pag aangas ko sa kanya. Natawa na lamang ako ng magsimula siyang tumingin sa itaas bahagyang nagiisip kung ano ang condition kapag sino ang mas mataas sa Quiz mamaya.
"If I win, be my slave. If not, I'll be your slave."
-
Shangdara
BINABASA MO ANG
Beautiful Flower (Ongoing)
ChickLitUgly. Panget. Chaka. Yan ang kadalasang mga naririnig kong panlalait sakin. Noong una masyado kong dinadamdam, nanjan pa yong iiyak ako magmumukmok kung anu ano gagawin pero nang sandaling may isang lalaking pumasok sa buhay ko. Biglang nagbago ang...