CHAPTER 10
“Too late”
Natulog ako ng maaga para mabilis ang takbo ng oras at syempre beauty rest ko na din yun para hindi haggard kapag nagkita kami ni pare. Ang aga kong nagising, syempre magpapaganda pa ko. Sabagay, wala na kay pare kung bagong gising pa ako. Eh nakita na nga nya kong natutulog eh. Hindi naman ako nahirapan sa pagpili ng damit dahil yung pink dress na regalo nya ang isusuot ko. Nagtext si pare sa’kin, kinakabahan ako pero syempre excited. Gusto ko na syang makita.
>From: Pare ko
Good morning pare ko. Hindi kita masusundo dyan huh. Magcommute lang kasi ako. Sabay ka na lang kina kuya. See you later. <3
Hindi pa kami nito may papuso-puso na syang nalalaman. In love na inlove sa’kin si pare eh. Maya-maya pa ay dumating na si Johann.
“Zane, sumabay ka lang daw sa’min sabi ni Jake. May dadaanan pa daw kasi sya.” Sabi ni Johann.
“Yeah. Nagtext nga sya. San ba tayo pupunta?” tanong ko kay Johann.
“Dun na lang daw sa resto nyo eh.”
“Then what are we waiting for? Let’s go. Syempre sa likod ako dahil ang ate ko dyan sa tabi mo.” Pagbibiro ko sa kanya.
Atat na atat na kong makarating sa resto at makita si pare. Nakakainis pa, ang sweet ni ate at ni Johann. Naiinggit ako, pasalamat si ate hindi ko talaga mahal si Johann. Pero masaya ako para sa kanilang dalawa. Nakaya nilang tumagal ng magkalayo. Kami kaya ni pare, pano kaya kung magkalayo kami. Yung malayong-malayo sa isa’t isa. Ano ka ba Zane, wag mo na ngang isipin yun. Ang mahalaga masabi mo kay Jake ang tunay mong nararamdaman.
Dumating na kami sa resto. Kinakabahan ako kahit alam kong wala pa dyan si Jake.
“Are you ready?” tanong ni Johann sa’kin.
“Of course I’m ready. Parang si pare lang eh.” pagbibiro kong sagot.
“You’re nervous.” Sabi ni ate sa’kin.
“I’m not.” Hindi ako mapakali.
BINABASA MO ANG
Nothing's Gonna Change
Short StoryZane is in love with her best friend's brother, Johann. Everyone knows that he's her ideal man. Her dream came true when Johann finally asked her to be his girlfriend. Is it for real? Or he's just doing this because he has to? What will happen to he...