CHAPTER 7 "Shocking revelation"

17.2K 458 27
                                    

CHAPTER 7

“Shocking revelation”

            Hindi ko na naintay ang pag-uwi ni ate. Nakatulog na ko agad. Maaga akong nagising ngayon. Naulan, nakakatamad pumasok. Chineck ko yung cellphone ko 6:03am na pala. Wala man lang text si pare, wala man lang syang good night. Nakakapanibago. Naisip ko syang tawagan, mabuti naman at nagriring na yung cellphone nya.

            “Good morning pare. Nag-alala kasi ako hindi ka nagtext. Tinatawagan kita kagabi pero patay yung cellphone mo.” Mahinahon kong sabi sa kanya.

            “Nalobat ako eh. Gumimik kasi kami ng tropa kagabi.” Pabargas nyang sagot.

            “Gumimik? Bakit hindi ka nagsabi?” nag-aalala kong tanong.

            “Bakit girlfriend ba kita? Hindi ko kailangang sabihin lahat sa’yo. Baka mag-away pa kami ni kuya.” Galit na sabi ni pare.

            “Babawi ako ngayon pare. Sunduin mo ko, please.” Kalmado pa din ako.

            “Hindi ako pwede eh, may pupuntahan kami ng tropa. Sabihin ko na lang kay kuya na sunduin ka. Bye.”

            Binabaan pa ko ng phone. Nakakainis lang,  hindi ko akalaing kaya nya pala kong tiisin. Kay ate na nga lang ako sasabay pumasok. Ayaw ko namang pati silang magkapatid eh mag-away pa ng dahil sa paghahatid at pagsundo sa’kin.

            Sinilip ko si ate sa kwarto nya, grabe natulog ba sya? Eh nauna pa syang bumangon sa’kin. Naliligo na sya samantalang ako kagigising ko lang. Minabuti ko na ding maligo para makasabay ako sa kanya pagpasok. May narinig akong tumigil na sasakyan kaya nagmadali akong magbihis. Baka kasi si pare yun, baka hindi nya din ako natiis. Habang nababa ako ng hagdanan nakita ko sa may bintana na may kausap si ate. Hindi ko pa makita kung sino gawa natatakluban ng mga orchids yung mukha ng lalaki.

            “Ate, si pare ba yan?” mahina kong tanong habang papalapit ako sa kanya. Pero parang isang pamilyar na boses ang narinig kong kausap nya. Alam kong masama makinig sa usapan ng iba pero hindi ko mapigilan. Kaya nagtago muna ko sa likod ng pintuan namin. Dinig ko naman ng malinaw ang usapan nilang dalawa.

            “Ano pa bang gusto mo Dyna. Ginawa ko yung sinabi mo.” Sabi ng isang pamilyar na boses.

            “Huwag mong lakasan ang boses mo baka marinig ka ng kapatid ko.” Bulong ni ate.

Nothing's Gonna ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon