Chapter 11.

55 2 0
                                    

Chapter 11.

Hindi ko inasahan na sa ganitong lugar ako dadalhin ni Timothy. Clueless ako mula kanina kung saan niya gustong pumunta, at ito pala ang sinasabi niya. Isang malaking garden, at dahil gabi na naniningkad ito galing sa magagandang kulay at uri ng ilaw. Malapit lang ito sa school na pinapasukan namin, pero never akong nagpunta dito. Wala naman akong kasama eh, mamumukha lang akong tanga. Ang dami pa namang couple dito kahit gabi.

Una nagtataka ako kung bakit dito, samantalang hindi naman kami mag couple pero ayos na to para hindi gaanong malayo sa uuwian ko. Bahagya naman akong napatingin sa couple malapit sa kinatatayuan namin na parang nagtatalo ayon sa kanilang hand gesture.

"Ganyan naman kayong mga lalaki eh, sa una lang magaling!" Dinuduro duro pa ng babae ang mukha ng kasintahan niya.

"Babe please, calm down! Sorry na hindi ko na uulitin pa" ito namang lalaki inaawat ang ginagawa ng girlfriend niya. Sinusubukan niyang ikulong ang mga palad nito.

My god! Ang sakit nila sa mata.

"Huwag mo akong matawag tawag na babe. Mang gagamit ka!"

"Kawawa naman ang mga inosenteng lalaki.." Napaharap ako sa sinabi ni Timothy na umiiling ilong pa.

"Totoo naman kasi, magagaling lang talaga sa una ang mga lalaki.." Sagot ko kahit wala pa akong experience mag boyfriend. Pero base lamang sa nakikita ko.

"Bakit may nang gamit na ba sayo?" Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya. Oo nga wala pa naman, pero kung makapagbato ako ng salita. Hays.

"W-ala pa.. Pero kasi.." Utal kong pananalita. Shocks hindi ko na alam ang sasabihin ko. Kinagat ko na lamang ang daliri ko.

"Hindi naman kasi dahilan na kapag niloko or ginamit ka ng isa o dalawang beses, pwede mo nang lahatin ang mga lalaki. May matitino pa rin na natitira." Biglang nanahimik ang paligid pagtapos niya magsalita.

Nakita kong may isang bench na malapit sa kinatatayuan namin, nilapitan ko at sumunod rin siya.

"Dalhin mo libro ko.. Remember you are my slave"

Hindi na ako nagsalita kinuha ko na lamang ang dalawang makapal na libro niya.

"Buti na lang ganito ako.. Walang gagamit sakin kasi hindi naman ako maganda para gamitin. I'm the ugliest person in this world.." Sabay sabi ko nang makaupo na ako pero siya nananatili pa ring nakatayo sa harap ko.

"So negative. Kaya pumapangit lalo.." Naiiling iling na sabi niya. Aba gagong to!

"Makapangit naman to."

"Ikaw na rin naman nagsabi e." Sagot niya at naupo na rin siya sa tabi ko.

Ang awkward. Hindi ko alam ang sasabihin ko, ganito na lamang ba kami?

Sobrang tahimik ng lugar na ito ngayon, pero maraming couple talaga. Nawala na yong couple na nagtatalo kanina, break na siguro.

Patuloy lang ako sa pagmumuni muni ng paligid, nang bigla siyang magsalita muli.

"I have something to tell.." Napatingin ako sa kanya. What?

"Ano 'yon?" Itinungo ko ang sarili ko sa kanya, bigla na lamang akong naintriga.

"I miss my childhood bestfriend.." Sabay napayuko siya sa sinabi niya.

Ayun lang pala, Akala ko naman kung ano na.

"Akala ko naman kung ano na. Bakit hindi mo siya dalawin?" Sagot ko sa kanya.

"Nawawala siya.." Sa sinabi niya. Biglang wala akong nahanap na isasagot. Kawawa naman siya.

Beautiful Flower (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon