Chapter 10."Tss. Seriously? Tinatanong mo ako kung sino yun?" Napakamot na lamang ako ng ulo nang maalala kong isa nga lang palang Admirer ni Timo yong Viela na iyon. Pero kasi kung hindi girlfriend or nililigawan ni Jiro yun, ano niya yun? Kaano ano niya? My god. I'm so confused.
"Malay ko bang kilala mo, ayaw mo lang pansinin kasi... Ano.." Napahinto ako sa iniisip ko. Ano ba itong mga iniisip ko. Nakakagigil na naman. Gulong gulo na naman ang utak ko. Lord god!
"Kasi ano?" Tanong niya. Anong sasabihin ko? Nababaliw kana self!
"Kasi.. Pangit.. Sya katulad ko?" My god self. Anong ginagawa mo!?
"What the fuck? Anong pinagsasabi mo? Can i get my book? Malelate na ako. Wala akong panahon kung sino man ang mga iyan!"
Kinuha na lamang niya ang libro sa akin, bakit naman ganon siya kung maka react? Sinabi ko na nga lang naisip ko para namang sinabugan ng bomba ang bahay nila kung maka kunot ang noo. Anong problema non?
Napasapo na lamang ako sa aking ulo nang makaalis na siya, naghintay ako na baka may sabihin pa siya ngunit diretso lang siyang naglakad palabas.
At sa di katagalan na pagtayo ko, tumunog ang cellphone ko.
'don't go home yet.'
Kahit hindi ko na maitanong kung sino pa ito dahil hindi naman ito nakasave sa phone book ko, kilala ko kung sino siya. Siya lang naman ang pinaka weird na taong nakilala ko.
Minsan hindi ko maintindihan takbo ng isipan ng Pipeng halimaw na yon. Ano kaya mga nasa isip niya nang masabi ko yun? Wala namang masama. Masyado niya atang nabigyan ng pansin. Ang weird wala namang mali.
Napagpasyahan kong maghintay sa puno na madalas kong pinagtatambayan, siguro ay guguhit na lamang ako ng naiisip kong damit ngayon. Masyado talaga akong naiinspired kay Reign Lopez. Napakagaling niya gumawa ng Designs sa iba't ibang uri ng damit. Mapa gown or OOTD clothes, at talaga namang sikat siya sa bilang isa sa pinakamagaling sa Clothing industry. Balang araw masusundan ko ang yapak niya, balang araw makakamit ko rin ang pangarap ko, magpapatuloy ako sa agos ng buhay ko kahit ganito ang mga tao sa paligid ko. I would not let them ruin my everyday life and also my dream. Never.
Napahinto na lamang ako sa pag guhit nang may tumikhim ang bibig, para mabigyan ko ito nang pansin.
Bahagya na naman akong nabigla nang magkita ulit kami. Parang kanina lang..
"So, inuutusan kana lang pala ng kaklase mong iyon?" Bungad niya sa akin. No! Mali iniisip niya.
Bahagya siyang umupo sa tabi ko. At nagtama na ang mata namin. Kinakabahan ako sa bawat titig na ginagawa niya.
"Uhm.. It's not like that Jiro." Kinakabahang sagot ko. Fuck!
"Hindi ba ganon? Pero halatang natutuwa pa ang gago sa ginagawa niya sayo." My god! Hindi ganon, Please ayoko makipagtalo jiro wala kang alam, at ngayon mo pa lamang malalaman.
"No. It's just a dare. Natalo ako sa quiz kanina. Mas mataas score niya." Simpleng paliwanag na lamang ang ginawa ko. Malayo na ang tingin niya na parang ang haba haba pa ng lalakbayin ng mga tingin niya.
"Hindi lang basta dare yun. Siguro ay pinlano na niya yun. Its either gusto ka niya lang bullyhin." Bahagya akong napaisip. Naalala ko ang sinabi ni Timothy. Nagaral siya, para mabigyang thrill ang score ko palagi.
Pero?
"No. Hindi talaga. Its only a dare. Yun lang yun. Kilala ko siya."
"Eh ako ba Mela kilala mo na?!" Nagulat ako nang humarap siya sa akin at titig na titig muli. What the hell? Bakit niya ako sinigawan?
Wala akong maisagot. Kilala ko na ba talaga siya? Oo kilala ko na siya sa halos isang taong pagkakaibigan namin. Minsan na lang kami magkita ganito pa? Bakit? Sobra ko siya namimiss. I missed his presence.
"Yes."
"No, hindi mo pa ako kilala. Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang mga sinasabi ko sayo. bubullyhin ka lang ng gagong yon. Naghahanap kana naman ng ikakapahiya sa sarili mo." Bigla na lamang nagtuluan ang mga luha ko sa sinabi niya, ganon ba ang mga iniisip niya? Bakit sa loob ko hindi magagawa ni Timothy yun. No ayoko! Maniniwala pa rin ako kung ano sinasabi ng utak ko. Hindi ganon si Timothy.
"No! Mas hindi mo kilala si Timothy. Alam kong hindi niya gagawin sa akin yun." Sagot ko, sobrang init ng mga mata ko na para bang hindi pa matatapos ang pag ampat ng mga luha ko.
"Fine! Ayokong makipagtalo tungkol jan, sino ba ako? Kaibigan mo lang naman. Mahal kita Mela. Kaya ko naiisip ang mga bagay na pwedeng mangyare sayo. Iniisip kita. Kasi ayokong masaktan ka." Dito na muling nagtuluan ang luha ko, nanginginig ang bawat kalamnan ko.
Tangina Jiro bakit ka ganyan? Sobra sobra mo nang pinapalundag ang buong puso ko sa bawat sinasabi mo.
Ano bang ang mga kahulugan nito? Gusto kong malaman. Habang tumatagal lumalala na ang nararamdaman ko, ayokong sa huli dalhin ko ang sakit kung sakaling wala lang ito. Hindi ako naniniwalang hanggang kaibigan mo lang ako. May gusto pang lumabas sa bibig mo. Ang kapal na ng mukha ko pero ito yong nararamdaman ko.
Walang ni isa ang may balak magsalita sa amin, nabalot nang katahimikan ang punong tinatambayan namin. Ramdam ko din ang lungkot sa paligid ko. Siguro nga ay sumasabay lang ito sa nararamdaman ko.
"Hindi kapa ba uuwi? Iuuwi na kita. Hindi lunes ngayon." Pag uumpisa niya, habang ako inaayos ko na ang sarili ko. Ayokong sumama, hihintayin ko pa si Timothy.
"Mauna kana, may gagawin pa ako." Malamyang sagot ko sa kanya.
"Ayaw mo talaga?"
"Sige na mauna kana." Pagmamatigas ko.
Naramdaman ko nang tumayo siya. Akala ko ay aalis na siya ngunit bahagya pa niya akong nilapitan at iniangat ang mukha ko para makita niya ang itsura namin sa isa't isa.
"Sa akin ka bukas. Sorry for everything.." Kasabay non ang paghalik niya sa aking noo. At saka niya na ako iniwan mag isa. Buti na lamang ay wala akong bagong anak bandang noo.
"Sorry natagalan, fuck that proffesor." Inis na bungad sa akin ni Timothy.
Buti na lamang ay natagalan siya ng kalahating minuto dahil kung hindi, hindi ko maaayusan ang sarili ko. Mugto pa naman ang aking mata. Damn.
" okay lang, thankful ako." Tugon ko.
Inabot kami ng paglubog ng araw. Ano ba yan! Saan ba kami pupunta nito?
"Ha? I don't get you." Hindi maipaliwanag na reaksyon niya.
"Wala sabi ko, nga pala saan ba tayo pupunta?" Pagiba ko nang usapan, ano siya uulitin ko pa. Hindi na pwede ulitin.
"Pupunta tayo sa lugar kung saan malayo sa kalungkutan mo ngayon.."
Then i was like oh my god!
-
Shangdara
BINABASA MO ANG
Beautiful Flower (Ongoing)
Chick-LitUgly. Panget. Chaka. Yan ang kadalasang mga naririnig kong panlalait sakin. Noong una masyado kong dinadamdam, nanjan pa yong iiyak ako magmumukmok kung anu ano gagawin pero nang sandaling may isang lalaking pumasok sa buhay ko. Biglang nagbago ang...