CHAPTER 6
“Surprise”
Hinatid ako ni pare sa resto. Actually palagi naman nya kong hinahatid. Sinusundo din naman nya ako. Iniisip ko nga paano kung si Johann na ang naghahatid at sundo sa’kin. Hay naku, heto na naman ako sa pantasya ko about Johann. Speaking of Johann, parang nakikita ko ang kotse ni Johann sa parking lot ng resto namin.
“Pare, kotse ba ng kuya mo yun o katulad lang?” tanong ko kay pare habang tinuturo ko yung kotse.
“Kay kuya nga yan, pero anong ginagawa nya dito?” gulat na tanong ni pare.
Syempre dali-dali akong pumasok ng resto. Sobrang gulat ko ang daming roses, sobrang ganda. Hindi ko naman birthday at hindi din naman anniversary ng resto namin. Biglang may lalaking naglalakad papalapit sa’kin pero hindi ko makita ang mukha nya. May hawak kasi syang bouquet of red roses na hinaharang nya sa mukha nya. Lumingon ako sa likod ko kasi baka may ibang tao sya na lalapitan. Pero wala, ako lang at si pare ang nakatayo dun. Biglang tumugtog ang God Gave Me You ni Brian White. Grabe naglabasan lahat ng crew namin at nakatingin sa’kin. Nagulat din naman ako na pati si ate eh nandun din sa resto. Para kanino kaya ‘tong mga to.
“What’s happening?” naguguluhan kong tanong.
Super nagulat ako ng alisin nung lalaki yung bouquet of flowers sa mukha nya. Tumalikod pa ko saglit dahil baka namamalik-mata ako. What the Fish! Si Johann ang lalaking yun. Hindi pa ko kinikilig kasi baka hindi naman para sa’kin yung flowers. Syempre harap naman ako agad sa kanya.
“Johann? What’s this all about?” nahihiya kong tanong sa kanya.
“Gusto lang kitang isurprise.” Mahinahong sagot ni Johann.
“At nasurprise naman talaga ako.” Kinikilig kong sagot.
“Flowers.” Iniabot nya yung flowers sa’kin.
“Thank you. Pero bakit kailangan may ganito pa.” Nahihiya kong tanong kay Johann.
“Coz I like you. I like you Zane. From the moment I saw you, alam kong ikaw na.” nakatitig lang sya sa’kin.
Patay na ba ako? Ito na ba yung heaven? O baka naman nananaginip lang ako. Kung panaginip man ‘to ayoko ng gumising. Gosh, grabe biglang tinugtog yung It Will Rain. Kinikilig na talaga ako, parang gusto kong mahimatay. Tulala nga ako eh. Wala kong reaksyon.
BINABASA MO ANG
Nothing's Gonna Change
Short StoryZane is in love with her best friend's brother, Johann. Everyone knows that he's her ideal man. Her dream came true when Johann finally asked her to be his girlfriend. Is it for real? Or he's just doing this because he has to? What will happen to he...