CHAPTER 8
“Secretly in Love?”
Lumapit na si pare sa’kin dahil umalis na si Johann at naiwan akong mag-isa sa field.
“Okay na pare?” tanong ni Jake.
“I think so. Alam mo pare hindi naman ako nagagalit kasi pinaasa ako ng kuya mo. Para ngang wala sa’kin.” Tumingin lang ako sa malayo.
“Eh yun naman pala eh. Eh bakit may paiyak-iyak ka pa kanina sa park?” pang-aasar ni Jake.
“Gawa ni ate, biruin mo 3 years. Ganun katagal nyang itinago yung sa kanila ni Johann. Ang bigat sa loob nun. Tapos inaalagaan at iniintindi nya pa ako. Kung sinabi nya agad, wala namang problema eh.” naiinis kong paliwanag.
“So yun lang ang sinabi ni kuya?” tanong ni pare.
“Oo. Ah hindi. Ah ewan! Ang gulo nya kasi pare eh. Hindi daw talaga sya ang totoo kong mahal.” Napatingin ako kay pare.
“Eh sino daw?” parang nacurious din si pare sa sinabi ko.
“Tumingin daw ako sa paligid ko para makita ko. Eh pagtingin ko ikaw lang naman ang nakita ko.” Napatawa kong sabi.
Parang nagulat naman si pare sa mga sinabi ko.
“Ang kulit talaga ni kuya. Sinabi ng wag──” napahawak sya sa noo nya.
“Wag ano?” napataas ang kilay ko bigla.
Ang tagal nyang hindi nagsalita. Tumalikod sya sa’kin at sumandal sa likudan ko. Parang nararamdaman ko ang tibok ng puso nya. O baka namang puso ko yung natibok ng mabilis. Pero bakit? Ano ba talaga ang nangyayari?
“Alam mo pare, akala ko mamamatay na ko kahapon nung makita ko kayo ni kuya sa resto.” Seryosong sabi ni pare.
“Pero pare──”
BINABASA MO ANG
Nothing's Gonna Change
Short StoryZane is in love with her best friend's brother, Johann. Everyone knows that he's her ideal man. Her dream came true when Johann finally asked her to be his girlfriend. Is it for real? Or he's just doing this because he has to? What will happen to he...