LOREEN'S POV (LOREIGN)
Nahihiya na ako kay Shawn dahil tatlong oras mahigit na kami dito tapos naulan, siya yung nagpapayong saakin, tiningala ko siya at nakita ko siyang nakatitig saakin, yung mata niya ay puno ng awa, lungkot, galit. Wait... Bakit siya galit?
"S-shawn, uwi ka na, o-okay lang ako, tska dadalhin ko na si Nana sa hospital, baka maagapan pa" Sabay ngiti ko, pero may pait parin sa pag ngiti ko, tinignan ko ulit si Nana bigla na lang ako umiyak, mas malakas pa sa kanina.
"Loreen" malungkot na tawag saakin ni Shawn
Pinunasan ko yung luha ko at tumingin sakanya "okay lang talaga ako, mali pala hindi ako okay kasi wala na si Nana! Shawn tara na dalhin na natin si nana sa hospital baka maagapan pa" sabay hila ko sakanya, inalalayan ko si Nana na maka tayo tapos hinila hila ko si Shawn.
"S-shawn, hindi pa huli ang lahat hindi ba? Maagapan pa diba? Hinimatay lang si Nana diba? Gigising din siya diba? Sabihin mo okay lang si Nana diba?" Yinugyoog ko siya kaya nabitawan ko si Nana, luluhod na sana ako para kunin si Nana kaya lang bigla aakong niyakap ni Shawn, napahagulgol ako sa dibdib niya, niyakap ko din siya, hinagod niya ang likod ko kaya mas lalong lumakas ang iyak ko.
Nana, sorry wala ako sa tabi mo nang nawalan ka ng huli mong hininga, I'm sorry dahil wala ako sa tabi mo, katulad ng ginagawa mo, Sana mapatawad mo ako, sana Nana wag mo akong iiwan kung nasaan ka man, I will treasure every moment with you. Sana hindi na lang ako umalis sana hindi. Pero nagsisi ako dahil wala ako sa tabi mo ngayong kailangan mo ako.
"I'm sorry, I'm sorry" paulit unit na lumalabas sa bibig yan ni Shawn
"Sana hindi na lang ako umalis, kung kailan ako kailangan ni Nana wala ako sa tabi niya" sabay iling ko, basang basa na kami ng ulan, wala akong pakeelam kung maging panget ako! Si Nana ang kailangan kong unahin
"Hindi mo kasalanan"sabay punas niya sa luha ko, at inangat niya ang baba ko gamit ang kamay niya, hang nagtama ang mata namin ay nakita ko nanaman ang away, lungkot, galit sakanyang mga mata.
"Patawarin mo sana ang gumawa niyan dahil ang Dios nga ay nagpapatawad Tao pa kaya? Tska hayaan mo na lang kay lord ang lahat" sabay yakap niya saakin
"Hindi ko Alam kung kaya kong patawarin kung sino man niyon pero alam kong kaya ko siyang patawarin bigyan niya lang ako ng panahon, wag muna siyang papakita saakin hangat hindi pa naghihilom ang sugat ko" sabay iyak ko ulit
Gusto kong maghiganti para kay Nana para sa katarungan sa pagkamatay niya, pero hindi ko alam kung ano ang makukuha ko pagnaghiganti ako, hindi naman maibabalik non si Nana tska walang magagawa ang paghihiganti sa huli ikaw parin ang talo.
"Kaya mo yon, dahil sasamahan kita"sabi niya, bigla na lang naglaho lahat ng nararamdaman ko bigla na lang nawala ang galit ko, pati problema ko kasabay non ay bumilis ang tibok ng puso, first time kong nakaramdam ng ganto.
Alam kong nandito ang mga press dahil panay ang flash ng camera, hindi ko iyon pinansin, sinenyasan ko ang isang nurse para kunin si Nana, naintindihan naman niya iyon kaya kinuha niya si Nana, naalala ko yung pamilya niya sa pampanga tatawagan ko sila para malaman nila ang nangyari kay Nana.
"S-shawn?" Tawag ko sakanya
"Tatawagan ko lang ang pamilya ni Nana, para malaman nila ang nangyari kay Nana" sabay kuha ko ng cellphone ko sa bulsa ko medyo basa na rin ang damit ang cellphone ko.
Lumapit saamin ang pulis para ipaliwanag ang nangyari pero nangnagpapaliwanag siya saamin ni Shawn ay nakatingin yung mamang pulis sa dibdib ko tinignan ko ang uniform kong basang basa kaya bakat ang black kong bra.
"Tsk!" Sabay tulak saakin ni Shawn papunta sa likod niya, kaya nawala na ang tingin ng pulis saakin at tumingin na lang kay Shawn
Sinabi nung pulis na pinasok daw ang bahay namin nakita sila ng mga katulong at sumigaw daw umano ang isang katulong kaya dumating ang mga bodyguards tapos nagpaputok ang mga bodyguards kaya nagpaputok din daw ang mga kalaban wala daw sa plano ng mga kalaban na magpaputok kaya lang napilitan sila dahil nagpaputok nga ang mga bodyguards, tska nang natamaan daw si paloy ay lumapit si Nana kaya nabaril din daw siya.
It hurts allot dahil ganoon ang pagkamatay ni Nana, ang gusto ko sana para kay nana ay mapayapang pagkamatay. Tumulo ulit ng tumulo ang luha ko, gusto kong tumigil sa pagiyak kaya lang ayaw tumigil ng luha ko.
"Loreen"sabay angat ni Shawn ng baba ko, tinignan niya ang mata ko, na nag bigay saakin ng kuryente.
"A-ano Shawn, tatawagan ko lang ang pamilya ni Nana" sabi ko, sabay layo sakanya
Ni-dial ko yung number ng anak ni Nana na si Mari, siya lang kasi ang natitira Tito sa pilipinas lahat ng kapatid niya ay nasa estatdos unidos na, naka limang ring bago ito sumagot.
"Hello?" Tanong ng isang babae
"Ako po si Loreen, nasaan po si Mari?" Tanong ko
"Ahh!! Si Mari ba kamo?" Tanong niya
"Opo"sagot ko
"Pasensya ka na ha? Umalis na kasi siya nung nakaraang linggo, ako yung inatasang bantayan ang bahay nila"paliwanag niya
"Saan po siya nagpunta?" Tanong ko
"Sa estados unidos"sagot niya
"Wala po ba siya iniwan na number? Or anything na ma-reach sila?" Tanong ko
"Meron" sagot niya
"Pwede po bang hingin kasi may emergency kay Nana" sabay kagat ko ng kamay ko
"Osige, pero ano ba ang nangyari kay Nana?" Tanong niya
"Wag po kayong mabibigla ah?" Tanong ko, kailangan ko tong sabihin kasi malay ko na malapit pala sila ni nana, hindi siya nagsalita mukhang hinihintay niya ang sasabihin ko, huminga ako ng malalim may namumuo nanamang bukol sa lalamunan kaya hindi ako maka lunok, tumulo nanaman yung luha ko humikbi ako hindi parin siya nagsasalita
"Na baril po kasi si N-nana, tapos po.... Hik! Hik! Patay na po siya"sabay takip ko sa mukha ko ng isang kamay
"Ganoon ba? Kawawa naman siya"yun lang ang sinabi niya pero naririnig ko ang paghikbi niya
"Pasensya niya ha? Eto na ang number niya *binigay niya na ang number ni Mari*" sabay iyak niya
"O-okay l-lang po! Salamat nga po pala, paalam po" sabay putol ko sa tawag, pinutol ko na dahil nasasaktan ako para kay nana
Nakaramdam ako ng init sa likod ko, nakayakap saakin si Shawn
"Wag ka nang umiyak, nasasaktan lang ako" bigla akong nangilabot sa boses niyang nasa likod ng tenga ko
Kinalas ko ang kamay niya sa bewang ko tapos hinarap ko siya at naka kunot ang noo niya
"Tatawagan ko lang si Mari"sabay layo sakanya, hinawakan niya ang braso ko kaya natigil ako sa paglayo
"Iniiwasan mo ako?" Tanong niya
Oo, iniiwasan ko siya dahil sa sinabi niya na nasasaktan siya, wala pa sa isip kong pumasok ulit sa relasyon, tksa kakahiwalay palang namin ni Jake, tska kailangan ko munang mapagisa dahil kay Nana, tska masasaktan ko lang siya pagnaging kami kasi naman hindi naman kasi ako si Loreen, ako si Loreign, nagustuhan niya si ate at hindi ako...
"H-hindi, tatawagan ko lang talaga si Mari"sabay hawi sa kamay niya, at lumayo ulit, this time niyakap niya ako
"Shawn"sabay tulak sakanya, pero masyado siyang malakas para maitulak ko siya