LOREEN'S POV (LOREIGN)
"Hindi dapat gingalang ang katulad niyo, dahil kahit kayo mismo hindi niyo nirerespeto ang pagka babae ng anak niyo" sabi ko
"Sino ko ba para makeelam!" Sigaw niya, kasabay non ang pagkawala niya, pero agad ko siyang ni head bang at tumumba siya sa lapag at nawalan ng Malay.
"I'm sorry" sabay harap ko kay Elizabeth
"Okay lang ate, siya naman may kasalanan" sabi niya
"Lagi ka ba niyang sinasaktan?" Tanong ko
"Oo, paglasing siya o kaya pagkailangan niya ng pera" sabi niya, ang hirap pala ng buhay niya dito
"Asan ang bahay niyo?" Tanong ko
"Doon" sabay baba niya kay kara
"Samahan mo ako" sabi ko
"Bakit?" Tanong niya
"Hindi ko kayang ganto ka habang buhay kaya sasama ka saakin" sabi ko
"Ate! Hindi na" sabay iling niya
"Hanggang sa masampahan lang siya ng kaso" sabi ko, agad naman siyang naging malungkot
"Hindi natin pwedeng hayaan na ganoon na lang Eli, hindi natin alam kung hanggang saan ang kaya niyang gawin sayo" sabay yakap ko sakanya
"Alam kong tatay mo siya, pero paano kung may nagyari sayo?" Sabi ko
"Osige"sabay punas niya sa luha niya
"I'm sorry but this is the best for you" hinila ko na siya papunta doon sa kumpol kumpol na bahay, agad siyang tumugil sa harap by isang bahay na kubo.
"Diyan ka nakatira?" Tanong ko, tumango siya, paano kung manakawan sila diyan? O masilipan siya? Ma rape?
"Wala bang naninilip sayo dito?" Tanong no habang tinitignan ang bahay nila
"Minsan, pero hindi naman sila nakakasilip!" Sabi niya, pumasok ako sa loob at pahirapan pa pumasok dahil maliit ang pintuan kaya yumuko ako para makapasok
Pagpasok ko, kusina na kaagad, may dalawang maliit na kwarto na pinaghiwalay gamit ang kahoy para maging dalawa ang kwarto, walang pinto kurtina lang ang nagsisilbing harang para hindi makita ang nasa loob.
"Asan ang kwarto mo?" Sabay turo niya sa isang kwart na color pink ang kurtina, agad akong pumusok doon at nakita ang isang
Single bed na gawa sa kawayan at isang maliit na lamesa nandoon lahat ng gamit niya sa paaralan, tapos sa kaliwa naman ang maliit na kabinet."May maleta ka?" Tanong ko
"Oo, pero maliit lang" sabay kuha niyang isang brown na maleta
"Yung backpack mo, doon mo ilagay lahat ng gamit mo sa school, yung mga damit mo at iba pang mahalaga ay sa maleta" sabay bukas ko ng kabinet niya at nilgay ang mga damit niya sa maleta
Habang naglalagay kami ng mga gamit niya sa maleta niya ay nakarinig ako ng kalabog sa kusina, tinignan ko si Elizabeth na takot na takot.
"Stay here, whatever happens call the police" sabay bigay ko ng cellphone ko sakanya.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto at nakita ko ang papa niya na kumuha ng kutsilyo, agad kong nilabas ang isa kong Swiss knife sa bulsa ko.
"Asan siya?!" Sabay tutok niya ng kutsilyo niya saakin at lumapit.
"Alam mo tanda hindi naepekto saakin ang kutsilyo, nung bata ako nakapatay na ako ng limang lalaki gamit ang Swiss knife yung isa tumama sa mata, sila may hawak na baril ako limang Swiss knife, napatay ko sila ng walang kahirap hirap, kung gusto mo gawin ko din iyon sayo" sabay tawa niya