CHAPTER 4
“Enchanted”
Mga 11:00 kami dumating sa Enchanted Kingdom. Malapit lang din naman kasi kami dun. Sa South Express way naman kasi kami dumaan. Medyo napaidlip din naman ako. Ginising lang kami ni Johann nung nakapagpark na sya. Ewan ko kung makakasakay talaga ko sa mga rides.
Madaming tao ngayon kasi Sunday. Nakapila na kami sa Entrance. Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa loob ay napahawak na ko sa kamay ni pare.
“Bakit ka nanlalamig pare?” tanong ni Jake sa’kin.
“Huh, baka dahil galing tayo sa kotse. Ang lakas kasi nung aircon.” Nauutal kong sagot sa kanya.
“Don’t worry, hindi tayo sasakay sa mga ayaw mong rides. Yun eh kung sa’kin ka sasama.” Mahinahong sagot ni Jake. Parang hindi nya talaga ako aasarin.
“No. Basta. Teka, nasaan na ba ang kuya mo?” Napabitaw ako bigla kay pare.
May kausap si Johann sa phone. Sino kaya yun? Nilapitan namin sya agad ni pare, pero tapos na syang makipagusap bago pa kami tuluyang makalapit sa kanya.
“So are you ready? Anong una nating sasakyan?” Parang hindi ata excited magrides si Johann sa itsura ng mukha nya.
“Ah, mas maganda siguro kung magstart tayo sa mga hindi nakakatakot na rides. Magwheel of fortune muna tayo.” Una ko talagang suggestion ang wheel of fortune.
“Sure. Masasakyan nama natin lahat yan bago matapos ang araw.” Sagot ni Johann.
Mabuti na lang nakagawa ako ng paraan para hindi muna kami sumakay sa mga hate kong rides. Nagstart kami sa wheel of fortune. Heto lang ata ang rides dito na paulit-ulit kong sinasakyan. Ang haba ng pila. Pero okay lang maghintay, magkatabi naman kami ni Johann. Ayokong masyadong dumikit sa kanya kasi baka maramdaman nya ang mabilis na tibok ng puso ko.
Lalo akong nainlove kay Johann ng inalalayan nya ko sa pagakyat. Opposite talaga sya ni pare, ang gentleman. Magkatabi pa kami, oh my gosh. Super na yung kilig ko, baka hindi ko na maitago.
“Pwede kang kumapit sa’kin kapag nahihilo ka or natatakot.” Sabi ni Johann sa’kin.
BINABASA MO ANG
Nothing's Gonna Change
Short StoryZane is in love with her best friend's brother, Johann. Everyone knows that he's her ideal man. Her dream came true when Johann finally asked her to be his girlfriend. Is it for real? Or he's just doing this because he has to? What will happen to he...