CHAPTER 9
“Memories”
Gosh ang sakit sa ulo. Mabuti na lang nakauwi na ko. Ooops. For sure andito si ate, anong gagawin ko? Hindi na naman ako galit sa kanya. Kakausapin ko pa ba sya? Bahala na.
Pagpasok ko palang ng pintuan ay nakita ko na si ate na nakaupo sa sofa. Tumayo sya agad ng makita nya ako. Siguro akala nya galit pa din ako sa kanya.
“Ate.”
Bigla syang napaiyak at tsaka sya lumapit sa’kin.
“Zane, I didn’t know na si Hann yung kinukwento mo sa’kin. I am so sorry. Kung alam ko lang sana hindi na nangyari ‘to.” Umiiyak na sabi ni ate.
“This is not about Johann. This is about you.” Mahinahon kong sagot kay ate.
“What do you mean?” nagpunas sya ng luha.
“Nagkausap na kami ni Johann. Nakwento na nya sa’kin ang lahat. Hindi naman ako galit kasi pinagmuka nyo kong tanga.”
“Don’t talk that way. Zane, hindi ko intention yun.” Hinawakan nya ako sa kamay.
“Let me finish ate. Wala kong pakialam kung niloko nyo ako ni Johann. Kung magboyfriend kayo. Pero bakit hindi mo sinabi sa’kin na may boyfriend ka na pala huh? Alam mo namang matagal ko ng gustong magkaboyfriend ka. Gusto ko ring maramdaman mo na hindi lang ako yung taong kayang magmahal sa’yo.” This time pumatak na talaga yung luha ko.
“Zane.”
“Ate, hindi pwedeng sa’kin lang umiikot ang mundo mo. Hindi pwedeng mas mahal mo ko kesa sa sarili mo. Hindi pwedeng puro happiness ko ang iniintindi mo kesa sa sarili mong happiness.” Hindi ko na nga napigilang umiyak.
“I’m sorry.” Mahinang sagot ni ate.
“Idol kita eh. Pero ayokong tumanda kang puro ako na lang ang iniintindi mo. Kasi ate, mahal din kita eh. Para ano pa’t naging magkapatid tayo kung magsisinungaling lang tayo at magiging duwag sa mga bagay na gusto nating gawin dahil lang sa ayaw nating masaktan ang isa’t isa. Ayoko na ‘tong mauulit.” Pinapagalitan ko ang sarili kong ate. Para akong bata sa pag-iyak habang pinapagalitan ko sya.
BINABASA MO ANG
Nothing's Gonna Change
Short StoryZane is in love with her best friend's brother, Johann. Everyone knows that he's her ideal man. Her dream came true when Johann finally asked her to be his girlfriend. Is it for real? Or he's just doing this because he has to? What will happen to he...