CHAPTER 3 "Confession"

23K 534 17
                                    

CHAPTER 3

“Confession”

 

 

Maya-maya nagtext na si ate at pinapauwi na ko. Hindi na ko nakapagpaalam kay pare kasi mukhang natulog na sya. Kay tita na lang ako nagpaalam, gabi na din naman kasi. Madami pa namang araw para bumalik at makipagbonding kay Johann.

            Sa sobrang pagod ay nakatulog agad ako paguwi. Napagod pa talaga ko ng lagay na yun huh, samantalang nanood lang naman kami ng movie. Hindi na din kasi nagkaron ng pagkakataong magkwento kay ate. Hindi ko na naishare ang happiness na naramdaman ko. Alam kong magiging masaya sya para sa’kin. Antok na antok na kasi ako. Gusto ko na kasing mapanaginipan si Johann at sana ganun din sya.

            Nagising ako sa boses ni ate, parang may kausap sya. Sunday nga pala ngayon kaya walang pasok si ate sa trabaho at syempre ako din. Hindi agad ako bumangon kasi naaalala ko pa yung mga sinabi ni Johann. Hindi naalis sa isip ko yung maamo nyang mukha. Gosh, nabilis ang tibok ng puso ko. Natawa naman ako mag-isa para akong siraulo. Panira talaga ang boses ni ate, ang lakas. Sino kayang kausap nya? Bumangon na ko para alamin at dahil gutom na din naman ako.

           

            Nasa may garden pala si ate at nasa cellphone lang pala ang kausap nya. Nakakapagtaka lang dahil nung makita nya kong nababa ng hagdanan eh bigla nyang pinatay yung phone at parang nagulat sya.

            “Gising ka na pala, Zane.” Gulat na tanong ni ate.

            “Ate sa lakas ng tawa at boses mo eh nagising talaga ako. Sino ba kasing kausap mo?” tanong ko sa kanya.

            “Ah wala. Yung kameet ko kahapon, may itinatanong lang ako about dun sa ibinigay nya sa’kin.” Nagstutter si ate na parang kinakabahan o ano.

            Parang nakakapanibago si ate. Nagiging weird nitong mga nakaraang araw. Naiwas din sya sa mga tanong ko.

           

“Nakaready na ang breakfast, kumain na tayo.” Umupo na sya at ganun din ako.

            Chance ko na sanang magkwento kay ate, pero napansin ko busy sya sa pagtetext. Sino kayang katext nya at napapangiti sya mag-isa.

            “Kakain ka ba o magtetext?” pagpuna ko sa busy kong ate.

            “Ah, sige busog pa naman ako. Kumain ka lang ng kumain dyan.” Hindi man lang nya ako tiningnan habang sumasagot.

Nothing's Gonna ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon