LOREEN'S POV (LOREIGN)
"I want to tell you something"sabay upo niya sa tabi ko, napalunok ako ngayon ko lang nakita ang sout niya, naka white t-shirts lang siya at faded jeans, naka Rolex pa siya.
"Nagugutom ako" kinuha ko ang ibinigay ng ate ni Sabrina, sa totoo lang hindi naman ako gutom, gusto ko lang makawala kay Shawn. Binuksan ko yung lid ng baunan at naamoy ko na ang bango nito, at alam mong masarap ito
"Let me tell you something first" hinwakan niya yung kamay kong nakahawak sa lid, agad kong binawi ang kamay ko
"Pwede bah Shawn?! Kakain ako! Let me!" Sigaw ko, atska ko kinuha ang kutsara at tinidor
"I can feed you" napatingin ako kay Shawn na ngayon at naka ngisi, tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.
"Pwede bah?! Hindi naman kamay yung napuruhan kaya kaya kong kumain magisa" binaling ko na lang ang tingin ko sa adobo.
"If you say so" nag pout siya, pumikit ako ng mariin at iniwas ang tingin sakanya.
Tinikman ko ang adobo at biglang nagflash sa utak ko, yung araw na pinagluto ako ni ate ng ganto! Gantong ganto yung lasa!
Umuwi ako galing school in puro pasa at sugat ang nasa mukha ko, buti na lang wala si nana at sina mom and dad, nag day off kasi si Nana, si mom and dad naman may business trip sa macau, kaya kaming dalawa lang ni ate ngayon sa bahay.
Umupo ako sa high chair ng counter said kusina, at nagpalumbaba.
"Haysst" sabay gulo ko ng buhok ko
"Galing ka nanaman sa pakikipag sabunutan?" Napaupo ako ng maayos ng marinig ang boses ni ate.
"Tss.. Sila may kasalanan eh!" Depensa ko
"Hay naku.... Oh... Eto... Kainin mo, siguradong gutom yang tyan mo sa pagsasabunutan" natatawang sambit ni ate, nilapag niya ang pagkain sa harap ko, umiling na lang ako at ngumisi.
"Tsss... Talo talaga ako pagikaw na ang kalaban ko" sabi ko
"Kumain ka na, sabihin mo saakin pagmasarap ha?" Tska naman siya umupo sa harap ko
"Your almost perfect ate" pagkasabi ko non ay sumubo na ako ng kanin at adobo.
"WOW!" Naaptingin ako kay ate na nakangisi
"How did you do that?" Tanong ko
"Don't ask! Just eat" natatawang sagot ni ate, umiling na lang ako at sumubo ng pagkain.
Simula noon, pag naiinis ako pagkauwi ko pinagluluto lang ako ni ate ng adobo. Naging favorite ulam ko na rin yon dahil ang sarap lagi ng luto niya, bigla na lang ako napaluha habang nakain. Agad kong pinunasan iyon at suminghot.
" Hey, why are you crying" inagat ni Shawn ang baba ko para magtama ang mga mata naamin, agad kong tinangal ang baba ko
"Wala" sabi ko
"You can tell me" malambing niyang sabi
"Pede bah?! Tigilan mo ngang mag-english!" Umirap ako
"Sabihin mo na kasi kung bakit ka naiyak" makulit talaga tong isang to ah?!
"Fine!" Inhale, exhale
"Naalala ko lang yung kapatid ko dahil dito sa adobo, magaling siyang magluto. Gantong ganto yung lasa nung pinagluto niya ako" sabi ko, tumago tango siya
"Ikaw? Sabi mo may sasabihin ka saakin? Sige sabihin mo na habang good mood ako" talaga namang nakaka good mood yung adobo eh! Na miss ko tuloy si ate tska si Nana. Nawala na yung dalawang taong pinapahalagahan ko sa mundo.