LOREEN'S POV (LOREIGN)
"HI!!!" Bungad saakin nina Maureen, Denisse, Sam, Mark, at Dorothy.
Dumating sila sakto lang nung umalis kanina si Shawn.
"Hi" mahinahon kong sabi
"Nga pala, kasama namin si Dorothy" sabi ni Maureen, tumango ako at tingignan si Dorothy, ngumiti ako sakanya ngumiti siya pabalik, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, nakasuot siya ng sleeveless na turtle neck na color white, at naka palda na mabulga hangang tuhod at naka stilettos siya na color white, naka pony tail ang mahaba niyang buhok.
"Musta ka na?" Tanong ni Dorothy
"I'm fine, by the way, binalik na kita sa Banda" nanlaki ang mga mata ni Dorothy at yung bibig niya naging 0 at tinakpan niya yung bibig niya.
"Really?" Tanong niya ulit
"Duh! Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? Gusto pa ulit ulit!" Sarkastikong sagot ni Maureen.
"Tama na nga yan! Nagulat lang siya!" Sabi ko
"Welcome back!" Bati namin except kay Maureen na naka simangot
"Thanks!" Maligayang sambit ni Dorothy
"Nga pala Mark, bukas na ba?" Tanong ko
"Oo, pinayagan ako ni dad mo at ng mga managers natin, ang dami ngang fans na na-excite sa pag move ng maaga ng meet and great" sabay ngiti niya
"Thanks! Ang saya ko!" Sabi ko
"Oh my gosh! Bukas na?!" Nagulat na tanong ni Denisse, tumango kaming dalawa ni Mark
"Oh my gosh! Kaialangan na ming maghanda! Oh my gosh! Aalis na kami! Bye! Ingat ka! I love you! And advance happy birthday loreen!" Maligayang bati ni Maureen
"Hahaahah!!" Tumawa si Sam
"Advance" sabay silang dalawa ni Sam at Dorothy
"Halina kayo guys! Uwi na tayo! Excited na ako!" Natatarantang sigaw ni Maureen
"Psshhh, sige na bye!" Sabi ni Sam
"Alis na kayo! Susunod na lang ako!" Pahabol ni Mark, tumingin ako sakanya, nginitian niya lang ako.
Umalis na sila at naiwan kaming dalawa ni Mark dito, umupo siya sa tabi ko
"Bukas diba mag ce-celebrate ka sa bahay niyo? Ng 18th birthday mo?" Tumango ako
"Sino ang pang eighteen roses mo?" Tanong niya
"Ikaw" sagot ko
"Really?! Akala ko kasi si Shawn yung pinili mo" biglang nawala yung ngiti ko
"Pang 17 lang siya pero hindi ko alam kung pupunta siya" sabi ko
"Why?" Tanong niya.
Umupo ako ng maayos"ganto kasi yon....." Kimwento ko sakanya simula nung ininvite ko siya sa birthday ko. Hanggang magtapat siya saakin
"Ibig mong sabihin siya yung anak nung driver ng truck?!" Hindi makapianiwalang tanong niya, tumango ako
"At sinabi rin niya na siya yung may kasalanan sa nangyari kay Nana?" Tumango lang ako
"And you forgive him?" Tumango ulit ako
"Ako naman talaga yung may kasalanan, kung hindi ako nag likot sa kotse walang mamatay walang revenge na mangyayari" sabi ko ,tumango siya
"About dun sa sinabi niyang mahal ka niya" hindi niya tinapo
"Bakit?" Tanong ko
"Do you love him too?" Tanong niya
"Hindi ko pa alam, minahal niya lang ako dahil ako si ate kaya sinabi ko na ikaw yung mahal ko although parehas ko kayong mahal, pero hindi talaga kami pwede" sabi ko
"It's good that you pick me" sabay yakap niya sakain
"I always will" sabi ko
"Let's go?" Bumitaw ako as pagyakap att tinignan ko siya
"Where?" Tanong ko
"Cemetery" sagot niya, tumango ako
"I will just take a quick bath" tumango siya
"I will wait for you outside" tska siya lumabas
Ngayon ko lang na appreciate yung kwarto ko, presidential suite to may queen sized bed, may parang sala, may kusina na maliit, may sariling banyo, may walk in closet pa. Para lang ako nasa hotel nito.
Pumasok ako sa walk in closet at tumambad saakin ang mga damit ko, sigurado akong si dad ang may gawa nito para namang nagbakasyon ako dito. Kinuha ko ang white dress ko na long sleeve na 2inch above the knee, kinuha ko din yung white boots. Kinuha ko rin ang aviators ko. Nilagay ko iyon sa kama at kumuha ako ng twalya at dumiretso na ako sa banyo at naligo. Mga 20 minutes lang ako naligo at lumabas na ako, at nagbihis, saktong pagsout ko ng damit ko ay may pumasok.
"Sorry" nag peace sign pa siya
"It's okay, Eli gusto mo sumama?" Tanong ko, gusto ko rin kasi siyang isama para makilala niya si Nana.
"Saan?"tanong niya
"Sa sementeryo, dun kasi nilibing si Nana ko" sabi ko
"Sige po ate" sabi niya
"Paki abot nga yung purse kong black sa walk in closet ko, salamat" tumango siya at pumasok sa walk in closet, habang kinukuha niya ang purse ko ay sinoot ko ang white boots ko, sakto namang bulik siya at inabot ang purse ko.
"Thanks" pasalamat ko
"Always welcome ate" para ko talaga siyang kapatid. I thank her because she's there for me...
"Let's go?" Tanong ko, tumango siya at sinuot ko ang aviators ko at pumihit na kami palabas ng suite, sakto namang nadoon si Mark at naka upo, tumayo siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa, sumipol pa siya kaya natawa kami ni Eli.
"Tara na nga!" Natatawa kong sambit
"Your always beautiful, kahit saang anggulo ko tignan" bolero talaga tong si Mark
"Hayyy, kuya kung ako sayo bantayan mo na si ate, baka may mangagaw pa kay ate, gusto ko pa naman yung isa" agad nagmadaling naglakad si Eli, nagkatinginan kaming dalawa ni Mark, ngumiti ako ganoon din siya, inakbayan niya ako.
Pagkalabas namin ng ospital ay mabibingi ka sa sigawan ng mga Tao, ang daming tao sa entrance ang dami ding reporters.
"Kyaahhhh! Si Loreen!"
"Loreen!"
"Oh my gosh! Buti na lang okay na siya!"
"Sino yung kasama niyang babae?"
"Oh my gosh! Si mark ba yon?!"
"Tara na" saka ako hinawakan sa braso ni Mark tska kami naglakad papuntang kotse niya, biglang dumating ang mga guards at hinarangan ang mga reporters.
"Ms Loreen! Ano pong pangalan ng niligtas niyo?" Tanong ng isang reporter
"No comment" yan lang ang sinabi ko, ayokong i public ang pangalan ni Eli. Ayokong pagkaguluhan din siya. Ayoko ding mapahamak siya.
Agad kaming nakarating sa sementeryo kasabay non ang pagbuhos ng ulan.
"Wait here, kukunin ko lang ang payong" agad dinungaw ni Mark ang backseat at kinuha ang clear na payong.
"Here" sabay abot niya saakin ng payong, pati isang puting rosas.
"Thanks" agad kong binuksan ang pinto ng kotse at binuksan ang payong. Tinignan ko si Eli at sineyasan na bumaba na rin.
"Sure ka ate?" Tanong niya, tumango lang ako at ngumiti sakanaya. I want her to meet my one and only Nana. Agad siyang lumabas, hinapit ko siya para hindi mabasa ng ulan, tumungin ako kay Mark.
"It's okay. I will wait here" sabi niya, tumango ako at nagsimula ng maglakad papasok ng sementeryo.