LOREEN'S POV (LOREIGN)
"If you'll excuse me ma'am, may practice pa po akong pupuntahan" I lied, hindi naman talaga ako magpapapractice gusto ko lang umalis dito, ayokong makasama any dalawang to nandidiri ako.
"Sure, I'll take from here, you can go now" si ma'am Ana
Tumango ako at naglakad papuntang pinto, hinarap ko ulit sila inirapan ko sila tska ko binuksan ang pinto at sinoot at aviators ko, habang naglalakad ako ay bigla na lang bumuhos ang mga traydor kong luha, buti na lang hindi ako umiyak kanina.
Habang naglalakad ako sa hallway ay tumunog ang cellphone ko, nagtext saakin si Maureen binuksan ko ang message.
Maureen:
Saan ka na beh! Kanina pa kami dito? Kasama mo ba si Dorothy?
Ako:
Hindi ko siya kasama, isa pa umalis na siya I don't know the reason, tska sa Friday mag set ka ng audition para may pumalit sakanya.
Agad naman siya nag text
Maureen
Ha?! Eh! May upcoming concert tayo ngayon pa siya aayaw! Sige kita tayo bukas, sasabihin ko na rin na walang practice.
Ako:
Sige
Bago ko niligpit ang cellphone ko ay tinignan ko ang oras ay 5:20 na! OMG! Naghihintay pala si Shawn sa gate! dali dali ang pagayos ko sa sarili ko at inayos ang shades ko, tumakbo ako papunta sa gate at nakita siyang naka sandal sa dingding na katabi ng gate.
"SHAWN!!" Sigaw ko, sabay takbo ko sakanya, lumingon siya at umayos ng tayo.
"Pasensya ka na ha? Kasi may importante lang akong pinuntahan" paliwanag ko
"O-okay lang, bakit namumula ang ilong mo?!" Tanong niya, sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko, konti na lang at magdidikit na ang ilong namin.
Bahagya ko siyang itinulak. "A-no may allergy ako sa alikabok kaya n-namumula" I lied
Tumango siya at lumayo saakin.
"Halika na!" Hinila ko siya at muntik na siyang mapatianod sa isang bato.
"Dahan, dahan saan ba tayo pupunta?" Tanong niya, nakarating na kami ng parking lot at tska ko siya binitawan.
"Meet, my baby, kara this is Shawn, Shawn this is Kara my motor" natatawa kong sabi
"Eh? May pangalan ang motor mo? Tska pang mga gangster ang motor mo ah!" Sabi niya
"Wag kang magalala si Kara ay mapagkakatiwalaan, isa pa yan ang sasakyan natin papuntang mall" paliwanag ko
"Eh? Ayoko niyan, w-wala ka bang kotse?" Tanong niya
"Meron, kaya lang ginaggawa pa kasi nasiraan" sabay hila ko sakanya at tinulak siya para maka upo kay Kara.
"Safety first" sabay itsa ko sakanya ng helmet
"Ano ba kasing gagawin natin sa mall?" Tanong niya habang isinusuot ang helmet
"Dami mong tanong! Sumunod ka na nga lang!" Iritado kong sabi
Nilagay ko na rin ang lavander kong helmet, at ssumakay kay Kara, kinuha ko ang kamay niya at pinalupot sa bewang ko agad niya itong tinangal.
"Ano ka ba?! Humawak ka baka mahulog ka ako pa ang pagbintangan eh" sabay kuha ko ulit ng dalawa niyang kamay at pinalupot sa bewang ko.
"Hindi ka ba naiilang?" Tanong niya, sabay iling ko.