Chapter 1.

117 9 11
                                    


Chapter 1.





Nakakainis lang sa part na hindi mo magawang makisalamuha sa ibang tao dahil sa pimples, nakakahiya, nakakatakot, nakaka down ng sarili dahil sa hindi mo maugustuhan na sabihin sayo ng iba. Oo takot ako sa panghuhusga. Sa lahat ng bagay yan ang kinatatakutan ko.

Ano ba naman kasi yong todo linis ka, naliligo ka naman, tapos ganito? Tadtad ng tanginang tigyawat yong mukha ko.

Madalas sa gabi umiiyak ako dahil dito. Maraming nagsasabi ang ganda ko sana, kaso mahal ako ng mga pimples ko. Ayaw akong iwan. Hayyyy buhay!

"Oh mela? Ano na naman yang iniiyak mo? Parang kanina lang may kinulam ka dahil sa nabangga mo." Bungad ba naman sa akin ng kaisa isa kong kaibigan na lalaki. Si Jiro Mendez. Ang isa sa pinaka gwapong nilalang dito sa University namin, isa din sa mga hinahabol ng mga babae.

"Tang ina Jiro pwede ba? Hindi ako nakikipag biruan sa ngayon. Nakakainis kaya! Araw araw nalang. Walang papalyang may tatawag sa aking pangit ako." Hindi ko na talaga kaya lahat ng masasakit na salita na naririnig ko para sa akin.

Ewan ko ba sa Jiro'ng ito. Kung bakit magiisang taon na siyang nasa buhay ko. Noong una ayoko talagang kaibiganin siya, malay ba nating pinagtitripan lang ako o kung ano pa na dahilan para makapatay nako. But mga bes, hindi! Iba siya! Napatunayan niyang willing siyang kaibiganin ako at yun lamang ang intensyon niya. Kaya masayang masaya ako nong araw na yun, kasi nagkaroon na ako ng kaibigan. Pero minsan mukhang kaaway, kasi kahit kaibigan ko siya ay parang siya pa yong Leader kung saan panlalait sa akin ang organisasyon nila.

Pero may isang bagay akong hindi ko pwedeng aminin sakanya, gusto ko siya. Mahal ko siya, hindi lang bilang kaibigan. Nananatiling tago ito dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin.

"Hindi kapa nasanay Melanie? Anong gusto mong gawin natin? Awayin lahat yang mga nanlalait na yan? Edi pati ako damay. Hahahaha." Kahit kelan diba? Yan jan siya magaling sa pangiinsulto sakin.

"Gago ka! Di mo ako mahihingan ng pabor kahit kelan!" Dinambahan ko siya palabas ng canteen habang pinupunasan ko ang mga luhang tumulo.

Fuckers siya! Pag ako gumanda, who you kayong lahat!

"Hoy Mela!! Saglit lang!"

"Nagbibiro lang naman ako, di ka pa nasanay!" Pakinig kong sigaw niya sa akin. Leche bahala siya!

Sakto naman pala yong alis ko, dahil ended na yong lunch break namin. At papaakyat na ako ng room kung saan ako magka-klase. Sayang nga hindi ko naging kaklase ang halimaw na yun eh, wala akong Knight in shining armor ang dami pa namang kapwa niya halimaw sa classroom. Pwe!

"Hi betty!" Tawag sa akin ng lalaking mga kaklase ko pag pasok ko palang ng room namin.

Why Betty? Kasi diba, si betty lafeya kung hindi ako nagkakamali sa spelling. Siya yong babaeng nakasalamin na sabog ang kilay at maraming tuldok sa pisngi. I am definitely look a like her. Ang sakit! Ang panget ko talaga.

Hindi ko na sana sila papansinin nang lumapit sa akin ang kaisa isang babae sa grupo nila. Si Bridgette Linarez.

"Oops! Wait lang.." Pagharang niya ng braso niya sa mukha ko, kaya bahagyang lumuwag sa akin yong salamin ko.

"Ano na naman ba iyon Bridgette?" Tanong ko sakanila. Matapang naman ako, kaso minsan mahina yong kalooban ko lalo na kapag katulad nitong alam kong sobra akong mapapahiya.

"Aba aba! Sumasagot kana, eh kung tirisin ko kaya isa isa yang alaga mo!"

Sa sinabi niyang iyon nagtawanan silang lahat, pati na rin ang iba pa naming mga kaklase. Tulungan niyo po ako! Sana may tumulong sa akin!

"Bakit kasi hindi mo turuan maligo yan Bridge?" Muli ay nagtawanan sila sa sinabi ni Wency. Isa sa laging pinapasiyalan ang guidance office dahil sa pagiging basag ulo nito. Nanggigigil na talaga ako sa mga hayop na to! Akala mo ang gagwapo! Tang ina nyo!

"Kung wala kayong matinong sasabihin, pwede ba padaanin niyo ako!" Shit! Sanay na ako sa ganito pero ang sakit sakit na talaga!

"Oh padaanin niyo si Betty!"
Sumunod naman ang nakaharang pati narin si Bridgette.

Palayo na sana ako ngunit, may hindi ako inaasahang matatapakan ko. Isang balatng saging. Kaya dumausdos ang katawan ko sa sahig at rinig ko ang malakas na pagtawa ng lahat. Pesteng buhay to!

"Oy Diego, yong balat ng saging mo kinalat mo pa!" Sigaw ng isa sa mga impaktong tao sa grupo nila. At di rin nagtagal, nag tawanan muli sila. Fuck!

"What's happening class?" Pakinig kong tanong ng professor naming kakadating lang. Shit! Buti nalang nakatayo ako agad, kahit hirap na hirap ako. Sakit ng pwet ko!!

"Wala po Ma'am, may kinuha lang si Bett--- ay este Melanie sa sahig..." Hindi ko na alam kung sino ang nagsalitang yon, pero Tang ina sila rinig ko din ang mahinang pagtawa nila!

Umupo nalang ako sa upuan ko sa dulo kung saan may katabi akong hindi makabasag pinggan ang katahimikan niya. Si Timothy Jack Andrade. Ang gwapo talaga ng pangalan niya kasing gwapo niya, kaso diko siya type. Para siyang bakla na babae, di nagsasalita. Pipi ba to?

"Hi timo!" Bati ko sakanya kahit sakit na sakit parin ako sa likod ko dahil sa pagkakadulas ko. Madalas tawag sakanya Jack dahil sa naririnig ko pero feel ko ako lang natawag sakanyang Timo. Ang cute kasi ipronounce.

As usual dinedma nya na naman ako, tinignan nya lang ako ng magaganda niyang mata. Edi siya na leche siya! Pipe! Makaupo na nga.

"Tss.lampa"

Bigla akong lumingon ng marinig ko iyon sakanya? Omg?! Nagsasalita siya! Hindi siya pipe!

"Ano ulit?" Tanong ko, bahagya akong napangiti kahit na hindi ko gaano napakinig yong huli niyang sinabi. Why o why?

"You heard something?"

"Yes, oo nagsalita ka!" Sagot ko naman. Aba syempre minsan lang sya bumuka ng bibig.

"Ma'am si Melanie ang daldal!"
Tang ina! Sino na naman kaya yon?

"Yes Melanie? Anong dinadaldal mo?" Tanong sa akin ng prof ko ng makalingon nako sa harap.

"Nothing Ma'am."

"Isang tawag pa sayo, lalabas kana!"

That's bullshit! Mamatay na kayo!

-
Shangdara

Beautiful Flower (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon