CHAPTER 5 "Doubt"

16.3K 427 9
                                    

CHAPTER 5

“Doubt”

            Kung ano naman yung kinainis ko, eh sya namang ikinasaya ni pare. Kanina lang may mood swing sya, tapos ngayon heto na naman sya sa pangungulit. Alam nya talaga kung kailan ko kelangan ang mga banat nya. Iniisip ko kung ganito din ba sila ate at Johann. Sabagay, kung wala namang ibig sabihin eh okay lang. Parang sa’min lang ni Jake.

            Pag balik namin ni pare sa table, wala na si ate.

            “Nasan na si ate?” lumingon ako sa likuran ko pero hindi ko na sya makita.

            “Uuwi na daw sya. Masama daw kasi ang pakiramdam nya.” Malungkot na sabi ni Johann.

            “Bakit hindi nya sinabi sa’kin, para sinamahan ko na sya pag-uwi. Hindi na ko makakapagenjoy dito kung alam kong may sakit sya.” Tumayo na ako dahil nag-aalala ako kay ate.

            “I know, if you want we can go home.” Sabi ni Johann na parang gusto na ding umuwi.

            “Nakakahiya naman. Mukhang nasira pa naming magkapatid yung bonding nyo ni pare.” Parang disappointed ako.

            “Of course not. Madami pang ibang araw para magenjoy. Mas importante yung ate mo.” Sabi ni Johann na iniisip si ate.

            “You’re right.” Sagot ko sa kanya. Umalis kami dala-dala yung inorder namin.

            Nag-aalala ako kay ate. Hindi naman kasi ganun yun. Kung may nararamdaman yun, nagsasabi sya agad. Kung aalis sya, nagpapaalam sya ng ayos. Pero ngayon, ibang-iba sya. Baka nagsasarili na sya ng problema at ayaw nyang sabihin sa’kin.

            Buong byahe akong hindi mapakali. I’ve been trying to reach her pero nakapatay ang phone nya. Hindi ko na naisip si Johann nun, basta ang alam ko lang parehas kaming nag-aalala sa ate ko.

            Tahimik ang buong byahe namin. Tulog lang si pare, at seryosong nagda-drive si Johann. And after one hour and thirty minutes na byahe, nakarating din ako sa bahay.

            “Thanks Johann. Pare text text na lang.” bumaba ako ng kotse.

            “Zane, take care of your sister.” Pahabol ni Johann.

Nothing's Gonna ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon